Meant to be? Chapter 54


Tiniis ko talaga si Ace.. Hanggang sa gumraduate na sya ng civil engineering.. May celebration sa bahay nila. Nag iba kasi ako ng account kaya malaya ko syang nasusubaybayan, for short stalk.
May mga pictures sya kasama ng tropa. Namiss ko sila. Yong bonding namin sa Nice-ace shakes. Ang cute nilang tingnan para ngang F4 kasi same university na sila gawa nong nagtransfer na namis interpret ko yong rason. Para pala sakin yon. Para may force kami don sa University dahil nga sa tinatago namin yong marriage pa namin nong una.
At si Laila, kinakaibigan lang pala sya ni Ace para sa akin kaso na mis interpret nong babae at na inlove sya kay Ace.
Buti nag effort ata si Ace na di talaga masama sa pic si Laila.
Tapos may solo picture sya na napakahandsome.. May caption na, “There is no Nicest thing on my vocabulary until you came.., you’re the nicest thing ever happen to me. Please be with me.. On this special day.”
, haba ah.. Nagulat pa ako sa biglang kumatok..
Narinig kong binati iyon ni Itay..
Sino pa ba.. Pero bat bigla akong kinabog don.
Nanatili ako sa loob. Nagtulog tulugan.
Ginising ako ni Itay, instant dilat..
Nag ayos ako saglit, paglabas ko yon pa rin yong suot nya. He manage to drive through here. Ang layo dito.
Hi! Pwede ba kita e invite ng dinner date gaya dati.. Miss ko na yon..
Inaantok pa ako e.
Naghanap ka na lang sana ng iba Ace.. Ang layo pa dito..
Gusto mo dito na lang tayo sa bahay nyo.. Ipagluluto kita.. Para di ka maasiwa, simple lang.
Gusto lang talaga kitang makasama.
Ehh.. Para sayo to e. ” sabay pakita nya nong certificate nya.
Ahm.. Magbibihis lang ako.
Sasama ka sa labas..
Hindi dito lang..
Oo.. Ok lang.
Namalengke muna kami matapos magbihis ni Ace. Nakapagbonding uli kami sa palengke..oa na kung magpakipot pa ako dito. Habang magkaholding hands bumili kami ng shake..at share kami sa iisang shake. Staring at each other while sipping. Boom! Ahm.. Medyo kilig yon.
Pansin ko kapag busy ako nakatingin sa iba. Nahuhuli ko syang nakatitig sakin.
Umiiwas lang uli pag nagtama paningin namin.
Tila bumalik yong kilig kilig moments namin kasi ang daming tao.. Nagkakadikit kami pero todo alalay at cover up sya sakin para di ako masagi ng kung sino sino.. Tila naging body guard ko sya.. Naalala ko yong eksena namin nong palabas kami nong bahay sa “bright smile couple” ganitong ganito.. Tapos unang pag amin nya non sa public na kami na.
Parang ngayon lang. Na kakasimulang muli.. Bibigay na ba ako uli ng 2nd chance now na ba..
“Owh! “sambit nya, Muntik na talaga yon may bumangga kasi sa kanya.. Mga ilang Inches na lang yon. Awkward 2 ulit kami. Oa mo Nice..
Pakipot kipot, Gyera na pala sa loob ng dibdib .
Pag uwi namin.. Nagbonding uli kami. Marunong na pala syang magluto.. Pinag aralan nya talaga. Naimpress ako kasi dire diretso lang sya. Naging audience nya lang ako. Tagatikim.
Nong matapos sya..niyaya niya uli ako sa isang casual dress boutique. For sure MPIB to..sa isip ko.
Pero hindi na muna.. All white lang yong pinili nya para sakin.. Na may mga pearl beads.
Tapos pearl beads na flower headband
Pag uwi namin ang ganda na ng design nong space namin na nasa 2nd floor ng apartment.
Tapos naka arranged na ang mga niluto nyang pag kain. Tapos biglang lumabas ang tropang 4 na boys sa may kusina
Surprise!!
Sobra talaga akong na surprise. Nag ๐Ÿ‘Š piss boom kami.. Saya ko ahh.. Bumabalik yong pagkabuhay nong puso kong nalanta ng isang taon.
Nilingon ko si Ace naabutan kong nag thumbs up sya sa tropa tsaka siningkit ang mga mata sa akin ng tumingin ako. Ok..
Ngingiti ngiti ako.. Di ko na mapigilan ang labi ko. Kapag utos na ng puso mong maging masaya.
Nong mag umpisa na kami.. Nagdala pala sila ng guitar at si Alvin ang tumira. Syempre si Ace ang vocalist.
Hinarana nya ako, Don sila sa baba ng apartment, ang layo.. ‘gang pumunta na sila sa may pinto.. Tapos pinapasok na ni Itay..
“Eeh.awkward! “sigaw ko sa kanila.
Kita kong binatukan ni Ace yong tropa nya.
” Palpak! “Dagdag nya pero natatawa sila at kakamot kamot.
Ayon nawala ang awkward nagtawanan kami dahil bakit naging awkward.
Nag picture taking kami..
Tapos pinaaalis na nya yong...


tropa matapos nilang kumain sabay ni Itay. Para na rin nilang tatay si Itay..
Pero pinanatili ko lang sila. Napakamot si Ace sa ulo nang tumingin sakin ng nakangisi.
