CHAPTER 1
‘PAG IBIG NGA! BA?.
Umagang umaga, makulimlim kababago lang matapos ang malakas na ulan,maputik ang kalsada at may mga lubak lubak pa. Si Jaqueline or ci Jaky ay sinusuyod ang daan sakay sa kanyang trisikad , pasipol sipol pa ito habang nag papadyak, si Jaky ay “18 year’s old”. Senior High lang ang natapos niya, hindi siya nakapagpatuloy nang college dahil ang trabaho nang kanyang tatay ay Isang tanod, kaya naisip muna niyang tumigil at Silang dalawa lang nang papo (tatay) Niya ang magkasama sa buhay. sa trabaho niyang nag didiliver nang uling ay meron siyang tinatago sa kanyang pagkatao, sino ba? mag akala na siya’y ‘babae’. At nang may biglang humarurot na kotse at may tumalsik sa mukha niya na may dalang tubig at putik. kaya siya napahinto at bumaba sa kanyang trisikad ‘sidecar’ at sabay sigaw “hooooy!….
pocha ka a bastos ka a. at napahilamos na lang ito nang kanyang mukha. nikata nman yun nang driver. Si Bruno Ngunit patuloy parin ito, wala siyang magawa nagmamadali siya late na siya sa trabaho. Isang engineer si Bruno.
Bago si Jaky mag didiliver dumadaan muna kela aling Mercy nanay nang best friend niya. good morning aling Mercy si Baking po? Good morning din Jaky, Andun, nagbibihis. ‘softdrink’ nga! Po! aling Mercy, Ai kaw na bata ka aga aga e ‘softdrink’. nang lumabas si Baking ‘Oo’ nga nman Jaky. A biscuit nalang aling Mercy. Napatitig si Baking Kay Jaky na umupo ito sa tabi niya, ‘Anu! nangyari sayo?. Kumunot ang nuo ni Jaky. “Bakit”!. Sabi niya Kay Baking. Anu yan sa ilong mo parang putik.
hah!… naalala pala niya nangyari kanina. ahhh, bwesit…yun ang yabang keso maganda ang kotse e, lagot sakin yun dudurugin ko nang pino yun, alam na alam ko yun e, khit nakapikit ako, kulay puti Baking, “Hyundai”. hala! Jaky wag lagot ka Kay papo mo. Ummm. joke lang yun, kaw talaga Baking. Na may biglang sumigaw sa kanya, uy! Jaky ang aga aga mo dyan a. ay! Alex san ka? pupunta. sa trabaho syempre sagot ni Alex. Wow,…kaya pala ang porma mo ah!.
Maporma nga! si Alex khit naka short na maong at butas butas at my palang dala dala. San laban mo hah!. doon oh! kabilang kalsada. Nagtatrabaho siya doon kabilang kalsada at halos katapat lang ito sa tindahan ni aling Mercy.
Uy! Baking pwedeng samahan mu ko doon Kay aling Sonya, Kuha ako Sako lagyan ko uling bukas. ‘o’ ba! ikaw pa. nang napansin niyang pumasok si Alex sa kabilang bahay na ginagawa palang ito. at lumaki ang mata niya sa kanyang nakita at Napatayo siya nangbigla,

hinawakan nya ang sumbrero at inayos ang t-shirt, niyog yog niya si Baking nang napakalakas kaya natumba ang upuan nasama si Baking, At tumayo ito na parang akala moy kinagat nang langgam. ‘ano!… ba? yan Jaky” Ano ba yun hah?,. nakita kuna Baking yung kotse, ayun sa pinasukan ni Alex. Kaya hinila Niya si Baking,habang naglalakad Silang dalawa panay hila kalabit sa t-shirt nito, Jaky Ano ba! talaga gagawin muuh?…wag kanalang maingay diyan manuod knalang hah!.

