HIS HEARTLESS LOVE CHAPTER 15


( PAUL SANTIBAN )
_____________
“You are so beautiful baby” mahinang sabi ni Paul kay Sherin habang sumasayaw sila, pakiramdam ni Sherin ay tumaas lahat ng dugo niya sa kaniyang mukha at mahinang tinapik ang braso ni Paul.
“Bolero ” naka ngiting sagot ni Sherin sa binata na naka titig parin sa kaniya.
“Tanda bakit ikaw lang ang kasayaw ko.? Diba pag 18 birthday may 18 boys akong makakasayaw at mag bibigay saakin ng Roses. Ganun kasi saamin ”
“Tsk no! Ayokong may ibang humahawak sa kamay at bewang mo. Dahil Akin lamang ito at ito lahat ng mga ito ay Akin ” sagot ng binata. Sabay halik sa kaniyang dalawang Kamay, at sa Nuo ,ilong pisngi at labi. Na siya namang kina ingay ng mga lahat ng mga Naroroon.
“Oh my God ” rinig nilang sabi ng mga gulat na Bisita kasabay ng mga nag iilawang mga Camera ng mga Photographer at Reporters
Nanlaki naman ang mata ni Sherin dahil sa Ginawa ni Paul sa Kaniya. Alam niyang Nakita ng buong Pamilya at ng mga naroroon ang ginawa ng binata at panigurado ay mapapabalita ito sa buong bansa dahil kilala si Paul at ng buong angkan ng mga Santiban sa Buong Mundo.
“Anong ginawa mo? Bakit mo ginawa yun ” nanlalaking matang ani ni Sherin
“Bakit? Masama bang ipakita ko sa Buong mundo kung gaano ako ka swerte ? Saka gusto kulang ipa alam at ipakita sa kanila na Akin ka lang ” sagot ng Binata.
Ng matapos na ang Musica ay tumigil narin sila sa pag sayaw . Dahilan upang mag simulang mag tanong ang mga Reporters kay Paul maging sa mga magulang nito.
“Mr Paul Santiban. May Relasyun ho ba kayu ni Miss Sherin ”
” Mr Santiban bakit niyo po hinalikan ng ganun si Miss Sherin may Relasyun ho ba kayo ”
“Sir may kumakalat sa Social Media na may kasama kang babae sa Boracay at kahalikan . Si Miss Sherin ho ba iyon? ”
Sunod sunod na mga tanong ng mga Media kay paul habang si Sherin naman ay hindi alam kung anong mukha ang ihaharap sa mga Magulang ng binata na siyang naging pangalawang magulang niya rin.
“She’s my Wife at narinig niyo naman diba kanina. SHERIN SALVADOR -SANTIBAN ” proud na sagot ni Paul sa mga Reporters na siya namang ikinagulat ng Lahat ng mga naroroon maging si Sherin ay hindi niya napag handaan ang sinabi ng Binata.
“Miss sherin totoo bang na isa kanang Mrs Santiban? Baling ng mga ito sa Dalaga. Ngunit hindi na ito pinasagot ni Paul at kaagad naman lumapit ang Mag asawang santiban.
” siguro naman po ay Nasagot na ang mga tanong niyo . Kaya wag napo sana magkaroon ng kahit na ano sa Party na ito. Mag saya po tayong lahat ngayong gabi” naka ngiting ani ni Mrs Paulyn sa lahat ng mga naroroon habang hawak nito ang mikropo.
Tumigil naman sa pag tatanong ang mga Reporters at nag simula narin kumain ang lahat ng mga naroroon.
“Paul, Sherin mamaya mag uusap tayo ” maautoridad na ani ni Pablo sa Dalawa.
“Paul ano tong ginawa mo? Anong wife pinag sasabi mo kanina? Hindi moba alam kung gaano kalaking katanungan ito saamin at sa buong pamilya natin. . Kailan mopa naging asawa si Sherin? ” ani naman ni Paulyn
“Mom dad, mamaya ho pagkatapos nito sasabihin ko lahat sa inyo. ” sagot ni Paul.
