HINDI LAHAT NG BABAE LALAKE DIN ANG GUSTO


One shot Story 👌
“HINDI LAHAT NG BABAE LALAKE DIN ANG GUSTO” 💜

“hi alexa magandang umaga para sa kagaya Mong maganda” pilyong sabi ni john na halatang nagpapa-pansin na naman
“same” tipid na ani ko saka nag-umpisang maglakad palayo sana sa kanya ng hawakan nya yung braso ko
“feeling ko tuloy may nakakahawa akong sakit dahil sa kakaiwas mo sakin” sabi nya sa malungkot na tono
“john wala lang ako sa mood” mahinahon na ani ko bago alisin yung kamay nya sa braso ko
“lagi kang wala sa mood? Kasi lagi mo akong iniiwasan” dugtong nya kaya napabungtong hininga ako
“sorry” maikling tugon ko bago sya iwan.
Nagpunta ako sa library na lagi ko namang ginagawa.
Habang abala ako sa pagbabasa ay may biglang umagaw ng librong hawak ko.
“what the hell are you doi–” putol ko sa sasabihin ng makita ko kung sino ang umagaw ng librong hawak ko
“k-kaila” sambit ko sa pangalan nya
“uhmm..ang aga-aga salubong na naman yang kilay mo!” ani nya sabay upo sa upuang katapat ko
“bakit ka nandito?” mataray na tanong ko ng titigan nya ako.
“bakit nabili moba yung library? Saka masama bang puntahan ka?” ani nya na ikinapula ng pisngi ko.
Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko kapag sya na yung nakikita ng mga mata ko. Feeling ko humihinto ang oras at tanging kaming dalawa lang ang taong nandito.
” kaila bili tayo ng ice cream” parang bata na sabi ko ng makalabas kami sa campus kung saan kami nag-aaral
“basta ba libre moko” ani nya ng hilahin nya ako papunta dun sa lalakeng nagtitinda ng ice cream.
Basta talaga libre ang bilis-bilis nya.
“kuya dalawa nga po” sabi nya sabay ngisi sakin
Ang cute nyang tingnan ang saya ko kapag sya ang kasama ko.
“ano ba yan alexa para kang bata kumain!” sita nya sakin kaya natawa nalang ako ang sarap kasi ng ice cream.
Nagulat ako ng bigla nya akong hilahin palapit sa kanya saka nya pinunasan yung gilid ng labi ko gamit yung daliri nya.
“ayan okay na bata” ani nya na nagpabilis sa tibok ng puso ko.
Hanggang sa pagtulog ay si kaila parin ang laman ng isip ko, hindi ko alam kung bakit sa kanya lang ako ganito. Marami namang nanligaw sakin may mga naging boyfriend nadin ako pero iba padin talaga ang epekto sakin ni kaila.
Si kaila na bestfriend ko….
Kinaumagahan ay maaga ako gumising dahil narin siguro sa pagiging excited kong makita si kaila.
Nang matapos akong gumayak ay dali-dali akong sumakay ng taxi papuntang school. Hindi pa man ako nakakababa ay tanaw ko ng naghihintay si kaila sa may gate kaya sobra na ang ngiti sa mga labi ko.
“hi kaila” masayang bati ko ng mapansin kong may kasama syang lalake
Hindi ko alam pero may kumirot sa puso ko.
“hi alexa buti nandyan kana” nakangiti nya rin na sabi sabay hawak sa kamay nung lalakeng kasama nya
“si mark nga pala boyfriend ko” sa sinabi nyang yon ay parang may kung anong sasabog sa dibdib ko.
Ang sakit!
“c-congrats” sabi ko sabay ngiti ng pilit kahit ang totoo gusto ko ng umiyak dahil sa nalaman ko.
“excuse me” ani ko bago pa tuluyang tumulo ang luha ko
Nagtatakbo ako papuntang cr saka ko don binuhos ang luhang kanina pa gustong pumatak sa mata ko.
Ang sakit lang malaman na yung taong gusto mo ay hawak na ng iba. Oo mahal kona sya! Hindi ko alam kung bakit at kung paano pero isa lang ang alam ko.
Mahal ko si kaila, mahal ko ang kapwa ko babae.
Dahil sa nangyari ay pinayagan kong manligaw sakin si john.
“Pwede ba kitang yayain lumabas bukas” ani ni john
“hmm m-may gagawin ak–” putol nya sa sasabihin ko ng magsalita ulit sya
“kasama si kaila at mark” pagkasabi nya sa pangalan ni kaila ay napaayos ako ng upo
“sige” maikling tugon ko, pansin kong kumunot ang noo nya pero binalewala kona lang dahil gusto kong makita si kaila.
Simula kasi nung magka boyfriend sya bihira nalang kami magkita...


