“Ang gwapong lalaki tapos sa babaeng ‘yan lang pala babagsak. Tsk, napakasayang niya talaga.”
“Look! Ano kayang nagustuhan nung lalaking ‘yon sa babaeng ‘yan? Its like omg. Eww!”
“Ginayuma yata ni girl.”
“Sobrang effective siguro ng gayuma ni girl.”
Napansin kong napayuko si regine dahil sa mga naririnig niya.
Ano pa nga bang aasahan mo sa lugar na ‘to?
Mga mapanghusga.
“Babe are you okay?” Tanong ko kay Regine.
“U-umalis na tayo dito, Ivan,” she said stuttering.
“Why? We’re here to have fun and and besides its our anniversary. Don’t mind them, Regine. I’m here.”
–
“Ivan, ayoko na. Hindi tayo bagay.” Panimula ni regine.
“Bagay tayo. Ilang beses ko ba sasabihin na h’wag mong pakikinggan ang sinasabi ng iba.” Niyakap ko siya.
“Ayoko na talaga.” Malamig niyang turan.
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kan’ya.
“Bakit ba kasi regine? Bakit mo ako iiwan?”
“Ivan, hindi naman tayo bagay. Tignan mo nga huh. Kapag kasama mo ako nagmumukha lang akong yaya. Ivan ang layo ko sa’yo. Ang pangit ko! Ang pangit pangit ko at hindi ako nababagay sa’yo,” litanya niya.
“Hindi ‘yan totoo Regine. Maganda ka. You’re beautiful in your own way. I love you for who you are. Mahal kita Regine. Mahal na mahal kita kahit na sabihin pa ng iba na hindi ako marunong pumili ng babae. Kahit na natatapakan na ang pagkalalaki ko ikaw pa rin eh. Ikaw pa rin ‘yong mahal ko.”
“Ito na naman tayo Ivan! Alam ko naman eh. Alam kong may phobia ka. Kaya ngayon mo sabihin mahal mo ba talaga ako? O dahil lang d’yan sa phobia mo?”
“No. Mahal kita Regine. Not just because of my phobia pero habang...