“Excuse me lang po ” nahihiyang sabat ni Sherin habang naka yuko. at mabilis na tumayo. At tinungo ang ladies Restroom , pumasok siya sa isang cubicle at nilock ang pinto at duon niyakap ang sarili at napapaiyak na lamang dahil hindi niya alam kung paano haharapin ang kaniyang ate sharina pag naka balik ito. At kung paano siya haharap sa mga magulang ng binata na tinuring narin niyang Pamilya. ..

Naiwan naman si Paul kasama ang mga Magulang niya at ang lolo’t lola niya sa isang Pabilog na Lamesa para lamang sa Pamilya nila.
“Excuse me po. Susundan kulang po si Sherin ” paalam ni Anne sa pamilya santiban at mabilis ng tumayo para sundan si Sherin dahil kanina Pa ito hindi nakakabalik.
Ngunit pag pasok ni Anne ay wala roon si Sherin kaya mabilis ng bumalik sa pwesto nina Paul.
” sir Paul wala po si Miss Sherin sa ladies room ” ani ni Anne sa binata ng maka lapit ito. Bigla naman kinabahan si Paul at mabilis na tumayo para hanapin ang dalaga.
“Anne what’s happening? ” nag aalalang tanong, ng ginang.
” tita kanina Pa po kasing hindi bumabalik si Sherin kaya sinundan ko sa banyo. Pero wala siya roon. ” sagot ni anne.
” baka nasa Taas check mo nga iha” sagot ng ginag. Na mabilis naman sinunod ni Anne.
” Hon excuse restroom muna ako para maka pag retouch para sa Pictorial mamaya. “baling ng Ginang sa kaniyang asawa at malambing na hinalikan ni paulyn ang pisngi ng kaniyang asawa.
Lahat ng mga bisita ay busy sa pagkain at ang iba naman ay nakikipag usap sa mga katabi at kaharap ng mga ito, habang si Vea naman ay napapangisi na lamang dahil mukhang mapapadali sa kaniya ang pag hihiganti niya. Nakita niyang umalis si Mrs Paulyn kaya sinundan niya ito hanggang sa maka pasok sa Ladies room.

Habang nag lalagay ng Lipstick ang Ginang na Si Paulyn ay nakita niyang papasok ang isang babaeng naka suot ng pang Waitress at naka ngising huminto paharap sa Kaniya.
” hi My dear snake Bestfriend how are you ? ” naka ngising Ani ng Babae sa kaniya kaya kunot nuong Hinarap ni Paulyn ang babaeng matalim na naka tingin sa Kaniya.
” owws nakalimutan mona kaagad ako? Eemmm Ang babaeng kinaibigan at inagawan mo ng boyfriend nuong Highschool at, ang babaeng Fistlove ng asawa mo na siyang tatay rin ng anak mong pumatay sa Anak ko ” pagalit ngunit mahinang sabi ng Babae sa pang huling binanggit nito.
“Who are you? Are you Craz—–ahh” hindi na naituloy ni Paulyn ang sasabihin ng mabilis siyang saksakin ni Vea. Sa tagiliran
“PAPATAYIN KO KAYUNG LAHAT HAHAHAHA” parang baliw nitong sabi at malakas na tumawa bago bunutin ang kutsilyong isinaksak nito sa Tagiliran ni Paulyn..
“V-vea ” mahinang sambit ni Paulyn at tuluyan ng natumba sa sahig at unti unti ng napapikit.
“Ay patay kana kaagad. Wala man lang ka hirap hirap ” naka pamewang na sabi ni Vea.
—-
Habang si Sherin naman ay gulat na napamulat ng mata dahil sa narinig na malakas na pag tawa ng isang babae . At napa hawak na lamang siya sa kaniyang nuo ng mapag tantong nasa Loob parin pala siya ng Cubicle at naka upo at hindi niya namalayan na naka idlip na pala siya kanina sa pag iyak niya.
