Loving Her


by: Belle
OneShotStory
Natigil sa pagsasalita si prof ng biglang tumunog ang bell, hudyat na uwian na. Mabilis na nag si-alisan ang mga kaklase ko habang ako naman ay matamlay na kinuha ang bag at lumabas ng classroom.
Simula noon, ganito na talaga ako. Walang gana palagi,cold sa iba’ng tao pero ang pagkaiba lang ay may isang tao’ng nakakuha ng atensyon ko. Si niana.
Napatigil ako sa paglalakad ng mapadaan sa isang malaking puno. Ito yung puno kung saan madalas kami tumatambay. Napalunok ako, nag-dadalawang isip kung lalapitin ko ba ang punong yun o hindi pero di naman ako nagmamadaling umuwi kaya lumapit ako at naupo sa damo.
Madaming estudyanting tumatambay dito dahil sa presko ang hangin at maaliwalas ang kapaligiran. Napapikit ako at ini-enjoy ang katahimikan.
“Ang sarap matulog no?” Kaagad akong napamulat ng marinig ko ang boses na yun. Napangiti ako ng makita sya.
Tumango ako at nagsalita. “Mamimiss ko ang lugar na to”
“Ako hindi” napatingin ako...


sa kaniya at tumayo.
“Bakit? Di mo gusto ang lugar na to?” Tanong ko.
“Sira ulo, ang ibig kong sabihin hindi ko to mamimiss dahil dadalaw ako paminsan-minsan sa lugar na to” tumawa ako dahil sa sinabi nya.
“Ayosin mo kasi” pagdedepensa ko naman.
“Ikaw kasi di mo ako pinapatapos” Aniya habang nakasimangot at di nakatingin sakin.
Lumapit ako at hinawakan sya sa magkabilang balikat. “Kahit kailan di ka padin nag bago, Ikaw padin si Niana na nakilala ko simula noong bata pa tayo”
Malapad syang ngumiti at niyakap ako. Napangiti din ako.
“Kaya mahal na mahal kita eh!” Mas hinigpitan ko ang yakapan namin.
“Mas mahal na mahal kita” bulong ko habang dinadamdam ang yakap niya.
“Zach” napalingon ako sa tumawag sakin.
“Liam, Mike, anong ginagawa nyu dito?” Tanong ko.
“Kami dapat ang magtatanong sayo kung bakit ka nandito at bakit kayakap mo sarili mo” sabi ni liam at tumawa. Kumunot ang noo ko.
still reading? comment for next






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top