Hidden Wife of the CEO CHAPTER 21.1


Kinabukasan nun napagpasyahan naming mag asawa na bumyahe para dalawin si Mich. Medyo malayo layo rin ang byahe at inabot kami ng 3 hours. Iniwan muna namin si Shan Shan sa lola nya para di kami mahirapan sa paghanap sa kaibigan ko .
Nagtanong tanong kami hanggang sa may Isang babae ang napagtanungan namin.
“Michelle? Michelle Contrimayor po ba ang tinutukoy ninyo?”
“So kilala mo sya? maaari mo bang ituro samin ang mismong tinitirhan nya?” sabi ko.
“Sige po, iwan nyo nalang ang sasakyan dyan tapos ipapabantay ko nalang sa mga kakilala ko dito” sabi nya.
Naglakad kami sa medyo may pagka eskinitang lugar. Hindi naman ito squatters area pero marami lang talagang nakatira.
“Hon, pano mo nalamang tagarito si Mich?”
“Nakwento sakin dati ni Mich yung lugar kaso di pako nakarating dito. Buti nalang matutunton rin natin. makikita na natin sya sa wakas.” nakangiti kong sabi.
“Ma’am Sir! yung bahay napo Yan! ” May tinuro sya.
“Dyan po nakatira ang lola nya tapos yung kaibigan nyo po bali second cousin ko. Try nyo nalang po kung andyan sya kasi mula nung...


umuwi sya dito tatlong taong nakakalipas. May nangyari kasing di maganda sa kanya.”
“anong ibig mong sabihin?”
“Kasi po May nakilala syang stranghero na bumisita rito . Nagkakilala sila hangga’t sa nagkamabutihan. Sa kasamaang palad ay iniwan rin sya nito ang masaklap pa nabuntis ito at di pinagutan.. Sa kasalukuyang nasa pangangalaga ng kanyang lola ang bata pero si Mich labas masok na sa mental dahil sa depression na di nakayanan..kumbaga nabaliw po ang pinsan ko.. Di namin makausap ng maayos. Kaya napilitang ipasok uli sa mental..Para po makasiguro kayo lapitan napo natin yung bahay nila”
Halos di kami makapagsalita ni Russel sa mga narinig namin.
“Anong anak nya?” tanong ni Russel.
“babae po..Si Rica ang sabi nya ipapangalan nya yung anak nya sa pangalan daw na Rica dahil malapit sa pangalan ng kaibigan nya.Naku ma’am masyadong mahaba napo nakwento ko pero kasi medyo di na makaalala masyado ang lola nya kaya ako nalang nagsasabi sa inyo.”
Pumasok na kami sa loob ng maliit na bahay . May matandang babae na pinapatulog sa duyan ang isang malusog na dalawang taong batang babae.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top