“Nako baka hinahanap na ako ” mahinang sabi ni sherin at Tumayo na siya sa pagkakaupo sa sahig at kaagad na binuksan ang Pinto ng Cubicle ,at ganun na lamang ang pagka singhap at pagka gulat niya sa nakita. Isang babaeng naka suot ng pang Waitress na may hawak hawak na mahabang kutsilyo at punong puno ng dugo ang kamay nito At ng mapadako ang tingin niya sa isang babaeng duguan na naka higa sa sahig ay nanlaki ang mata niya at mabilis na nilapitan ang ginang.
“Ma -mama. Mama ” umiiyak na ani ni sherin habang ginigising si Paulyn. At Matalim na tingin ang pinukol ni Sherin sa Babaeng may hawak na kutsilyo
“Sino ka ?! Tulong tulongan niyo kami. Mama, mama gising. ” patuloy parin sa pag iyak si Sherin.
“AHHHH! Aray sino kaba ? Bitiwan mo ako ” daing ni sherin ng mahigpit siyang Hinila patayo ni Vea kaniyang Buhok.
” sino ako? Ako lang naman ang papatay sayo. ! Kung siniswerte nga naman oh nandito rin pala sa loob ang asawa ng pumatay sa anak ko. ” naka ngising sabi ni Vea at malakas na hinigpitan ang pagkakasabunot sa buhok ni Sherin.
“Aray tama na po. Tulong …” umiiyak na sabi ni Sherin. Sobrang pag aalala rin niya dahil baka matuluyan ang mama paulyn niya.
“Ang ingay mong bata ka! “. Ng gigigil na sabi ni Vea at hindi na nag dalawang isip na saksakin sa likod ng bewang si Sherin
“Ahh! “Daing ni sherin ng maramdaman niya ang sakit ng pagkakasaksak sa kaniya.
“OHMYGOD! AHHHHHH! ” sigaw ng apat na babaeng bumukas ng Pinto at mabilis na nagsi takbuhan
“T*ngna ” sambit ni...


Vea at mabilis na binunot ang Kutsilyo sa Likod ni Sherin at malakas niya itong itinulak at dalidaling inayos ang sarili at pasimpleng nag lakad palabas at nilagay sa Tagiliran ang Kutsilyo.
—-
“AHHHHHHHH” takot na tili ng apat na babaeng patakbo sa karamihan na siyang ikina gulat ng mga naroroon.
“Hey miss anong ng yayare ?” Tanong ni Jessa sa isang babaeng namumutla na sa kakasigaw.
“Ma-may killer . Pi-pinatay ma -ma merong mamatay tao dun sa Banyo ” sabi ng babaeng namumutla na. Dahilan para magka gulo lahat ng mga bisita.
“What’s happening here ?” Pasigaw na tanong ni Paulo sa mga taong nagkakagulo na at ang iba ay nag sisialisan na dahil narin sa takot.
” Paulo ang mama mo ” umiiyak na sabi naman ng isa pang babae sa apat na naka kita.
” what Diana? ”
” ang mama mo nasa Banyo sinak—-”
Hindi na naituloy ng babae ang sasabihin ng mabilis na umalis, patakbo si Paulo papunta sa Ladies room. Naka salubong paniya sina Anne at Stepani. Wala ng sabi sabi sabing sumunod narin ang dalawa sa binata.
At ganun na lamang ang panlalaki ng mata ng Tatlo ng makita ang dalawang babaeng duguan. Si Anne ay napatakip ng bibig habang si Stepani naman ay nag kulaps dahil sa nakitang maraming Dugo
“Stepani gising ” sabi ni Anne sa kasama ng mawalan ito ng Malay . Habang si Paulo naman ay sobrang takot ang kaniyang nararamdaman para sa ina
“Mommy ” mabilis na sabi ni Paulo ng makita ang kaniyang ina na naka handusay at duguan sa sahig. Mabilis niyang nilapitan ito at binuhat palabas .
