I FORCED MYSELF THAT HE’S STILL ALIVE.


I FORCED MYSELF THAT HE’S STILL ALIVE.
Nagtungo kami ng aking nobyo sa isang sikat na boutique upang bilhan ko siya ng damit. I faced him. “Hey love, ‘di ba favorite color mo ang beige? Why don’t you try this clothes? It will suit on you.” Tinitigan ko siya sa mga. Dahan-dahan akong ngumiti sa kaniya.
He smiled to me. Siguro natutuwa siya dahil alam ko pa rin ang nga tungkol sa kaniya. Maya-maya ay tumango ito at sumagot. “Yes, baby. Bagay ito nga akin.” I hugged him and we went to the cashier.
Pagkatapos naming bayaran ang aming binili, hindi ko maiwasang magtaka dahil pinagtitinginan kami ng mga tao. May problema ba? They are weird.
Hindi ko na iyon pinansin at humarap sa aking nobyo. “Love, let’s eat. Nagugutom na kasi ako.” Paglalambing ko sa kaniya. Kumapit pa ako sa kaniyang braso.
“Sure, love.” Nakangiting wika nito sa akin. Nakakapagtaka dahil sa loob ng maghapon na ‘to, binibigay niya lahat ng gusto ko.
Nagtungo kami sa isang fast food chain at umorder ng pagkain. “Did you enjoying the food?” Asked by my boyfriend.
Natigilan ako sa pagkain. Tumingin ako sa kaniya at dahan-dahang ngumiti. “Oum, masarap pero mas masarap ang luto mo.”
“Let’s finish our food, so we can go home na, love. It’s already late.” Dahil sa sinabi niya, napatingin ako sa labas. Madilim na nga.
Natapos na kaming kumain. Nilalayan niya ako sa paglalakad papasok sa kotse. Nang makapasok din siya, I hugged him and kissed his lips. “We can just sleep together but I feel like I will miss you.” I pouted.
“Shh, same as you, always remember that I love you, huh? Don’t worry, hihintayin...


kitang makatulog bago ako umalis. Is it okay?”
Agad akong napangiti roon. “Yes, love, I love you so much.”
Pinaandar niya na ang kotse hanggang makauwi kami sa bahay. Tumingin ako sa langit, may buwan na. Pumasok na kaming dalawa sa loob. Madilim ang bumungad sa amin kaya binuksan niya ang pinto. Nilapag ko ang aking dala sa sofa. Hindi katagalan, I took already a half bath para matulog na.
Pumasok ako sa kwarto, nakita ko siyang nakaupo sa kama, hinihintay ako. Ngumiti ako sa kaniya at gan’on din siya. I sat at the study table because before I could go to sleep I had to call mom first.
“Hello, mom.” Pinako ko ang tingin ko sa lamesa. Nakikiramdam.
“It’s already 10:00 pm, anak.”
“Ah, yes, mom. Actually—”
“Are you okay?”
Sa kaniyang pagtatanong, habang nakayuko ako, dahan-dahang tumutulo ang aking mga luha. Pinatay ko ang tawag, kusa nalang akong napayuko sa mesa, tuloy sa paghikbi at iyak. Wala kang ibang maririnig sa buong sulok ng aking kwarto kun’di ang iyak ko lamang. Madilim ang aking kwarto, sobrang tahimik sa baba kaya hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng lungkot.
Inangat ko ang aking ulo. Pinunasan ko ang aking luha. Humarap ako sa aking boyfriend, nagtataka ang kaniyang itsura kung bakit ako umiiyak. Ngumiti ako sa kaniya ng pilit at agad na tumakbo rito upang yakapin ngunit pagdating sa kaniyang gawi, para siyang imahinasyong nawala. Wala akong nahawakan, ang mga kamay ko ay naiwan sa kama. Dahil doon, mas lalo akong umiyak. Kusa akong napaupo sa gilid ng aking kama, ako na naman mag-isa.
My boyfriend died 1 year ago and me, I always forcing myself that he’s still alive.
End.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top