Sinunod niya ang utos ni Marco.
“ Anton! Gumising ka!” Pag-iiyak ng binata.
“ahhhhhh sino ang maygawa sayo nito”
Nakaramdam siya ng kirot sa puso niya habang pinagmasdan ito. Nag-iiyak.
Nanatili siyang nakatayo sa may pintuan ng kwarto ni Anton.
“ Wagkang maawa, hindi ang kagaya nila ang dapat mong kaawan. Isipin mo nong panahon nag-mamakaawa ka hindi ka nila pinakinggan” paalala niya sa sarili.
Narinig niya ang humintong ambulancia sa labas. Kasunod noon ang pagpapasok ng dalawang lalaki upang saklolohan si Anton.
Nakasunod sila sa ambulance. Gamit ang kanyang sasakyan.
“ Hindi ko alam kung bakit ito nangyari. Wala akong natatandaan na may kaaway si Anton” basag ni Marco sa katahimikan, binaybay ang daan papunta sa hospital.
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin rito. Nanatili siyang walang imik. Hanggang marating ang hospital.
Ina-nnounce dead on arrival si Anton. May tama ng baril ito sa ulo”
Tignan mo nga naman kapag sini-swerte ka” sa kaloob looban niya matapos ma announce ng doctor. “ Hindi na ako nahihirapan pang patayin kayo dahil may gumagawa na para sa akin. Kung sino manyon salamat sa kanya. Uupo nalang ako at manunuod sa pagkabagsak niyo” bulalas niya sa sarili.
Niyakap niya si Marco tahimik naka upo sa isang tabi
“ Bakit sunodsunod ang mga pangyayari? Kung kailan malapit na ang kasal natin” sabi nitong yumakap sa baywang niya.
“ Baka ikaw na ang susunod sa kanya, people like u have no place in this world” Sa kaloob looban niya.
“ Hindi ko alam ang sasabihin sa’yo Hon,pero please pakatatag ka” alo niya rito.
Ilang saglit din sila sa ganong ayos ng dumating sina Abner at Monica palapit sa kanila. Pinukol siya ng matalim na tingin ni Monica at yumakap ito kay Marco. Hinayaan niya lang ang dalawa, ayaw niyang makipag away nito sa harapan ni Marco. Lalo pa sa situation ngayon.
“ Tol, wala na si Anton” naiiyak na sabi ni Marco kay Abner.
Tahimik na umupo si Abner sa dulo ng upuan. Natutuwa siyang nakitang nagdalamhati ang mga ito. Alam niyang masama ang maging masaya sa kalungkutan ng iba pero, sa ginagawa nilang pambababoy sa kanya ay walang kapatawaran iyon. Kulang pa ang mga buhay nito sa panghahalay sa kanya na walang awang pinagtutulongan.
“ Sino kaya sa inyong dalawa ang susunod sa kaibigan niyo?” sa isip niya na lihim pinaglipat lipat ang tingin kina Abner at Marco.
Narinig niya ang paghysterical ng ina ni Anton. Agad tumayo si Marco at dinaluhan ang ina ni Anton.
“ Kung alam mo lang gaano ka baboy ang anak mo” aniya sa sarili nakatingin sa babae.
Palalim na ang gabi dinala na si Anton sa morgue. Inaya niya ang binata umuwi para makapagpahinga na muna ito. Nakita niya sa mukha nito kung gaano ito kalugmok sa nangyayari sa kaibigan.
“ Hon, uwi na muna tayo para makapagpahinga ka”
Tumango-tango ito sa kanya at matamlay na naglalakad papunta ng kotse.
“ Im sorry hon sa pagkawala ng isa mong kaibigan”
“ Naguguluhan ako sa mga nangyayari kung bakit sunodsunod ang pagkawala ng mga kaibigan ko” narinig niya ang paghikbi nito.
Hindi na siya umimik. Katahimikan ang naghari sa loob ng sasakyan hanggang sa marating ang bahay nito.
“ Hon, please wag ka masyado mag papadala sa nararamdaman mo. Alam kung hindi madali ang mawalan ng kaibigan lalo pa malapit sayo. Pero sana isipin mo andito ako para sayo.” Marahan niyang hinaplos ang mukha nito at hinalikan niya ito sa labi. Naramdaman niyang gumanti ito sa halik niya. Pinatagal niya ang halik na iyon para alisin sa isipan nito ang kalungkutan sa pagkamatay ng kaibigan.
Kumalas siya sa paghalik nito” sige na bumaba kana para makapagpahinga ka”
Tumingin ito sa kanya” salamat hon, na hindi mo akon iniwan”
“ Mahal kita kaya...