Habang nasa harap na sila nang kotse. ‘Wow! Ganda2 mo talaga bastos ka nman na kotse ka, sabay sipa sa gulong nang kotse. nang biglang tumayo si Bruno sa kanyang mesa sabay napatakbo sa kotse nya. Uy… uy anong ginagawa mo hah!. Napapatulala si baking Kay Bruno, at sabay kalabit Kay Jaky, ‘ano ba! Bakit ba? Humahaba ang nguso tinuturo niya ang lalaki sa tabi nito sa isip ni baking lagot na. Napalingon si Jaky sa kanya. Wow gwapo!… Pero bastos naman. Anu! Sabi mo bastos ako, ikaw nga! Ang bastos anong ginagawa mo sa kotse ko. Ahhh! Di mo Alam ang ginawa mo sakin kanina, kasi nga! Wala ka talaga paki alam nuh! Tuma e lang naman nang Putik ang kotse mo, at tumalsik dito sa mukha ko. Biglang naala nga! nya kanina Pero anung magawa nya mabilis nga kotse nito. Pasinsiya na. weee…gaganti ako ito oh! sabay dura sa salamin nang kotse. Jakyyyy napasigaw si Baking. Lumaki ang mga mata ni Bruno,parang nag uusok sa galit.
anung ginawa mo sa kotse ko umasim ang mukha ni Bruno, linisin mo yan. Nang napansin ni Alex na nag mix nang cemento biglang sumigaw ito, Boss…wag kanang gumanti ay naku! susugurin ka nang buong barangay.

Sa sobrang inis ni Bruno naipatong nya nalang ang kanyang dalawang Kamay sa kanyang ulo, Gusto nya suntukin si Jaky, Ngunit narinig nya ang sinabi ni Alex, na nagtataka bakit ano ba? Siya. umasim nlang mukha nya na sinundan niya nalang nang tingin papalayo na naka “sign of peace” ito. Habang nglalakad na nakatalikod. At biglang tinawag ni Bruno si Alex.
Alex… ‘Boss! Linisin mo yon please.
Napa asim tuloy ang mukha nito bulong sa sarili, bakit ba ginawa ni Jaky yun, napakamot nalang siya nag ulo bitbit ang timba.

Anu! Ba ginawa mo kanina Jaky nakakahiya namaaan. kukuha na si Jaky nang Sako Kay aling Sonya para Lagyan Niya naman nang uling sa kinukuhaan nito at kasama si Baking, Uy! Alam mo ba! ang gwapo nya anu, para sayang artista hay! Naku Jaky nakakakilig naman. Samantala si Jaky habang nagpapadyak malayo ang tingin. Kaya pa ikis ikis ang pinapadyak nitong sidecar. Pssst… Jaky narinig mo ba? Ako, hoy! Ano ano layo nang tingin mo mabundol tayo oh!. Hah! A e wala may iniisip lang ako. Iniisip mo sino? Uy! siya anuh. A hindi a yon puno nang yabang ha ha. Oh! Dito na tayo, sa totoo siya talaga ang iniisip Niya. Kinuha na nila ang Sako at umuwi na, sige aling Sonya uwi na kami salamat.

Matapos naman ang Isang araw, Umaga nanaman trabaho nman si Jaky, habang nagpapadyak malayo parin ang tingin iniisip nya bakit? Tuwing maiisip nya ang binata e kumakalabog dibdib niya, tanong
Nya sa sarili bakit? Kaya, hanggang Yung trisikad nya ay nakatisod nang bato at biglang tumama ang kaliwang pisngi nya sa manebela at dumugo ito nang kunti, napahinto at pinahiran niya nang bimpo ang pisngi na my dugo, ‘hay! Naku malas namaaan…
nang may natanaw siya sa malayo, may nasiraan na kotse, wala kasing pampasaherong sasakyan ang dumadaan sa daan nayan.

