Ang jowa kong totoy


Hi. Ako nga pala si Che. Wanna know my love story. This is how it goes. 2009 nuong makilala ko si totoy. Inosente, friendly though may pagkasuplado konti. Ipinakilala sya sa akin ng isang kaibigan kong babae na that time pala ay girlfriend ng bestfriend nya. At first he was shy and silent lang while nag iinuman. Then may isa syang kaibigan na medyo tinamaan na yata eh nagiging bastos na. Kasi hindi sa pagmamalaki maganda ang dibdib ko. At yun nga naglasing lasingan ang mokong nilang kaibigan kunwari ay napapabagsak sa dibdib ko. Sa inis ko nasapak ko. As in sapak. Nagulat silang lahat pati si Totoy. Pero sa halip na tulungan nya yung kaibigan nya tinawag nya ako at sabi nya sa tabi na nya ako maupo. Naisip ko mabuti pa nga dahil tahimik naman sya at mukhang hindi katulad nung ibang kaibigan nya. So after that isa isa na nagpaalam mga friends namin. Nagpapaalam nadin sana ako kaya lang nakiusap yung kaibigan kong babae na magpaiwan muna ako para may kasabay sya pag uwi. Pumayag ako dahil pakiramdam ko hindi naman ako mapapahamak.So ayun na nga nagulat akong nagsalita sya para tanungin uli ang pangalan ko. At nagkwentuhan kami about life. Nalaman kong binata sya, may gf but never na nakagalaw ng babae. Natawa ako kasi parang imposible but since yun ang kwento nya so be it. Nung napansin kong paumaga na, oh di ba ang tagal na para kaming timang na kwentuhan lang habang naglalampungan yung mga kaibigan namin, inaya ko na kaibigan kong umuwi. Kasi may uuwian akong 2 anak. By the way nung panahon na yun byuda na ako with 2kids. Mula nun hindi ko na sya nakausap pa until one day after 2weeks nagparamdam si totoy. Inaya nya yung kaibigan ko para isama ako. Para pumunta kung san sya nagtatrabaho. Sabi ko bakit daw? Dahil gusto daw manlibre ng mirienda at makilala pa ako. Sabi ko kala ko may gf sya. Sabi ng kaibigan ko nakipagbreak daw yung babae kasi nagsabi daw si totoy na may nagugustuhan na syang iba na gusto nyang makasama habangbuhay. Sabi ko bakit ako ang inaaya. Ano ako love guru? Sabi ni friend basta sama nalang daw ako. Ehsince byuda ang lola nyo gusto kong maglibang go naman ako. Pagdating namin dun inasikaso nya ako. Kung pwede daw wag muna ako umuwi kasi nakabreak lang daw sya pero malapit na sya mag out sa work. Sabi ko ok basta kasama si frenny ko. To cut the waiting after work nya tumuloy na kami sa boarding house nya. Sabi ko ”pinapunta mo ako dito para sabihin na nagbreak kayo ni gf mo? Oh eh anu ngayon? “Sabi nya” kasi nakita ko na yung babaeng gusto kong maging ina ng magiging anak ko”. Sabi ko...


” o ngayon? ” Sabi ba naman ” ikaw yun”. Natawa ako. Sabi ko sa kanya ” Tanga. Hindi mo ako kilala. “Sagot ba naman,” Eh di hayaan mo ako kilalanin ka”. Pero honestly hindi ako kinilig. Natatawa talaga ako. Kasi sabi ko pag nalaman nyang byuda ako at may anak sigurado magsisisi sya. Pero mali ako. Pumunta sya sa bahay namin para pormal na ipakilala ang sarili nya sa pamilya ko and mostly sa mga anak ko. I can’t believe na gagawin nya yun dahil nga sa katayuan ko. May anak na ako pero sya binata. But he sincerely show me kung gaano nya ako kagustong makasama. Kahit hindi pa kami pinilit nyang tulungan akong gampanan ang pagiging magulang sa dalawa kong anak. At ipinaramdam nya sakin na hindi mahalaga sa kanya nag sitwasyon ko. Pero talagang duda pa din ako. Hindi ako naniniwala na may kagaya nya na tatanggap sakin. Kaya sabi ko sa sarili ko siguro pag pinatikim ko sya ng byaheng langit lilipas din ang nararamdaman nya sakin. Baka nakucurious lang sya or maybe gusto nyang magkaron ng sexperience. Hehehehe. So anu pa ba iniisip nyo. Eh di ainubukan ko nga. Kaso tanga pala talaga. Ni hindi marunong humalik. Hiyang hiya pang yumakap. At dahil ako nga ang may alam syempre ako ang nagturo, ng lahat lahat. Naisip kong pagkatapos may mangyari samin mawawala na sya at malamang iyabang pa nya sa mga kaibigan nya. But to my surprise after ng nangyari samin nagsimula na syang maging seloso at over protective. Lagi na nya ako sinusundo sa trabaho. Sabi ko uli sa sarili ko ay naku nasarapan ata si loko kaya lalong nahumaling. Pero mali ako dahil naulit ng ilang beses yung nangyari samin hanggang nabuntis ako. Akala ko bigla nalang syang mawawala pag nalaman nya. Pero ito ang best words of all words na narinig ko sa buong buhay ko. “Mahal kita. Mahal na mahal. Wala akong pakialam kung anu ang sitwasyon mo. Ang mahal mo mahal ko rin. At masaya ako na magkakaroon tayo ng anak. Pangako ko na hindi kita iiwan at hindi ka mag iisa.” Anu pa ba mararamdaman ko? Naiyak nalang ako siempre. Yung nangyari samin iniisip kong imposible. Pero wala pala talagang imposible when it vomes to love. Walang age at walang kahit anong sitwasyon ang pwede manaig sa pag ibig. Sa January 29 2022 13 years na ang pagsasama namin. At pinakasalan nya ako 9 years ago. Wala na akong mahihiling pa. Akala ko sya ang nasa mabuting kamay dahil mas bata sya sakin pero baliktad. Ako ang nasa magandang kamay dahil sa kanya. Lima na ang anak ko ngayon pero araw araw parin nya pinaparamdam na mahal nya ako. So happy to have my jowang totoy.
Thank you sa pagbasa..
09321775159





2
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top