𝗛𝗘 𝗛𝗔𝗦 𝗚𝗘𝗥𝗠𝗔𝗣𝗛𝗢𝗕𝗜𝗔 | Fan-Fiction


PROLOGUE
“Vangieeeeee!!!!!”
Isang malutong na sigaw ang pumailanlang sa boung kabahayan ng pamilya Ferer dahil. Natagpuan kasing wala na naman sa kuwarto ang kaniyang dalagang anak.

“Teka, san pwede mag coffee,” wika ni Evangeline sa kaniyang sarili.
Habang naglalakad sa kalsada ay patingin tingin siya sa mga mga shop. Nang may makita itong coffee shop ay natuwa siya.
Sa sobrang tuwa ay di niya namalayan ang lalaking dadaan sa harap niya kung kaya nabangga niya dahilan ng pagkahulog nang libro ng lalaki.
Agad niya itong tinulungan nang bahagya niyang mahawakan ang kamay nito.
Napatigil sila nang maramdaman ni Evangie ang kakaibang lasa ng lalaki. Kaiba ito sa lahat nang nahawakan niya.
Napapikit pa siya nang agawin ng lalaki ang kaniyang kamay sa dalaga.
Mabilis na pinagpupulot ang ilang libro.
“Baliw!!!” sabi pa nito sa babae.
Pinanlakihan ng mata si Evangie dahil sa inasal ng binata kung kaya nagalit siya.


/> “Aba! Hoy! Anong sabi mo?! Bumalik ka rito!”
Hahabulin pa sana niya ang lalaki subalit, nakasakay na ito sa kaniyang sasakyan.
“Nakakainis, sobrang sarap niya,” nasabi nito sa sarili.
Isa siyang bampira. Ngunit kaiba ito sa mga napapanood na naninipsip sila ng dugo sapagkat sa lahi ni Evangie ay sa paghawak sa biktima ay nahihigop na nila ang enerhiya ng tao.
At kahit enerhiya lang ang hinihigop nila ay, nalalasahan pa rin nila ito.
“Matagal tagal na rin akong hindi nakakatikim ng masarap na pagkain,” dugtong pa nito.
Napabuntong hininga nalang ito. Tumalikod nalang siya upang magpatuloy sa coffee shop ng may makita siyang libro sa kung saan sila nagkabanggan ng lalaki.
Pinulot niya ito saka napangiti.
” Panigurado, hahanapin niya ito, ” ani to sa sarili.
𝙩𝙤 𝙗𝙚 𝙘𝙤𝙣𝙩𝙞𝙣𝙪𝙚…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top