“Sherin !” Gulat at pasigaw na sabi ni anne ng makita niya si Sherin na namimilipit parin sa sakit habang hawak hawak ang kaniyang sugat sa likod.
” anne dalhin niyo sa Hospital si Mama bilisan niyo. Kaya kona ang sarili ko ” mahinang sabi ni Sherin habang pinipilit na itayo ang sarili.
” sherin may sugat ka! ” sabi ni anne
” kaya kona to. Si mama ang isipin niyo. ” sagot ni sherin
” wait pupuntahan ko si Paul hindi kita kayang buhatin. ” mabilis na sabi ni anne at kaagad na umalis para humingi ng tulong. Kung hindi lang sana nawalan ng Malay si Stepani ay makakaya nilang dalawa si Sherin.
Ng maiwan si Sherin ay pinipilit niyang itayo ang kaniyang sarili kahit ng hihina na siya. Hinubad niya ang kaniyang mahabang Gown dahil nabibigatan narin siya at nahihirapan lalo siyang hindi maka galaw at ng mahubad na niya ay tanging Maiksi at manipis na Short at TubeBra lamang ang kaniyang natitirang suot sa katawan. . Habang patuloy parin sa pag durugo ang kaniyang sugat.
Nakita niya sa may pintuan si Stepani na nawalan ng Malay at nag patuloy na siya sa pag lakad
May naka salubong siyang isang tauhan kaya tinawag niya ito.
” kuya tulungan niyo po si Stepani ” sabi ni Sherin sabay turo sa kinaroroonan ni Stepani.
” may sugat rin po kayo” sagot nito at lalapit na sana siya pero pinigilan niya ito.
” ayus lang ako. Unahin niyo na ang anak ni Maam Vanessa ” sagot niya sa Lalake at mabilis naman sinunod nito ng marinig ang pangalan ni Vanessa. At nag patuloy na siya sa Pag lakad at nakita niya ang isang pinto na may naka sulat na Exit. Kaya duon niya naisip na duon nalang dumaan . Dahil alam niyang nagkakagulo na sa Hall at sobrang nakakahiya ng kaniyang suot.

Habang hinahanap ni Anne si Paul ay nakita niya ang mga tauhan nitong may mga dalang armas. At wala narin kahit isang bisitang natira sa loob maliban na lamang ang Naka itim na mga tauhan ni Paul ang mga naroron
“Miss Anne bakit Pa kayu nandito sa Ground floor pumunta napo kayu sa itaas dito lang kami mag babantay utos ni Sir Pablo. ” sabi ng isang tauhan na lumapit sa kaniya.
—-
Habang si Paul naman ay nalibot na niya ang Limang palapag ng kanilang mansyon ay hindi parin niya nahahanap si Sherin. At ng pababa na siya ay nakita niya ang kaniyang lolo at lola ,ngunit napakunot nuo naman siya , dahil wala na siyang nakitang ibang tao , Tanging ang dalawang matanda at ang anim na mga tauhan na nag babantay rito ang kaniyang nakikita.
” apo ang Mommy mo ” umiiyak na sabi ng kaniyang Lola.
” what Gradma? At nasaan ang mga bisita? ”
” paul ang mommy mo isinugod sa Hospital nandun narin ang Daddy mo. ” sagot ng kaniyang lolo habang inaalo nito ang kaniyang lola.
” what !? ” gulat na sagot ni Paul at binalingan ang anim na tauhan na nag babantay sa dalawa.
” kayo. Dalhin niyo sa Fifth floor ang Gradma at Gradpa ko. Mag papdala ako ng dagdag tauhan dito ” sabi ni Paul at mabilis na hinalikan ang dalawang matanda sa nuo at mabilis ng lumabas. Pag labas niya ay nakita paniya ang ibang mga tauhan niya na nag babantay
“Anong ng yare? Bakit nag sialisan ang mga tao? ”
” boss napasok po tayo ng isang kalaban at hindi namin nahuli ,sumabay siguro sa mga taong mabilis na nag silabasan kanina. ” sagot ng isang tauhan at kaagad niyang kinuha ang kaniyang Phone para tawagan ang kaniyang Daddy Pablo
Ngunit hindi niya ito makontak maging si Paulo ay naka patay rin ang Phone.