Patuloy parin si Jacky sa kanyang pagmamaneho sa kanyang sidecar.
Napansin naman niya ito; Ngunit, hindi Niya ito pinansin dahil sa isip niya ay baka di naman si Bruno yun. Kaya nilagpasan niya ito, at napansin siya ni Bruno at tinawag siya. Nagtataka kung bakit Alam Niya ang pangalan nito.
‘Jaky’…. napahinto bigla siya. Napatakbo si Bruno sa kanya na may dalang “backpack”. oh! Ano, nangyari sayo?. Please! Jaky pasakay naman. Bakit? ano nangyari sa “kotse mo. Iwan, diko alam. tumawa si Jaky, marunong ka mag drive di mo alam.
Sigue nah! Wala ka ng pakialam doon.Basta pasakay naman. ‘eh! pano ka nga sasakay “diyan, ano tatabi ka sa uling nge wala nga upuan yan.
Kahit! na please… “Wow”, nag please. Ah, sigue na nga.
Sumakay si Bruno dahil walang maupuan, inupuan nya ang kanyang
“backpack”.
Naiwan Yong kotse ni Bruno umalis siya nang bigla na alala hindi manlang siya nagpaalam sa kasama. ‘Ah, sino nman ang kasama mo doon bakit? mo iniwan…. ay! oo nga! sa isip niya nakalimutan nya yung driver nang daddy niya. sino ba? yon. tanong ni Jaky. ‘Yon, driver nang daddy ko.
bakit? ano ba? nangyari sa kotse mo. Diko nga! alam, ang ‘kulit’, bulong niya sa sarili.
Anu! Sabi mo? gulat na tanong ni Jaky. ‘Wala, sagot niya.
Napabulong din ci Jaky. ‘

Suplado…
Anuh binubulong mo dyan. ‘wala’.
nang biglang napatingin siya Kay Bruno na may hawak na laptop sa kanyang ‘Lap. ‘Hoy, hawakan mo yan mabuti ang laptop mo, nang biglang huminto si Jaky, at napasubsub ang mukha ni Bruno sa Sako nang uling. ‘anuh! ba! dahan dahan naman. ‘pasinsiya na, sandali, lang baba ka muna kunin Kulang yang uling.
Magaan lang naman ang Sako nang uling apat na lata ang laman kaya hindi mabigat para Kay Jaky na buhatin ito.
Magandang babae ito kung tutuusin parang Sanya Lopez ang dating, makapal lang ang kilay at maputla ang bibig nitong manipis.
5’3 Lamang siya.
Malaki ang t-shirt nito na suot...


para siyang hangger sa suot nitong t-shirt at na short na my maraming bulsa at hanggang tuhod nito.
Sinundan niya nang tingin si Jaky,’ feeling’ at tanong Niya sa sarili , ‘bakit ganun nalang ang naramdaman niya, kumakalabog ang dibdib niya sa tuwing tinitingnan niya si Jaky.
Bumalik na si Jaky sa kanyang ‘sidecar, napansin Niya na wala na si Bruno,
Hinanap niya ito nang kanyang paningin, ‘ngunit walang Bruno siyang nakita, aalis na Sana siya kala niya umalis na ito. ‘Jaky’ hintayin mo ko, doon pala siya sa tindahan ni aling Sonya don kasi ni Jaky ang dinadala ang uling, hindi niya napansin na bumili pala siya doon., umiinom nang ‘softdrink’.
‘ai akala ko umalis kana!. bakit may nakita kabang dumaan na sasakyan. Akala kulang naman sakay na. at nang napatingin siya Kay Bruno napalakas ang tawa nito.
Bakit kaba? tumatawa. ‘yyung sabay turo sa pisngi. may Bakas kasi nang uling ang pisngi mo. agad agad niya ito pinunasan nang panyo.
Umalis na sila wala nang kibuan, wala nagsasalita sa kanilang dalawa, ngunit binasag ni Jaky ang katahimikan nang bigla siyang nagsalita.
Bakit ba! di ka marunong mag ayus nang kotse mo. paano kung walang tumulong sayo. Hindi…naman ako mekaniko nuh!, bakit? ba! ang ingay2 mo tanong ka nang tanong mag manehu kanalang nuh. bakit! ba ang suplado mo nagtatanong lang, at nag pagiwang giwang ang pinapadyak ni Jaky. Pwede! dahan dahan ka naman. ‘biglang huminto si Jaky, at sabay sabi baba…
bbakit?…
basta baba. Nang nakababa si Bruno agad itong umalis. Jacky naman anu ba!…hindi siya pinansin,
‘hindi nman natiis ni Jaky bumalik ito. Hay! salamat…bumalik ka thank you,thank you Jaky at kinurot Niya sa mukha. Heeee… tumigil ka nga!.
Nakarating na nga! sila sa pinagtatrabahuhan ni Bruno.
Oh! dito na tayo,bumaba na si Bruno sabay sabing salamat.
Uy uy, sandali. He he bayad, ‘ha! nagulat si Bruno, napakamot nang ulo, at si Jaky nman pinupunas nya ang Kamay Niya sa damit ni Bruno at humihingi ito sa kanya. Hehhh…hindi ako trapo, nang binuklat ni Bruno pitaka niya nakita nyang walang barya ito, 500 lang ang meron kaya wala siyang choice kaya 500 nabigay niya. Lumaki mata ni Jaky, Wow…thank you ha! sabay haplos sa pisngi ni Bruno

