I LOVE YOU MR. PRESIDENT


I LOVE YOU MR. PRESIDENT!”
GENRE: romance,tragic,comedy,random
AUTHOR’s: itsyourgirlchiona,ara
Chapter 1
“Aren’t you tired?”
I was brought back to reality when I heard my best friend asked me.
“H-huh? What are you talking about?”
“Ang sabi ko, kung hindi kaba napapagod diyan sa kabaliwan mo. Nakuu, ki tagal-tagal na niyan eh dika parin nadadala. Wala ngang pagtingin sayo yung tao deba!” Pairap pang saad neto.
I’m Scarlet and that’s my best friend Hannah. College na kami ngayon and I’m glad kasi mas malapit na ako kay Zeke. Nasa 3rd year college na si Zeke while kami ni Hannah nasa 1st year palang. I’m 19 while Hannah is 20 at 21 naman si Zeke. The three of us was playmates when we were still young. It was soon changed noong naging highschool na si Zeke while me and Hannah were still in elementary. He doesn’t hangout with us anymore at dumistansiya na hanggang sa lumala di na siya namamansin. He changed a lot.
“It is wrong for me to do that Han? Matagal kona siyang gusto alam moyun deba? Ang sakit lang kasi sa lahat ng mga ginawa ko di niya manlang maapprecciate.”
“Hysst girl, alam mo namang wala nga eh kita naman natin mga kagagahang ginawa mona pero what? Wahh epekk! Nakuu sarap talagang sabunutan ng Zeke nayun. Napakasuplado!”
Hannah knows what I’ve been through dahil kay Zeke. Kapag umiiyak ako siya yung umaalo kapag nasasaktan ako siya yung dumadamay and I’m thankful to have her as my best friend. Si Hannah yung masasabi mo na bungangera pero she’s really sweet.
“Speaking of the devil, yan na girl uh yung kinababaliwan mo” nginuso pa ni Hannah ang papalapit na si Zeke kasama ang mga kasamahan netong mga student council.
“Goodmorning Mr. President!” Bati ko sa papalapit na si Zeke.
“Yon yown uhh, woahhh! Iba ka tlaga Zeke. Araw-araw may goodmorning at iloveyou kay Scarlet” kantiyawan ng mga kasamahan niya habang ako hiyang-hiya pero go parin para sa kaniya.
Sumimangot lamang si Zeke sa ginawa ko kahit kilan talaga napakabato ng puso neto.
“Aren’t you late for your class MS. DE LA VEGA?” May pa diin pang sambit sa apelyido ko. Wala manlang pagoodmorning sakin balik sa bati ko hmmmp!
“Ano kaba tol, kahit late yang si Scarlet basta makita kalang okay nayan deba Scar? HAHAHA” dugtong pa ni Josh na kaibigan at V-pres. ni Zeke. Napayuko lamang ako sa ganun. Marami ring mga estudyanteng nanonood.
“Tssk! Go for your class Ms. De La Vega. You’re wasting my time” pabulyaw na sabi ni Zeke sabay lakad pa-alis. Napangiti lamang ako ng mapait kasi sanay na naman ako sa araw-araw na ganito. Kahit binubully na ako ng mga kapwa ko estudyante di parin ako tumitigil. Ito na ehh sa kitagal-tagal ko nang pinagdusa susuko paba ako ngayon. Ngayon na mas malapit na ako sa kaniya dahil nasa same school na kami.
———-
“Uh, ano keri pa? Sabi ko sayo tigil-tigilan mona yang si Zeke puro sakit lang mapapala mo diyan eh. Hoii girl gising maraming nakapila para manligaw sayo pero dimo pinapansin diyan ka sa unggoy nayang wala namang pagtingin sayo! Sarap mong sabunutan para magising.”
Andito kami ni Hannah ngayon sa canteen para mag lunch and as usual tinatalakan na naman ako.
“Ano kaba Hannah! Hindi unggoy si Zeke noe kigwapo-gwapo nung tao eh”
“Uhh Sige sabihin nating gwapo kaya nga maraming nakapalibot na mga babae. Uh ano ngayon? Wala namang pagtingin sayo”
“Baka in denial lang siya Han” sagot ko kay Hannah habang umiinom ng juice na binili ko.
“Hala nagkabalikan na pala sina Zeke at Katrina”
“Oo nakita korin sila kanina ang sweet²”
“Bagay na bagay talaga sila eh”
Rinig kung bulong-bulongan sa katabi naming table. Nagkatinginan kami ni Hannah at halos mabilaukan ako sa narinig. Hindi ako naniniwala. Matagal nang wala sina Zeke at Katrina at sa pagkaka-alam ko hindi naman tlaga gusto ni Zeke si Katrina. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko sa narinig pero tuluyang nadurog ang puso ko sa nakita.Papasok sa canteen sina Zeke at Katrina na magkahawak kamay.
