i love my bff


Ako pala si che-che 32yrs old, single mom may 2 anak
Nakilala ko c mau2x sa isang call center company dito lang sa Cebu, kasi isa akong licensed lady guard nag apply ako at doon kami unang nagkita, isa rin kasi siyang Security guard, that was my 3rd day of OJT, sinita ako nang officer namin bakit daw ang luma nang t-shir na suot ko.
officer:wala ka bang ibang maisuuot?kasi hindi presentable tingnan
me:sir wala eh, hiniram ko nga lang to sa kuya ko kasi nga hindi ako nakapaghanda, sino ba nama mag aakala na mag oOJT ako after interview agad2x, ni wala akong ibang dalang gamit galing pa ako probinsya.
officer:hanapin mo si vemlou patulong ka maghanap na pwedi mapaghiraman nang t-shirt
me;Copy sir
ayun hinanap ko si vemlou, isa rin siyang lady guard na matagal na nakadestino dun.
naghanap kami every floors kasi nga may 13th floors dun sinuyod namin at ngtanong sa mga kasamahan nila kung meron ba silang dalang extra t-shirt.
pagdating namin sa 10th floor may isang security guard na nagpresenta na may dala siyang extra t-shirt siya si mau2x, ang bait niya hindi pa nga kami ngkakilala ipinahiram niya yong t-shir niya .
dun kami una ngkakila.
ff; natapos ko rin ang OJT ko at mgsisimula na ako sa aking unang gabi nang duty
ewan ko bah kung sinadya ba na pagtagpuin kami nang panahon kasi sa 10th floor din ako naassign., ako ang receptionist sa 10th floor bale 3 kami dun, dalawang entrance guard at ako.
tinulungan niya ako sa mga bagay2x na kailangan ko matutunan at di nagtagal mas naging close kami naging magkaibigan ,he shared everything lalong lalo sa past niya at ako din wala akong itinago sa kanya.
Hindi na siya binata ang totoo may asawat anak na rin siya kaso naghiwalay sila, his wife cheated on him.Kaya nung nalaman niya ay agad niyang hiniwalayan ang babae kaya pala sila napadpad dito sa Cebu nang anak niya na 4rys old pa that time.
Ako din nang mga panahong iyon may boyfriend din ako 4yrs na kami pero wala pa kaming anak siya si Neil mas bata pa siya sa akin nang tatlong taon, mabait siya at sobrang maalaga tanngap niya ako kahit may dalawa na akong anak at siya naman ay binata, una palang naming pagkikita nagustohan ko na siya dahil attracted talaga ako sa tall at dark na lalaki kahit hindi kagwapohan kasi hindi naman ako kagandahan.,kung idescribe ko ang sarili ko 5’4 ft height, long black straight hair, deep seated eyes hindi naman katangosan ang ilong at hindi ako ang biniyayaan nang Diyos na makinis na mukha kasi dumaan sa breakout yong face ko as in.. may acne scar na naiwan. Pero kung sa katawan tingnan hindi talaga mahahalata na may dalawa na akong anak kasi kahit chubby may curves talaga ako .
Naging ok naman ang aming relasyon ni Neil kahit hirap kami sa buhay kasi nga wala siyang sapat na kita kaya ako tumulong sa kanya sa paghahanap buhay. Kaya ngdecide ako magtraining nang Security Guard, choosy paba ako high school lang kasi ang natapos ko.
ff;kinakailangan ko mag boboarding house kasi malayo ang IT PARk sa lapu-lapu city sa bahay nang magulang ko before na ngayon mga kapatid ko ang tumira, kaya kinausap ko si Neil na magrent malapit sa trabaho ko.,at hindi naman ako nabigo kasi pumayag naman siya.
Share kami nang sister ko na isa ring lady guard malapit sa trabaho ko, para hindi ako malakihan sa renta hati kami, so naiwan si Neil at ang mga bata sa probinsya.
Text at tawag kasi nga nakakamiss yong nakasanayan mo na na lagi kayo mgkasama, sobra ko kasing mahal si Neil kaya nga umabot kami nang halos 5 taon., kaso hindi kami biniyayaan nang anak.
Isang araw tinawagan ko si Neil na sana bisitahin...


