The Choosen ONE Chapter Tres


Malalim na ang gabi pero hindi dinadalaw ng antok ang dalaga.Iniisip nya kung paano makatakas sa lugar na ito.Kung paano nya mahahanap ang dalawa nyang kapatid.Malakas ang pakiramdam nya na buhay pa ang mga ito hindi nya alam kung saan dinala o iniwan ng mga armadong lalaking lumusob sa kanilang baryo.
Malalim na buntung hininga ang pinakawalan ng nito tska dahan dahang tumayo mula sa pagkakahiga.Himbing na himbing na ang tulog ng kanyang kasamahan.Hinawi nya ang puting kurtina.Tsaka maingat na naglakad patungo sa nakapinid na pintuan.Sinubukan nya itong buksan ngunit nakalock ito.Muli nyang pinihit ang doorknob na may pag iingat.Napaatras sya Ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang katiwala na may dala dalang mga tela.
Anong ginagawa mo?tarantang tanong nito sa dalaga.
Aalis na ako sa lugar na ito.Paraanin mo ako”Saad ng dalaga at tinangkang lumabas.Ngunit mabilis humarang ang babae sa may pintuan.
Hindi maaari,malalagot...


ka kay Madam Krasha pag nahuli ka nya”nasa tono nito ang pagkabahala.
Ayaw Kong mamalagi dito kaya please hayaan muna akong makatakas mula rito.Hahanapin ko lang ang mga kapatid ko”humihikbing wika ni Nadeline sa katiwala.
Umiling iling ito.Hindi sya sang ayon sa gusto ni Nadeline.Maraming bantay sa labas at kung matatakasan man nya ito.Ay Hindi pa rin nya maituturing na malaya na sya.Dahil pagdating sa lagusan ng bahay na ito ay maraming bitag ang nakaabang natatapos sa buhay ng sinumang nagtatangkang tumakas.
Makinig ka,Hindi ito ang tamang oras para tumakas ka.Marami pang pagkakataong kung iisipin mo lang”sambit ng katiwala.Ramdam ni Nadeline na hindi masama ang kaharap nya ngayon.
P-pero papano??? nawawalang pag asang tanong Ng dalaga sa kaharap.
Bukas ng gabi ang alis nyo.Kung ikaw ang mapili ni Lord Thriod may pag asang mabago ang kapalaran mo.At pag nangyari yon magagawa mo na ang nais mo.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top