“Miss Zargos?”
Bumaling ako sa tumawag sa akin. Hawak ko ang dalang lunchbox, at papunta na sana sa pantry para sumunod kila Janine na nauna na doon.
“Ako nga po. Bakit po?” magalang kong sabi sa babaeng halos kasing tangkad ko, nakasuot ng lagpas tuhod na skirt at nakapatong sa balikat ang blazer. Malinis ang pagkakapusod sa kanyang buhok.
Ngayon ko lang siya nakita dito.
“Pinapatawag ka ni Sir Saint sa opisina niya.” maski siya ay nakapaskil ang pagtataka sa kanyang mukha kung bakit ako pinapatawag ng kanyang boss.
Tatanungin ko pa sana siya kaya lang tinalikuran niya na ako. Tahimik nalang akong sumunod sa kanya.
Nang makarating ako sa tamang palapag ay nakaabang na siya sa labas ng kanyang opisina. Nakasandal ang kanyang likod sa hamba ng pintuan.
Tumuwid siya ng tayo nang makita ako. Tinanguan niya ang babae atsaka nakayukong umalis naman ang babae, iniwan ako kasama si Saint.
“It’s already lunch time.” aniya. “I want you to come and eat with me.” utos iyon at hindi hiling!
Itinaas ko ang hawak kong lunchbox para ipaalam sa kanyang hindi na kailangan dahil may baon naman ako.
Kunot noo niya itong tinignan. “We will just order, then.” sabi niya. Hindi na ako nakaangal nang agad niyang tinawag ang babae.
“Gilda,” tawag niya.
Lumapit agad ang babae. “Yes, Sir?”
“Order us food.” Nilingon niya ako. “What do you want?”
Pati ang babae ay nakatingin na rin sa akin, naghihintay ng sasabihin ko. Nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil sa tagal kong magsalita.
“G-gulay na lang,” nahihiyang sabi ko.
Iyon lang kasi ang alam kong mura. Kaya nga ako palaging nagbabaon dahil mahal ang ulam. Wala naman akong makitang karinderya sa gilid ng building na ‘to, puro mamahaling Restaurants at hindi ko afford.
Atsaka hinayaan ko na rin ang sarili kong makipaglapit sa kanya. Hindi ko rin naman siya magugustuhan. Magtatagal lang ng ilang araw ay alam kong titigil din siya. Ipakita ko sa kanyang hindi tatalab itong paglalambing niya sa akin.
“Just order what’s on the menu, Gilda.” Hindi ata nakuntento si Saint sa sinabi ko kaya may pahabol pa itong sinabi sa huli.
“Okay, Sir.”
Sumunod ako kay Saint nang tinungo nito ang loob ng kanyang opisina. May dati nang nakapwesto doon na bilog na mesa at dalawang upuan, tanaw ang haring araw at mga matatayog din na mga building ng siyudad.
“Do you always doing that during lunch time?” aniya habang nagtatanggal ng kanyang coat at neck tie.
Umiwas ako ng tingin nang hindi sinasadyang mapadako ang tingin ko sa katawan niya.
“Oo. Mahal kasi ang bilihin sa labas kaya nagbabaon na lang ako,” sabi ko.
Sumandal siya sa mesa. Sinimulan niyang i-rolyo ang manggas ng kanyang suot hanggang braso, ginagawa niya iyon habang titig na titig sa akin.
Hindi pa rin talaga ako sanay sa paraan ng titig niya. Sobrang lalim kung maka-titig.
Ito ang unang makita ko ang kanyang hubad na braso, kadalasan kasi’y nakapang-bussiness suit siya kapag nakikita ko siya. Mahahaba ang kanyang mga daliri, hindi malambot tignan. At maugat iyon hanggang sa matigas niyang braso.
Matangkad ako sa ganito kong edad ngunit kailangan ko pang iangat ang ulo ko para salubungin ang tingin niya. Nakangangalay ng leeg, kaya minsan mas piliin ko na lang na abalahin ang tingin ko sa ibang bagay.
“Isasama na kita palaging kumain kung gano’n.” malumanay niyang sabi.
“Magbabaon na lang ako. B-baka hindi kayanin ng pera ko ang mga o-order-in mong pagkain,”
Nakita ko kung paano magsalubong ang makapal niyang kilay. “Do you think I’ll let my woman pay?”
Ngumuso ako.
“Of course not, Aviona. Just save your money for your school stuff.” aniya.
“N-nakakahiya, Saint. Baka akalain nila sugar daddy kita.” sabi ko.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi na siguradong mang-iiwan doon ng pulang marka.
“I’m too young to...