*bratatatatatatat! ! Kaagad na pinaulanan sila ng bala ng mga kalaban dahilan para lalo silang sumiksik sa makipot na pader na pinag tataguan, ang ibang parte nito ay halos madurog n, kung mag papatuloy ito ay tyak na mapupulbos sila kaya’t kumilos si Alexa.
Iginapang nya si Jiro ng kaunti palayo at humanap ng medyo malayo-layong pag tataguan.
“F*ck Amoriz! Matagal pa ba? Kapag nakauwi ako ay kayo ang pupulbusin ko riyan! ” ani Alexa sa gitna ng Sitwasyon.
“Ano ka ba! Hwag ka nang mag yabang ang mabuti pa ay mag isip tayo ng paraan! ” sigaw ni Jiro.
“ihaharang ko ang katawan ko para makaligtas ka.” ani Alexa na kaagad na ikinatigil ni Jiro sa pag gapang Akmang tatayo sya upang magalit kay Alexa mabuti na lamang at naunahan sya ng dalaga na pigilan. “Gusto mong magkalasog-lasog yang katawan mo! ” galit na saad ni Alexa.
“oh! Alam mo naman pala ang mangyayare bakit uhaharang mo pa ang katawan mo!” hindi na napigil ni jiro na pagtaasan sya ng boses
“Ulol ka ba! Nag bibiro lang naman ako.. “natatawang saad ng dalaga.
Hindi makapaniwala si Jiro na sa gitna ng kalagayan nila ay nagawa pang magbiro ng babaeng kasama nya.
*Tsug! Tsug! Tsug! Tsug!
Tunog ng chopper palapit kina Alexa at Jiro, “bilisan mo at sumakay ka roon! “ani Alexa, hindi na nagawang ilanding ng piloto ang chopper.nanatili itong umaandar habang paakyat si Jiro kasabay si Alexa.
*bang!
*bratatatatatatat!
Pinaulanan muli sila ng bala, mabuti na lamang at naroon si Kevin at Borex na syang gumanti ng pag papaputok ng baril para i-cover ang dalawa.
“MAUNA NA KAYO! “sigaw ni Alexa dahil sa ingay ng elesi ng chopper.
“Ano! Nababaliw kana ba?” angal ni Jiro ngunit wala syang nagawa nang ibato ni Borex ang bulletproff na vest ni Alexa kasama ang Armalite nito tsaka mabilis na inilayo ng piloto ang Chopper.”Ano ba? Itigil nyo to! Si Alexa baka may mangyari sa kanyang masama! “nagwawalang saad ni Jiro.
Ipinatong ni Alexa ang Armalite sa balikat nya tsaka isinuot ang mamahaling sunglass nya matapos ay isinupalpal ang isang piraso ng Chewing gum.
*bang!
*bang!
*bang!
Sunod-sunod ang putok ng baril sa dinaraanan nya pero hindi nya ito alintana dahil alam nyang hindi...