“Ayoko kasing ma awkward.” . Sabi ko sa kanya.
Yon habang kumakain, halos lumabas kinakain ko.. Patawa kasi yong kanta ng tropa. Ang saya nilang kasama.. Tanggal stress..
Good vibes lang..
Si Ace naman.. Titig lang..
Kinuha ko yong ice sa loob ng baso ng juice ko.
” Heto ako..natunaw na. ” matapos nitong magmelt ng paunti unti
Natawa sya.. Narinig ko uli ang malutong nyang tawa.
Matapos naming kumain napansin ko nasa tabi ko na sya.. Ang bilis ng galawan. Bumabalik sila sa dati.. Tapos ang bilis lumapit nong tropa at bilis nag ligpit… Nilinis ang table tapos cake naman ang nilagay tsaka juice lang yong ginusto ko.
Nag toothbrush ako sumunod sya langhiya, yon din ginamit nya..ngingiti ngiti lang ako..
Buti ok pa rin ang dress ko..
Poised pa rin. Pagbalik namin kumanta sya uli.
Pagkatapos lumuhod bigla sabay ng background ng gitara. Simple lang talaga. Oks na sa akin. Kinabahan ako sa kanta ni Alvin..
Thousands years na naman.
Tapos inilabas nya yong box..
” miss Tigre.. Ahm joke…
My wife Mrs. NICE ALEGRE will you marry me? for the second time?
Sabay bukas ng box at kuha nong singsing at yumuko.. Nag antay ng sagot ko.
Ang tagal kong sumagot. Ilang minuto rin.
Nakita ko syang.. Kumukurap kurap… Habang nakayuko..
Yong tropa huminto sa pagkanta.
“Yes..!, pakakasal ako sayo sa pangalawang pagkakataon. ACE LACSON”
Promise nya to sakin.. tutuparin nya na rin sa wakas.
Niyakap nya ako.. Matapos isuot ang singsing.
nadala ang balikat ko sa hikbi nya.. Nagkantyawan ang tropa matapos mag congrats sa kanya.
Matapos non.. Sabi ni Itay don na sila matulog. Kaso excited syang umuwi dahil di na sya makapag antay na asikasuhin agad yong para sa kasal.. May hinahabol daw kasi sya na schedule.
Pagkababa namin sa apartment.. Hinawakan nya ako sa beywang tsaka itinaas gaya nong nanalo ako sa first game sa bright couple. Itinaas nya ako.. Yon na ang chance ko. Inilabas ko for the last time ang lahat ng bad vibes na natira sa puso ko for the last year being miserable.
Sa lahat ng sakit at paninikip. Hoooh!!! Sunod sunod na sigaw ko.. Tuwang tuwa sya…
Para daw akong bata.. Nagbalik na daw uli ang Nice nya.
Pagkababa diretso nya sinalo ang labi ko. Galing din e. “Uhmp!”
“Owh..! Sigaw ng tropa..
Mahigpit na yakap bago nya ako nilisan at pumasok na ng sasakyan.. Nag flying kiss pa sya. Tsaka nag big yesss!! Sabay aksyon ng braso.
Ang lapad din ng ngiti ko.. Genuine smile na uli to.
Huuuh!!! Muling buga ko bago pumasok sa loob..
Pero di pa man ako nakakapikit . Nag ring na ang cp ko… Tumawag si Alvin..
Nadisgrasya daw sila at malala si Ace.
Nabitawan ko ang cellphone pag karinig ko ng address ng hospital.
Agad akong nagpasama kay Itay papunta sa taxi na minamaneho nya
Pagkarating doon.. Nakita ko ang tropa. Nasa labas ng isang private room. Umiiyak… Malayo pa kita ko ang lungkot sa mukha ni Alvin.
Alvin? Alvin.. Ace! Ace! Wala akong paki kung mapasigaw ako.. “Ace!” iyak na ako ng iyak. Lalo na pagsilip ko sa salamin ng kwarto may nakatakip na ng puti… Padausdos na akong nalugmok.. Hindi ako hinimatay pero yong hininga ko sa bandang leeg na lang nanggagaling . Tulala na akong bigla.habang patuloy ang agos ng luha.
Kung kelan ok na ang lahat.. Kung kelan makakasama na kita uli.. Sana di ko na pinatagal.. Ace bakit naman ganito. Ang daya daya mo Ace!!! I HATE YOU!!!!! I HATE YOU!!!
ACE!!! huwag mokong iiwan!! Bumangon ka dyan.. Mahal na mahal kita!!! Huhuhuhu.
. Wala na akong kaya pang mahalin ikaw lang. Paano na ako Ace!!?????
Huhuhuhu..
MAHAL NA MAHAL DIN KITA.. MAHAL
Bigla akong napalingon na liham ng luha
ACE?
Mahal?
Ace.!!!! Huhuhu.. Akala ko tuluyan mo na akong iniwan.. Huwag mo kong iiwan please.. Di ko kakayanin.. Mahal na mahal Kita Ace..
Mahal na mahal din kita sobra…
Tsaka sila nagyakapan.
Nang tingnan ni Ace ang tropa.. NagโœŒ๐Ÿป peace sign ang mga ito.. Pero nangiti lang sya ng ubod tamis.. Good job sambit sa hangin nito sabay thumbs up sa tropa.
Naiiling na nangiti ang ama ni Nice.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top