man lang niya ako minsan sa tinitirhan ko kasi nga namimiss ko na siya, d kasi ako palaging makauwi nang probinsya kasi sinulit ko mga day off ko na mapagtrabahoan kung sakaling may hindi magduty.Dumating nga siya kinagabihan, ang saya sa pakiramdam at don siya natulog wala kasi ate ko nun panngabi ang pasok at ako naman pang umaga, kinaumagahan nghanda na ako para magduty 7 am kasi pasok namin hanggang 7pm..oo 12hrs duty nakakapagod rin.,naiwan na xa sa boarding house sila nang ate ko
Sino ba naman mag aakala na mangyayari sa araw na yon
alas 5 nang hapon biglang nagring ang CP galing sa ate ko yong tawag, nang sagutin ko humahagulhol ang nasa kabilang linya.
Ate:dae, hindi na ako uuwi sa boarding house, hindi na ako titira dun ikaw nalang
me:bakit? anong nangyari?bakit ang bigla naman? wag mo naman ako iwan ang mahal pa naman nang boarding house d ko kayang bayaran mag isa..ano nga ang dahilan?
So ayun ikinwento niya sa akin na muntik na siyang hagasain nang boyfriend ko habang xa ay natutulog buti daw nagising xa..at pinagbabantaan siya.Kaya takot na takot siya sa nangyari
Para akong binuhusan nang malamig na tubig, hindi ako agad nakapagsalita at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, bigla ako naiyak at naitanong sa sarili kung bakit lahat nang lalaki dumaan sa buhay ko ay hindi magtatagal sa buhay ko?akala ko siya na ang lalaki na magdadala sa akin sa altar pero nasira lahat. Tinapos ko ang trabaho at pag uwi sa boarding haus naabutan ko si Neil, walang kibo. Sinubukan ko maging matapang para kausapin siya nang mahinaon at inamin din niya ang nangyari, paano tatangapin nang pamilya ko na ang lalaki na pinapangarap ko ay munti nang ahasin ang ate ko.Sobrang sakit..siguro mas ok nalang sana kung sa iba nalang siya lumandi hwag lang sa mismo kapatid ko pa.
Walang sekreto na hindi mabubunyag, agad nalamaman nang pamilya ko ang nangyari gusto nilang hiwalayan ko and lalaki kasi daw traydor.. pinagkakatiwalaan nila tapos sarili kong kapatid muntik na niyang kainin, umabot na sa point na naguguluhan na ako kasi hindi ko nais na mamili sa kanila kasi pareho ko silang mahal., napakasakit kasi mahal ko ehh.
Hindi na ako nakapagtrabaho nang maayos kasi everytime maalala ko ang nangyari iiyak nlang ako bigla na di ko mapigil ang pgpatak nang aking mga luha, gusto ko ayusin lahat pero paano? parang me versus people of the Philippines, wala akong kakampi gusto kong ipaglaban si Neil pero galit ang pamilya ko kais daw tanga ako.
Ayokong magmukmok sa kwarto kasi mas nasasaktan ako pag nagkikita kami ni Neil kaya kahit masakit trabaho parin, andun si BFF lage sa tabi pilit na pakalmahin ako at pilit intindihan kasi nga aya w ko sana bumigay..gusto ko ipaglaban kaso mali ehh
Si mau2x hindi niya ako iniwan nang mga panahong iyon, naintindihan niya kung anong hirap na pinagdaanan ko siya ung nagcomfort sa akin, a shoulder to cry on.
ff;ngdecide na ako na mghiwalay na kami para sa ikatatahimik nang lahat masakit pero kakayanin, pilit magmove on kahit hirap na hirap na., kahit ayaw niya makipaghiwalay pero wala ehh sirang sira na lahat pati ako sirang sira na.Naghiwalay kami nang maayos at ayon umuwi na xa sa probinsya nila at ako naman balik sa dati trabaho… iyak nang iyak kahit pag uwi iyak parin… di biro ang halos 5 taon na masasayang alaala.
Araw2x akong umiiyak kahit sino kasamahan ko pag magshare ako sa nangyari iiyak na naman, kasi ang sakit dahil kahit kelan hindi ako gumaw a nang kalokohan para lang sa ikasisira nang relasyon namin.
Hindi ako iniwan ni mau2x andyan siya palagi sa tabi ko, nagbibigay nang advice at pagkain kasi pati pagkain ayaw ko na kasi mas busy ako sa kaiiyak.
Ang hirap talagang magmove on.
to be continue..






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. (:

Leave a Reply


top