Ummmm….ang bait bait mo din pala nuh!, iba talaga pag mayaman.
Umalis na si ‘Jacky Hawak2 yung five hundred peso at hinalikan ang pera at sabay sabi kay Bruno, “Salamat”.
Nang nakapasok na si Bruno sa kung saan naka abang mga tauhan niya,sa gingawang bahay. Kaka graduate lang nito sa pagka engineer, at pasado rin sa board.
Nagulat siya sa kanyang nakita na may nakaupo sa kanyang mesa.
‘Oh! Sam ba’t ka nandito.
si ‘Sam ay matalik niyang kaibigan dahil Simula pagkabata pa sila ay magkasama na.
Wala kabang naalala iniwan mo lang nman driver ni daddy mo nuh!.pero teka muna habang tumatayo si Sam na kumuha nang na upuan, umupo narin si Bruno sa mesa niya. ‘anuh yan sa pisgi mo at may itim sa damit mo. ‘Alex… Napasigaw ito, kaya napatakbo si Alex kala mo nakakita nang multo.
‘boss. bakit po!. Kunan mo ko nang tubig. ‘tubig po!..umalis na Sana siya at bigla siyang tinawag ni Bruno.
Uy….saan ka pupunta.
Ke aling Mercy po! boss.
Ano ang gagawin mo doon.
kukuha ako nang tubig po. Hay! naku.
Hindi po! ako iinum kunan moko tubig sa may gripo lagay mo sa timba. ipanghilamos ko po! tingnan mo oh! oh… tinuturo ang kanyang pisngi na may Bakas nang kamay.
kaya lumaki ang mata ni Alex.
Boss sino may gawa niyan.
‘wag muna tanong. napakamot nalang si Alex bitbit ang timba sa isip niya si Jaky naman ang may gawa. bulong niya sa sarili niya.Jaky’ anu naman ba? ang ginawa mo, una dura ngayon bakas nman nang uling Hay! bata ka.
Hay! Kalma ka! lang, mag girlfriend kana kasi, para hindi uling yan nakadikit diyan sa pisngi mo Kundi lipstick.
‘bwesit ka talaga Sam sabay hagis nang lapis.
Umuwi kana nga!. Ok fine’ Uy ito pala Susi nang kotse mo sabay hagis ito sa kanya atsaka pamasahi muna, paalis na Sana si Sam nang muntik niya mabangga si Jaky.
Oh! Pera mo, walang bawas yan, nilapag ni Jaky ang pera sa mesa.
kaya natulala si Sam.
Ba’t mo pa binalik yan sagot niya kay Jaky. Hmmm…baka isipin mo mukhang pera ako sabay alis,
Hello sabi ni Sam kay Jaky. Bestfriend ni Bruno, Ah! Ok tumango lang siya Kay Sam.

Sige sabihin mo sa kaibigan mo mag aral siya mag mekaniko. Nang wala na si Jaky. at biglang nagsalita si Sam
Siya ang may gawa diyan sa pisngi mo. natawa si Sam.
Umalis kana nga!. Saan mo pinarada ang kotse ko. Ayun oh! sa bandang ‘aling Mercy store.’

