HULING KANTA NI KUYA


HULING KANTA NI KUYA
Nakangiting naka upo habang nasa taas ng tree house na nakadungaw sa binatan upang pagmasdan ang ganda ng tanawin habang nakikinig sa mga kanta ni Kuya
‘I was afraid this time would come
i wasn’t prepared to face this kind of hurtin’ from within. I have learned to live my life beside you…..Maybe I’ll just dream of you tonight. And if into my dream you’ll come and touch me once again i’ll just keep on dreaming till my heartaches end
Napatingin ako sa kuya ko dahil masyadong dramatic ang kinanta niya
“Kuya broken kaba?” Tanong ko sa kuya kong si Andrei na 18 years old at ako naman ay 16 years old
“Bunso, kapag wala ako ikaw muna ang bahala kay mama ah. ‘wag kang pasaway at gagawa ng mga kalokohan. ‘Wag muna mag boypren, kailangan magtapos ka muna” Sabi niya na ipinagtaka ko
“Ito makapagsalita kala mo sampung taon agwat sa ‘kin HAHA! Pero sige kuya. Bakit sa’n ka pupunta?” Tanong ko pero uniwas lang siya ng tingin
“Basta! Ipanagako mo sa ‘kin na magtatapos ka huh. Payakap nga ako” Nagulat ako dahil niyakap niya ako na hindi naman niya madalas gawin, madalas niya akong asarain at ‘yun ang way ng paglalambing niya ang mangasar pero ngayon? Ewan ko kung anong nakain ng kapatid ko
Habang nakayakap ay parang humihikbi si Kuya. “Kuya umiiyak ka?” Tanong ko “Napuwing lang ako” Sabi niya
“Jeraldine”
“Kuya?”
“Ingatan mo palagi ang gitara ko huh”
“opo!”
May something talagang mali eh
“JERALDINE! JERALDINE” Narinig namin na nagsisisgaw ang tita namin na tinatawag ako
“Nandito ako tita” Sigaw...


ko habang naka dungaw sa bintana ng tree house
“Nako kanina pa kita hinahanp, sumunod ka sa akin dali” Sigaw ni Tita at dali-daling umalis. Ano kayang problema niyon?
Tumingin ako kay kuya pero tinanguan niya lang ako na parang nagsasabibg ‘Mauna kana, susunod ako’
“MAMA! BAKIT? BAKIT KA UMIIYAK?” Tanong ko sa nanay ko na nakaupo na sa sementadong lapag habang umiiyak
“Wala na ang kuya mo!” Umiiyak na sabi niya sa akin habang hawak hawaka ng picture ni kuya. Imposible! Kasama ko lang siya kanina sa tree house
“Ma hindi! Susunod si kuy—” Agad inabot ni Tita ang phone niya na may record ng kuha ng cctv
Isang lalake na nakasuot ng pula na may nakasulat na Flores sa likod ang aksidenteng nasagasaan ng rumaragasang truck at hindi man lang ata napansin na may nabangga silang tao. Kahit nakatalikod ang nakapulang ‘yon ay alam kong si Kuya Rei ‘yon dahil ‘yun ang suot niya kagabi
Agad akong tumakbo papuntang tree house. Ng nakarating na ako ay nakita ko ang gitara ni kuya na naka sandal sa ugat ng puno ng mangga kung saan nasa taas n’on ay ang tree house namin
“KUYAAAAA!” Sigaw ko, umaasang magpapakita siya. Napayakap nalang ako sa sarili ko ng biglang umihip ang hangin. Tumulo na ng tuluyan ang mga luha ko ng parang narinig ko si kuya “Sorrry bunso”
AFTER 4 YEARS
“Kuya tapos na ako ng college. Andito din pala ang gitara mo, iningatan ko ‘yan” Ang mga luhang kanina kopa tinitiis ay tuluyan ng bumagsak “I miss your voice kuya…. i miss you! We miss you kuya!”
__






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top