( PAUL SANTIBAN )
______________
Oras na ng uwian at magka sabay na lumabas sina Elma at Sherin, nakita nila ang grupo nina Amanda sa may hindi kalayuan at hindi naka ligtas sa kaniyang paningin kung paano tignan ng masama ng babae ang kaniyang kaibigan. Ngunit ng mapansin ng babae na naka tingin siya rito ay kaagad itong napalitan ng Takot. At mabilis na yumuko.
Hindi niya alam kung bakit ang ibang kaklase niya lalo na ang mga Boys , na nuon ay nag papa-pansin sa kaniya ,at ngayo’y nag tataka siya Kung bakit yumuyuko ang iba sa kaniya.
“Oo narinig konga rin ang sinabi ni miss Stepani, sinabi niyang asawa raw ni Paul Santiban ang bagong Transperi ”
“Akala ko girlfriend lang ni Papa Paul. Sayang ”
” kung ganon siya asawa ng Mafia boss .. Nako lagot na , diba inaway yun ni Amanda ? ”
“Akala ko talaga hindi yun nag tatagalog. Pilipina rin pala. ”
Iilan lang yan sa mga nariRinig ni Sherin sa kanilang pag lalakad ni Elma kaya napa hinto siya at hinarap ang kaniyang kaibigan.
“Elma ano yung Mafia boss ? Ngayon kulang ata yun narinig? ” kunot nuong tanong niya sa kaibigan.
“Emmp Mafia Boss ? Sa pag kakaalam ko yan yung mga taong kinatatakutan. At marami ring kalaban Pero di ako sure ha. Bakit pala? ” sagot naman ni Elma
” ah narinig kulang sa mga bulungan ng mga kaklase natin. Saka kanina kopa napapanisn bakit lahat ng nakakasalubong natin. Maging ang, mga kaklase natin kanina ay palaging naka Yuko at hindi ako pinapansin. Hindi katulad nung unang pasok natin ang daming namamansin. “. Pag tataka niya
” pansin ko nga. Ang weird nga eh. Tssk hayaan mo nanga . Tara samahan mo ako sa 7/11 may bibilhin lang ako. ” ani ni Elma.
” huh? Pero susunduin ako ni Paul ”
” saglit lang naman tayo heler , Besty ang lapit lapit lang oh. ,saka may bantay ka naman . Sabihin mo dyan sa Dalawa na sabihan nila si Paul mo para dika hanapin. ” ani ng kaniyang kaibigan kaya binalingan niya ang dalawang bantay.
” Piter pwede paki tawagan si Paul. Sabihin mong pupunta lang kami ni Elma sa 7/11 at dumito lang kayo. Mabilis lang naman kami. Dyan lang oh napaka lapit lang ” ani ni Sherin sabay turo sa Gawi ng 7/11 , hindi naman kalayuan at natatanaw lang.
” sige tatawagan namin si Boss miss Sherin pero. Hayaan niyo kaming sundan namin kayo. Yun ang mahigpit na pinag bibilin ni Boss. Kami po ang malalagot ” sagot ng isang bantay.
Nagka tingin muna sina Elma at Sherin ,tumango naman ang kaibigan kaya wala siyang nagawa kundi pasamahin na lang ang dalawa
Tinawagan muna ng bantay si paul para ipasabing pupunta sila ng 7/11 , pumayag naman ito at sinabing paalis palang papunta rito upang sunduin siya.
Hindi paman sila nakakalabas ng Gate , ng may isang kulay puting van na huminto , kasabay ng pag labas ng limang armadong lalake ,at mabilis ang mga itong pinaputukan ang dalawang bantay niya , ang isa ay tinamaan sa binti at dibdib si piter naman ay sa balikat at Binti maging si Elma ay tinamaan rin sa balikat , habang si sherin naman ay mabilis nilapitan ng Tatlong armado at may kinuha ang isang lalake sa bulsa nitong isang panyo at mabilis na itinakip sa ilong ni Sherin dahilan upang mawalan ng malay ang dalaga.
–
Naka rating na ng 7/11 si paul upang sunduin na si Sherin. Duon na siya dumeretso dahil yun ang sinabi ng bantay ng dalaga. Ngunit pag pasok palang niya ay wala siyang nakitang Sherin or Elma maging ang dalawang bantay ay wala rin. Kinuha niya ang kaniyang phone upang tawagan si Piter ngunit nag Riring lang at walang sumasagot kaya kinabahan na siya. mabilis niyang tinakbo ang kaniyang Kotse. At Tinungo niya ang School ngunit malayo palang ay natatanaw na niya ang mga nag kuKumpulang mga Tao , meron rin mga Pulis kaya napa kunot nuo siya. At hindi na niya naipark ng maayos ang kaniyang sasakiyan. Bumaba siya ng kaniyang kotse at lumapit sa mga ito. Kaagad naman siya nakilala ng mga Pulis kaya nag bigay galang ang mga ito.
“anong ng yare dito ” tanong niya sa isang pulis.
” Sir may kidnapping na ng yare dito. Ayun sa mga naka kita ay dinukot ng mga armado ang isang estudyante sakay ng isang puting van . at ang mga kasamahan ng biktima ay...
plssssss nxt chapter