Habang Si Jacky nasa tindahan ni aling Mercy. aling Mercy ‘cup noddles nga! po pakilagyan nalang po,mainit na tubig. Naupo na ito sa my maliit na mesa at Isang paa nito ay nakataas. si Baking? Po!.
wala ba siyang nabanggit sayo, doon siya kay aling Stella yung mananahi diyan.
habang humuhigop si Jaky nang mainit na cup noddles, napatingin siya sa kabila,kahit malayo ito napapansin pa din niya na tinitingnan siya ni Bruno. Kumalabog ang kanyang dibdib at napasabay naman may dumaan na tricycle at may tugtug pa ito.
Napakunot ang nuo niya bakit! siya tinititigan ni Bruno.
“‘hello,is it me you’re looking for?
I can see it in your eyes, I can see it in your smile”‘. Napakalakas pa naman ang tugtug nang tricycle.
At napahinto yung tricycle sa harap niya, ‘wow buchoc, lakas nang tama nang tricycle mo a. Aling Mercy pabili po nang yosi si buchoc ay sikat na tricycle driver sa kanilang baryo, ay! Jaky Sabi pala ni aling Sonya puntahan mo daw siya mamaya, mag repack ka daw nang uling,at diliver mo daw doon sa nag babarbeque.
Umasim nalang mukha nito.
Samantala siBruno habang binubuklat ang Plano nang bahay,
narinig niya tumunog ang kanyang tiyan. Hindi pala ito nakakain nang almusal. Kaya pumunta siya sa tindahan ni aling Mercy.
Aling Mercy ‘cup noddles’ nga! po, pakilagyan nalang po!nang mainit na tubig.
Oh! Ito na Bruno. ‘Salamat’.
Oh! Jacky andyan ka pala… napabulong si Jaky habang nakatingin ito sa kanya. ‘gaya gaya’.
At narinig yun ni Bruno.
Hindi Kita gingaya, nagugutom ako.
Paano mo ba? Nalaman ang pangalan ko? Tanong Niya Kay Bruno.Ah! e,Kay Alex.
Ah! Tumango tango ito.
Sige, na… peace na tayo.
Pwede ba?. ‘Jaky’, Hindi umimik ito
at napatingin na lamang sa kanya sabay abot nang kamay niya Kay Bruno.
At nang kinamayan siya ni Bruno,
Para siyang na kuryente at dumaloy sa kanyang kamay papunta sa kanyang dibdib at nabitawan Niya bigla ang kamay ni ‘Jaky’ At tumama sa ‘cup noddles Buti nalang wala nang laman, patapos na kasi si Jaky.
‘sorry, sorry…ika ni Bruno.
Ok, lang sabat naman nito.
Umupo na ang binata, at napatingin sa kanya. ‘bakit ba? Malalim ata iniisip mo. ‘iniisip niya kasi ang trabaho niya, kahit mahirap para sa kanya kinakaya niya ito dahil sa pangarap niyang maka ipon para sa kanyang Pag aaral.
wala!…
Sige!… Mauna ako sayo, tumayo na si Jaky. Saan ka ngayon, mag didiliver ka?.tanong ni Bruno.
Hah!…
Napaisip at kumunot ang nuo nito tanong niya sa sarili bakit? anong paki alam nito.
Doon Kela aling Sonya, mag rerepack, bakit? sasama ka, pabirong sagot niya sa binata.
“Si Bruno ay kala mo Isang artista kasi di lang siya gwapo ay maputi ito at 5’10 ang tangkad may mapupungay ang mga mata Makinis ang balat at may maliit na.
dimple ito sa kaliwang pisngi. Simple lang siyang manamit laging ragid ito kung mag porma.
Nang siya’y bumalik sa trabaho habang tumitingin sa kanyang mga tauhan at nag bibigay instruction.
Sumingit sa kanyang isipan si Jaky at biglang napa isip ito nang malalim hindi Niya maintindihan kung naawa ba siya Kay Jaky o ano
Inlove ba? Siya. At biglang napahilamos ito at Sabi hindi ako bakla, sabay tawag Kay Alex.
‘Boss!’
Maupo ka!
Umupo na si Alex na nagtataka.
‘Si Alex ay Isang foreman siya ang katiwala ni Bruno’. Kaya tawag, utos doon.
‘Gaano mo ba? Kakilala si ‘Jaky’.
Ho! gulat na reaction ni Alex.
Napaisip tuloy siya kung paano Niya ilalahad sa kanya ang lahat tungkol Kay Jaky.
kanyang Batok at nag alinlangan sa kanyang sasabihin.






Share On Whatsapp

Leave a Reply


top