” mag bantay kayung lahat dito. Palibutan niyo ang buong Mansyon. ikaw Troy mag padala ka sa taas may anim sa Loob. Para mag bantay sa Gradpa at Gradma ko ” utos niya sa isa mga pinag kakatiwalaan niya
” yess boss. ” sagot nito. At mabilis ng tinungo ni Paul ang kaniyang sasakiyan para pumunta ng Hospital
Ng maka rating ay mabilis niyang tinakbo papasok ang hospital, nag tanong muna siya kung nasaang ang kaniyang ina at ng malaman ay mabilis niyang tinakbo ang kinaroroonan ng kaniyang ina. At Nakita niya ang kaniyang daddy Pablo ,si Paul at si Anne na nasa labas na nag hihintay. , kasabay ng pag dating niya ay ang pag dating rin nila Vanessa ,Sebastian, Jessa at ng mga magulang ni Josef .
“Madam kumusta si Stepani? ” tanong ni Anne kay Vanessa ng maalala niyang nawalan pala ng malay si Stepani.
” she’s okey. May trauma kasi siya sa Dugo kaya nawawalan siya ng malay pag nakakakita ng Dugo. ” sagot ni vanessa kaya mapa tango na lamang si Anne at binalingan si Paul
” paul si Sherin? Nasan siya ?” Kunot nuong tanong ni Anne.
” akala ko nandito rin siya kasama niyo. ” naka kunot nuong sagot ni Paul.
” hindi kuya si Mommy lang ang naisugod dito. Si Sherin may sugat rin siya. Kanina ” sagot ni Paulo na siyang nagpahina kay Paul.
“Anong may Sugat? Paano siya nagka sugat?!” Pasigaw na sabi ni Paul
” nasaksak rin siya Sir Paul ” sagot ni Anne
” nasaksak? Bakit hindi niyo dinala dito kung alam niyo rin palang may sugat siya. ” galit na sabi ni Paul at kinuwelyuhan si Paulo.
” sir Paul hinanap kita para mag patulong pero pag balik namin ng mga tauhan mo ay wala na roon si Sherin.
“D*mn sinong may Gawa nito? ” madilim na Aurang tanong ni Paul ng balingan niya si Anne.
” Vea Roichi .” Sagot ni Agent Jessa
TANDANG SUNGIT *
TANDANG SUNGIT*
TANDANG SUNGIT *
Napa baling ang tingin ni Jessa maging ang mga Kasama nila sa Phone na nasa Bulsa ni Paul. Gustong matawa ni anne dahil sa Ringtone ng Phone ni Paul. Dahil nakakasakit sa Tenga ang malakas na Boses ni Sherin sa Ringtone nito. Kinuha naman ni Paul ang kaniyang phone at sinagot ang tawag.
📞Boss Hawak na namin si Vea Roichi dito kami sa Hideout at si Jayson ay hindi Pa nakaka balik dahil nakikipag laban Pa sa mga tauhan ni Jeppy ” sabi ni Rayan na nasa Linya.
” good Job. Hintayin niyo ako. At sabihan mo si Marco na hanapin si Sherin. ” sagot niya sa kausap. At pinatay na ang tawag.
” Nahuli na si Vea ” pag babalita ni Paul sa mga kasama.
” sasama ako kuya ipag hihiganti ko si Mommy ipag dasal lang niya na walang mang yayareng masama kay mommy kundi Dudurugin ko siya ng Buhay ” tiim bagang na sabi ni Paulo.
//next
******
ANO NGABA ANG NG YARE KAY SHERIN AT SAAN SIYA NAPUNTA ???? 🤔. At sino kaya ang makaka tulong sa kaniya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top