“Ang sakit naman sa mata tingnan” bulong ko pero nadinig pala ni Hannah kasi napatingin siya sakin.
“Sakit sa puso kamo” hiyaw niya sakin with matching roll eyes pa. Kahit...


kilan tlaga tong si Hannah.
“Yaan na natin Han hysst sanay narin ako. Okay na cguro tong hanggang tanaw nalang ako sa kaniya” malungkot kong saad.
“Girl, ba’t kasi siya pa marami naman diyan na may gusto sayo. Tama na yan pinakita mona sa kaniya yung nararamdaman mo. Dyuskooo ilang taon kanang nagpakatanga diyan pero wala parin. Tama na okay? Maawa ka naman sa sarili mo.”
“Sorry. I was really stupid to think na may chance kami. I was stupid to think na mibabalik pa ang dating siya na laging concerned sa akin. I miss him Han. I really miss him.” I don’t know what’s my appearance looks like. Patuloy na tumutulo yung luha ko habang nagsasalita habang si Hannah patuloy ring pinapatahan ako.
“Sshh, it’s okay. Nagmahal kalang. Sabi nga nila it’s not love if there’s no pain involved. Sa love, it will turn your life up side down. Pero oks nayun girl, tama nang pagpapakatanga. Move on and maybe di tlaga siya para sayo. Open your eyes and you’ll see na maraming naghihintay sayo.”
I hugged my best friend. I’m really lucky to have her. Sobrang sakit. Lahat ng mga ginawa ko from the past unti-unting bumabalik ang mga ala-ala at doon ko narealize na sobra na pala. It’s time to move on and take care of myself. Pero hindi ganun kadali kong araw2 ko siyang makikitang masaya sa iba.
———-
Lumayo ako. It’s the best thing that I can do. Mga kinagawian kung gawin at kabaliwan tinigil kona. Tuwing umaga nagbabantay tlaga ako sa school para makita si Zeke babatiin ko ng goodmorning at kapag tatalikod na sisigaw ako, “I Love You Mr. President!.” It’s pathetic na madalas akong tinatawanan ng lahat. Kahit sa pag-uwi babantayan kodin ang pag-alis niya para magpaalam and let him know how much I love him. And as always, wala siyang pakialam sa nararamdaman ko. Tama lang siguro na lalayo ako. I have to stay away from him. Pero hindi yun madali ksi nakikita ko siyang kasama si Katrina. It’s been a month na lumayo ako. It’s been a month since I started to move on. Alam kong mahirap pero kinakaya ko. I’m thankful to Hannah for always there for me.
“Hey Scarlet” napaigtad ako sa pagkaupo ko dito sa bench sa likod ng school. Nakakunot noo akong humarap at nabigla.
“Lee?” Nagugulohan ako kasi di naman ako kinakausap neto or nilalapitan di konga alam na kilala ako neto.
“Why? haha so shock?… Wait. Wait… I know what you’re thinking. Hmm, you probably thinking why did I approached you.”
“Ahhm, yupp hehe. Di konga alam na kilala moko” namula ako sa sinabi totoo naman kasing pano ako nakilala neto. Lee is the captain ng basketball team sa school.
“Ahh ofcourse I knew you. Why wouldn’t I? You’re popular in school. Popular sa paghahabol kay Mr. President HAHAHAHA” napahagalpak pa siya ng tawa sa sinabi kaya napahiya ako at yumuko nalang. “Hmm I’m curious bakit siya kong andito naman ako. Ang pogi ko naman” dugtong pa niya at napanganga ako. Ang hangin din pala ng isang to.
“Ang kapal modin pala Lee noe! Pero… Oo nga noe ang gwapo mo pala talaga” pabulong kong sabi sa huling line na ikinatawa niya ng todo. Nanlaki ang mata kong tumingin sa kaniya “owemjii narinig moyun?” Pulang-pula na siguro ang mukha ko sa kahihiyan.
“Yes and yes I heard it. Pfttt… BWAHAHAHA… Damn you’re so funny Scar” napatingin na ang ibang estudyante sa gawi namin sa tawa niya. Nabigla naman ako nung may nagsalita sa likod namin.
“Are you two flirting with each other? Aren’t you late for your class?” Napangiwi ako sa boses. I know him very well na hindi kona kailangang lumingon kung sino yun.
“Sorry bro we forgot the time. Hahatid korin naman si Scarlet sa room niya. Right Scarlet?” Tumingin si Lee sakin at nataranta ako sa nangyayari kaya napa oo ako. Nabigla naman kami nung bigla nalang umalis si Zeke. Kahit kailan napakawalang-modo tlaga ng taong yun.
———-
a/n: this first chapter wasn’t mine, itutuloy kulang po itong story, hindi napo kase tinapos ni ms.@ara thorn yung story, and thanks to her kase pinayagan akong ituloy:>
-itutuloy
what’s your feedback?……..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top