I LET MY GIRLFRIEND DIE WHILE I’M PLAYING MOBILE LEGENDS


I LET MY GIRLFRIEND DIE WHILE I’M PLAYING MOBILE LEGENDS
Abala ako sa paglalaro at halos hindi ko man lang pinapansin si Erah na mag isang kumakain sa cake na dinala niya dito sa apartment namin. We are celebrating our 3rd Anniversary right now pero parang wala lang sa akin at nakukuha ko pang maglaro.
“Love, ayaw mo ba kumain?” She simply asked.
Hindi ako sumagot dahil abala pa rin ako sa paglalaro. Ayuko matalo dahil ayuko masabihan ng bobo.
“Love, kain ka muna. Kanina ka pa d’yan.” Panay tawag niya.
Nakaramdam ako ng pagka inis dahil ayuko sa lahat ay yung naiistorbo ako sa paglalaro. Masyadong madaldal kaya hindi na ako’t nakapagpigil ‘nung bigla nalang namatay ang hero na ginagamit ko.
“Bullshit!” Inis kung sigaw.
Agad ko nilingon si Erah na naiinis at halos gusto ko tuloy ito sapakin dahil sa inis at pagka daldal niya. Fuck!
Babae nga naman!
“Pwede ba Erah tumahimik ka muna! Can’t you see?! I’m playing!” Bulyaw ko.
“Pero love, kumain ka muna. Makakasama yang ganyan na halos d’yan na yung attention mo.” Turo pa niya sa cellphone ko.
Wala na akong nagawa kundi mag focus nalang ulit sa laro. Pesteng peste ako sa mga ganitong bagay at pagkakataon.
Makalipas ang ilang minuto ay talo kami. Nakakadismaya lalo na kapag nakita mo yung pagka rank down mo.
“Love, are you done?” Hindi ko namalayan si Erah na ilang minuto na naghihintay para sa kanya mabaling ang attention ko.
Sasagot na sana ako nung bigla na naman nagyaya yung tropa ko na isa pang game para mabawi yung pagkatalo namin.
“Love? Hindi ka pa ba tapos kas—-”
“Uwi ka nalang muna, maglalaro pa kami ulit.” Bigla siya natigilan sa sinabi ko. Hindi niya ata matanggap kaya agad niya kinuha ang cellphone ko at dun na ako nagwala.
“Potangina naman, Erah! Ibalik mo yan! Ano ba ginagawa mo?!” Sigaw ko pero mas lalo lang niya nilayo ang cellphone ko.
“Love, I almost tired of waiting para pansinin mo’ko! But, halos nandito lahat yung attention mo and sobrang inip na inip na ako!” Bulyaw niya.
Hindi ko magawang respetohin siya dahil sa sobrang galit na galit na ako.
“Then, leave! Umalis ka! Umuwi ka na!” Natigilan na naman ito ulit at dun na nagsimula tumulo ang mga luha niya.
“Drake, it’s our 3rd anniversary. Aren’t you happy to spend time with me?” Maluha luha...


niyang tanong.
Tanging pag iling lang ang nagawa ko kaya pasimple niyang inilapag ang cellphone ko sa mesa at tsaka ngumiti.
“Happy 3rd anniversary.” Aniya at ngumiti.
Isinukbit niya ang kanyang bag at agad na umalis.
Napasinghap nalang ako at dun na ako napukaw ‘nung tumunog na naman ang messenger ko.
Hudyat na magsisimula na kami maglaro ulit.
Sa kalagitnaan nang paglalaro ko ay agad nag text ang girlfriend ko na palagi daw may sumusunod sa kanya.
Binanewala ko nalang ito dahil alam ko ganito ang mga babae kapag nagiging maarte or dinadalaw nang pagkatopak nila.
Napaka oa na talaga ni Erah, halos hindi ko na yata siya maintindihan kung bakit gusto niya sa kanya ang buo kung attention. While infact, may buhay din ako at may mga gusto akong gawin.
Ilang ulit nag pop up yung message niya. Sobrang naiirita ako dahil nag la-lag ang signal ko kapag may istorbo.
“Love, please come in. May sumusunod talaga.” Huling mensahi niya at di na tumunog pa ang messages ko.
Halos ilang minuto din ako naging abala sa paglalaro. Hindi ko namalayan yung oras at deretso na ako natulog dahil sa sumakit yung mata ko.
Naalintana ako sa tunog ng aking cellphone. Halos ilang missed call na din ito pero ngayon lang ako nagising nang tuluyan.
“H-hello..” kusot mata ko pa habang sumasagot sa tawag.
“Drake! S-si E-erah!” Halos mapabalikwas ako sa kama nung marinig ko ang mga hikbi ng kanyang ka boardmate.
Fuck! What’s going on?
“P-po?! Bakit?” Nag-aalalang tanong ko.
“She was raped in her apartment! Sobrang alalang-alala ako nung nag text siya sa akin na may sumusunod daw sa kanya while papauwi siya. And tenext ka niya nang ilang beses pero hindi ka nag rereply.”
Halos hindi ako makahinga sa sobrang pagka gulat.
Hindi din ako halos makahinga dahil sa sobrang sakit.
“Akala niya ikaw yung dumating sa apartment niya, Drake. But, she’s wrong. Yung rapist pala sana nandun ako para matulungan ko siya kaso umuwi ako sa amin.”
Nanlumo ako sa naging pangyayari.
Hindi ko halos matanggap sa sarili ko na yung mahal kung babae ay hindi ko man lang pinakinggan at nailigtas.
And para sa akin, parang ako mismo ang nagtulak sa babaeng mahal ko sa kamatayan.
At sa huling pagkakataon, na realize ko yung palagi niyang sinasabi…
“KAYA AYUKO MAG M-ML KA LOVE EH! KASE NAPAPABAYAAN MO’KO.”
CREDITS TO THE OWNERπŸ“Œ: Jay






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top