IT WAS ALWAYS YOU Chapter 17


“Takot ka pala sa ahas?nahalata ko kanina na grabe iyong yakap mo sa akin kanina..” natatawang saad ni Galvin
“Galvin!!huwag ka ngang mag-isip nang kung ano!!” at idiniin niya ang cotton sa mukha nito
“Araay!!!” sigaw ng binata sa sakit
Maya-maya’y tinawag na sila ni Aling Florentina para maghapunan.
*****
“How’s the update?did you find my daughter?” tanong agad ni Helen Mendoza sa mga pulis.
Matagal na silang nakauwi ng Pinas simula ng magreport ang kapulisan na buhay si Clarence at pati na rin ang pagsagip ng isang lalaki sa anak nila,pati na rin ang kahay*pang ginawa ng dati nitong nobyo.
“Wala pa po kaming report na nakuha Mrs.Mendoza..pero hindi po kami titigil hangga’t hindi sila nakikita..” paliwanag nito sa Ginang
“Gawin nyo lahat,malakas ang kutob namin na buhay pa ang anak namin..” saad naman ni William Mendoza.
Simula nang tumakas ang anak at umuwi ng Pilipinas ay hindi na napanatag ang loob nila lalong lalo na nang bumagsak ang sinakyan na eroplano ng anak.Hanggang pinaimbistigahan at ipinahanap nila si Clarence.They found out na nasa mabuting kamay ang anak nila at nalaman nilang may amnesia ito.Kaya nagplano sila na kausapin ang lalaking nakasagip dito,si Galvin...


Santiago at doon muna nila ipinaubaya ang anak dahil nanganganib ang buhay nito nang makatakas sa kulungan ang dating nobyo.Nagsisisi sila dahil hindi nila inakalang matuntunan ng isang David Ocampo ang resort na pinagtataguan ng anak.
*****
“Kayo na ang matulog sa kwarto,pasensya na kayo maliit lang itong kubo namin..” sabi ni Aling Florentina
“Ok lang po Aling Florentina,maraming salamat po talaga sa kabutihan ninyo..” sagot naman ni Clarence
“Wala ka ng ibang sinabi Ika,kundi magpasalamat ng magpasalamat..walang anuman iyon,ituring mo muna kaming parang pamilya dito hangga’t hindi pa kayo nakakabalik sa inyo..” sabi naman ni Mang Canor
“Wala po ba kayong telepono o cellphone dito Mang Canor?” tanong naman ni Galvin
“Naku Iko,makaluma kami dito..wala kaming ganyan dito..pasensya na..hayaan nyo baka sa susunod na araw pupunta kami ng bayan at para maireport na namin sa pulis na nandito kayo..”
“Sige po,maraming salamat.”
“Oh,dito ka matutulog?” takang tanong agad ni Clarence
“Don’t worry,hindi naman kita tatabihan..can we talk first?”
“Ano naman iyon?”
“Hanggang ngayon ba hindi mo pa naalala ang lahat?”
“Honest, I remember everything Galvin..kung isasalaysay ko lahat sa iyo baka maabutan pa ng umaga bago ko matapos..” saad niya dito






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top