INIP na inip na si Amara habang inantay ang araw nang kanilang pag alis papuntang Japan. Ilang araw niya rin iniyakan ang pagalis niya sa bahay nang mga Delgado. Nanibago siya na hindi na niya nakikita ang binata.
Ilang beses niyang iwinawaksi sa kanyang isipan si Edward pero hindi ito maalisalis sa isip niya.
Napaluha siya nang maisip na ang pagka babae lang niya ang habol ni Edward. Matapos maangkin nito ang virginity niya ay magpapakasal na ito kay Shiela.
Sising sisi siya isinuko niya ito agad. “ Kung alam kulang” bulalas niya naglandas ang mga luha sa pisngi.
“ Sana hindi ako nagpadalos dalos sa damdamin ko para sa kanya. Pinairal ko ang pagmamahal ko nang hindi inisip ang kapakanan ko”
MABILIS lumipas ang mga araw at dumating na ang pinakahihintay niya ang pagalis nila papuntang Japan.
“ Ano amara handa kana ba?” tanong sa kanya ni Marikit nang puntahan siya nito sa bahay nila.
“ Oo, kinakabahan lang ako” nakangiti niyang sabi na may lungkot sa kanyang mga mata.
Magka halong lungkot at saya ang kanyang naramdaman. Masaya siya matutupad niya ang kanyang pangarap sa ibang bansa at nalulungkot siyang iwan ang kanyang ina at kapatid. Ito ang ka una-unahan pagkakataon na malayo siya sa mga ito.
” Ate, mamimiss kita,” sabi ni Junjun na niyayakap siya. Nasa labas na siya ng kanilang bahay bitbit ang kanyang malaking bag.
Napaiyak siyang gumanti nangyakap sa kapatid” Junjun, magpakabait ka, wag mo pasakitin ang ulo ni inay.”pinunasan niya ang kanyang mga luha at nilapitan ang ina na noon ay umiiyak narin.
” Nay, magiingat kayo dito ni Junjun. Susulat ako sa inyo nay.” Baling niya sa ina at yumakap rito nang mahigpit.
” Anak, mag iingat ka doon ha? Wag mong pabayaan ang sarili mo, malayo ka sa amin. Pag magka sakit ka doon walang mag aalaga saiyo. Kaya ingatan mo ang sarili mo” naiiyak na sabi nang ina.
” Upo nay, aabutin ko ang pangarap natin. E-ahon ko kayo sa hirap.”hindi niya mapigil ang sariling mapahikbi.
” Amara, dali na mahuhuli na tayo sa flight natin.” Tawag sa kanya ni Marikit.
Niyakap niya ang ina at kapatid sa kahulihulihang sandali. Labis ang kalungkutan ang kanyang naramdaman. Lungkot na walang kapantay na sa kauna-unahang pagkakataon ay mahiwalay siya sa dalawa.
HINDI mapakali si Edward habang nagpalakadlakad. Naka ilang akyat baba na siya sa hagdanan. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Hindi siya mapakali sa isipin aalis na si Amara papuntang Japan.
” Ayos ka lang ba na anak? Kanina pa kita napapansin hindi mapakali, ano ba ang bumabagabag saiyo?” tanong ni Consita sa kanya nang mapansin siyang nagpalakadlakad.
” Wala po ito ma.” tugon niya sa malungkot na boses.
Huminga siya nang malalim” kailangan pigilan ko si Amara ayain ko siyang magtanan” Mabilis ang mga hakbang lumabas nang bahay.
“ Saan ka pupunta?”
“ May pupuntahan lang ako saglit ma” tugon niyang hindi nilingon ang ina.
Binilisan ni Edward ang pagpatakbo ng kotse. Ilang minuto lang narating niya ang bahay ni Amara.
Nakita niya ang batang lalaki nasa labas nang bahay nila Amara naglalaro.
” Magandang araw boy, andiyan ba si Amara?” tanong niya sa batang lalaki pakiramdam niya kapatid ito ni Amara.
huminto ito sa paglalaro” Sino po ba sila?”
” Edward, pwedi ko ba siyang maka usap?”
” Kakaalis lang nila ate Amara, papuntang Japan.” tugon nang bata sa kanya.
Nanlumo siya sa kanyang narinig nahuli siya ng dating. Laglag ang kanyang mga balikat na bumalik sa kanyang sasakyan. Nakakabinging kalungkutan ang kanyang naramdaman nang nasa sasakyan na siya.
WALANG tigil naman sa pagiyak si Amara nang makasakay sila nang eroplano.
” Amara, isipin mo para to sa kanila tong ginagawa mo.” Pampalakas loob ni Marikit sa kanya.
“ Labis lang talaga ang pangulila ko sa kanila Marikit. Gusto kung bumalik at yakapin sila nang mahigpit” humihikbi niyang sabi.
“ Naintindihan kita, ganyan din ang naramdaman ko para sa pamilya ko. Pero inisip ko nalang na sa pagsasakripesyo kung ito, gaganda ang buhay nila.”
Pinahid niya ang kanyang mga luha. Naalala niya si Edward, ang panloloko nito sa kanya, muling bumangon ang galit at poot sa puso niya para sa binata.
” Tutuparin ko ang pangarap ko at pag sisihan mong niloloko mo ako. ” matigas niyang sabi sa sarili.
NILUNOD ni Edward sa alak ang kalungkutan naramdaman sa pagalis ni Amara. “Ang bagal mo kasi” kastigo niya sa sarili.
“ Ano ba ang meron at naglalasing ka?” puna sa kanya ni Steve nang makaubos na siya nang dalawang bote nang alak.
“ Wala to, gusto ko lang maglasing” tugon niya rito
“Ngayon lang kita nakitang naglasing nang ganito” ani Steve
“ Kasi tol, umalis na si Amara” bulalas niya sa...