kaya miss kona sya.
——————
“babe eto tikman mo masarap to” sabi ni mark kay kaila
Nandito kami sa isang restaurant double date kumbaga.
Hindi mawala kay kaila ang tingin ko ni hindi ko nga magalaw yung pagkain ko.
Ang amo ng mukha nya, miss na miss kona sya.
Naiinggit ako sa kanila kasi ang sweet nilang dalawa, sana ako nalang si mark.. Sana ako nalang yung dahilan kung bakit sya masaya.
“hmm..alexa” tawag sakin ni john kaya napatingin ako sa kanya.
Kita ko sa mata nya ang lungkot, lungkot na alam kong nasasaktan sya.
“alexa are you happy?” tanong ni john ng makarating kami sa tapat ng bahay
Tumango ako bilang tugon ng bigla nya akong yakapin.
“oo ang sinasabi ng bibig mo pero ramdam ng puso ko na HINDI talaga ang nararamdaman mo” ani nya habang nakayakap sakin
Hindi ko alam pero biglang tumulo ang luha ko.
“john s-sorry” ani ko sabay bitaw sa yakap nya
“p-pumasok kana gabi na” sabi nya sabay ngiti ng pilit
Pagkaalis ni john ay doon nako nag-iiyak…bakit ganito? Bakit kailangan ganito pa ang maramdaman ko..
Mugto ang mata kong pumasok sa school, hindi pa man ako nakakapasok sa room ay may narinig na akong nagkakagulo sa may gym kaya agad akong tumakbo patungo doon.
“gago ka! Ginamit molang pala ako para mapagtakpan yang katomboyan mo!” sigaw ni mark kay kaila
Teka anong nangyayari? Bakit sila nag-aaway?
“i-im sorry mark pinilit ko naman eh p-pero diko kaya kasi mahal ko sya” umiiyak na sabi ni kaila ng bigla syang itulak ni mark
“nakakasuka ka!” galit na sabi nito bago iwanan si kaila
“k-kaila” banggit ko sa pangalan nya ng makalapit ako sa kanya
Agad ko syang niyakap upang pagaanin ang loob nya.
“a-anong nangyari?” naguguluhan na tanong ko ng hindi mo ako sagutin iyak kalang ng iyak
Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil maski ako ay nasasaktan para sa babaeng mahal ko.
“mag-usap tayo” ani ni john ng magpunta sya sa bahay namin
“n-nakainom ka” utal na sabi ko ng makita ko ang galit sa mata ni john
“mag-usap tayo!” ulit nya saka nya ako hinawakan ng mahigpit
“bukas nalang john lasing ka” sabi ko sabay iwas sa tingin nya.
Nagulat ako ng bigla nyang halikan yung labi ko, sa sobrang bigla ay naitulak ko sya.
“ayaw mo ng halik ko? Kasi halik ni kaila ang gusto mo!” sabi nya kaya nasampal ko sya
“sinabi na sakin ni mark na kaya sila naghiwalay ni kaila ay dahil sayo, kasi ikaw yung mahal ng tomboy na yon! At alam mo yung masakit? Ramdam kong gusto mo din sya” galit na sabi nya sabay sabunot sa buhok nya.
“fuck alexa! Meron ba sya nito!” sigaw nya sabay hawak sa kamay ko patungong short nya na kung saan naka-umbok ang pagkalalake nya.
“gago ka!” sigaw ko din sa kanya ng mabawi ko ang kamay ko
“anong akala mo sakin? Hayok sa ari mo!! Para sabihin ko sayo hindi lang yan ang kailangan ng babaeng kagaya ko! Oo mahal ko si kaila alam mo kung bakit?” naiiyak na sabi ko sabay tingin kay john
“kasi masaya ako sa kanya, at wala akong pakialam kahit wala syang T* na pinagmamalaki mo kasi mahal ko sya!” sabi ko bago sya tuluyang iwanan mag-isa.
———–
“tatanungin moba kung bakit ako nandito?” ani ni kaila ng maabutan ko sya sa labas ng bahay namin
“hmm..Bakit nga ba?” mangiyak-ngiyak na tanong ko
“para puntahan yung babaeng mahal ko” sabi nya sabay yakap sakin
“sorry ah, iniwasan ko naman pero hindi ko kaya. Gumamit pa ako ng ibang tao para lang kalimutan ka pero wala eh di nakisama yung puso ko kaya eto ako ngayon parang tanga na bumabalik sayo” sabi ni kaila habang umiiyak nadin
“bakit ba tayo nagdadrama? Bahala ka papanget tayong dalawa” ani ko kaya natawa ka
“i love you alexa” ani mo sabay titig sa mata ko
“i love you too kahit parehas tayong babae” sagot ko ng dampian nya ng halik ang noo ko..
– Team Tarah ulit 💜❤
✍️ Work of fiction






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top