Hidden Wife of the CEO CHAPTER 13.2


Russel’s POV
ahem!(clear throat)
“Manager Delfuego!”
napaangat ulo sya ng tawagin ko.
“po?” sagot nya.
“May sadya si chairman sayo ngayon na..” kunwari hanap sya ni dad kaya agad napatayo.
Napangiti ako ng bahagya kasi feel ko naisahan ko sya.
“Follow me!” sabi ko at naglakad papuntang elevator at tap yung botton for ground floor.
“Russel, nasa baba ba si Dad? anong sadya?”
“Hmp actually mag mo-mall tayo! gusto kong makita yung baby stuffs”
“so hindi talaga ako pinatawag ni dad? langya ka! Andami kong trabaho! ”
“yaan mo na hon, wala lang yan sa kalingkingan ko.Ako nga aabutin na ng dalawang bundok yung papers na nakatambak sa desk ko. Gusto ko magrelax ng kunti .Wag kang umangal kundi tatanggalin kita sa trabaho! ”
hinimas ko pa yung tyan nya kaso biglang tapik ng kamay ko
“wag mong ilapat yang kamay mo!”
Sigaw nya
Nasa mall na kami ni Ericka yung itsura nya na bagot na bagot akong kasama.
“Russel c.r lang ako ha kanina pako naiihi” di pa nga ako nakasagot at naglakad na sya agad.
Nasa men’s wear na muna ako’t naghahanap ng magandang polo.
“Ehem! at ano naman ang ginagawa ng isang CEO dito sa mall?”
Paglingon ko si Alyanna pala.
“Hmp, di mo nakita? malamang namimili alangan namang tumambay lang?”...


Sabay balik atensyon sa mga damit.
“Ang suplado ah? bakit babe hindi ka ba masayang makita ako?”
“Hiwalay na tayo kaya tumigil kana”
“Hiwalay? Hmp,not me! hindi ko naman sinabing pumapayag ako sa hiwalayan ah? bakit babe? Nahuhulog naba ang loob mo sa wife mo kaya biglang boom! wala na ! ayaw mo na! at pinili mo pang makasama yung Ericka nayun! ”
Hinarap ko uli sya
“Pwede ba alyanna wag kang umastang spy ko Jan! hanggang ngayon ba’y sinusundan mo pako?”
“What? I’m not following you babe! hindi ba pwedeng nagkataon lang? Bakit may kasama kaba ngayon ha? Who’s with you? asan na yung boring mong asawa?” Sabay pulupot nya sa braso ko.
“Alyanna! ano ba? kasama ko si Ericka baka makita pa tayo” Kahit anong suway ko talagang matigas ang bungo nito.
_____________________
Ericka’s POV
Binalikan ko na si Russel kung san kami huling nag usap.
Pagdating ko dun may kasama na syang babae .
Alyanna? akala ko ba hiwalay na sila? Panay parin ba ang ugnayan nya sa babaeng yun? Kung makalapit akala mo naman sya yung asawa? eh isa lang naman syang k*bet!
sabi ko sa sarili.
Hindi nako nagpakita pa at tuluyan nakong umalis sa lugar nayun. Umuwi ako mag isa sa Mansyon at nilagapak kong sinara ang pinto.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top