For The Lover That I Lost


For The Lover That I Lost
GENRE: Romance
AUTHOR: Khalee
FOR THE LOVER THAT I LOST
CHAPTER 1
“ Nag-heart react si Erwan sa stories ko ” naka-ngisi na wika sa akin ng pinsan ko.
“ And so? ” sagot ko sa kaniya habang pinupunusan ang pawis ko. Niyaya niya akong mag-jogging para sa preparation niya sa nalalapit niyang training as Costguard.
Erwan is my ex-bf, isang taon narin simula ng maghiwalay kaming dalawa. He cheated on me hindi lang isang beses but twice at sobrang baliw lang ako na isipin na bigyan siya ng another chance kasi akala ko magbabago siya.
“ Oy! Khal, hintayin mo ako! ”
Hindi ko siya pinansin patuloy lang ako sa ginawa kong pagtakbo hanggang sa maka-uwi ako sa bahay.
Dumiretso kaagad ako sa may refrigerator para kumuha ng tubig. Umupo ako sa may upuan sa sala at itinaas ang dalawa kong paa sa maliit na lamesang nandoon.
Nang makapag-pahinga na ako kumuha ako ng tuwalya sa kwarto ko para maligo.
Tinuyo ko ang buhok ko pagkatapos maligo para matulog. Narinig kong tumunog ang phone ko. Nakalimutan ko palang patayin ang data.
Tiningnan ko kung sino ang nag chat sa akin.
Jake Bernard, classmate ko siya at the same time kaibigan ko...


rin. Hindi ko alam kung nasaan siya pero ang huli kong balita sa kaniya umalis siya ng probinsiya.
Jake Bernard: Hi
Wala namang masama kong mag reply ako sa kaniya besides magkakilala naman kaming dalawa. So, I decided na na i-message din siya pabalik.
Jake Bernard: Kumusta?
Ako: Okay naman? Ikaw?
Jake Bernard: Ayos lang
Ilang oras na rin kaming nag-uusap through chat na dalawa. Pati yung plano kong pag tulog ay hindi ko na rin nagawa.
Muntik ko ng nabitawan ang cp ko dahil sa nabasa ko. Ilang beses ko pang ipinikit ang mata baka nagkakamali lang ako ng pagkakabasa dahil sa inaantok na rin ako.
Jake Bernard: Pwede ba kitang ligawan?
Sa totoo hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sa kaniya. Hindi ko rin alam kung seryoso siya sinasabi niya dahil hindi ko naman siya nakikita.
Nagdadalawang isip ako kung papayag ako o hindi dahil after ng nangyari sa akin natakot na rin akong magtiwala, pero may kung ano sa akin na hayaan ko lang na patunayan ang sarili niya.
I said Yes without thinking kung anong posibleng mangyayari after ng desisyon na ginawa ko.
Tama nga ba yung desisyon ko?
O baka this time, mali na naman ako.
PERMISSION TO POST ADMINS😊






Share On Whatsapp

"1" Comment
Leave a Reply


top