I Love You with All my Heart Chapter 5


I Love You with All my Heart
Chapter 5
Kinabukasan ay ganoon pa din si Susie. Kaya nagpasya na ang mga magulang ni Susie na dalhin ito ulit pabalik ng Pilipinas. At tumira muna sa private resort nila sa Palawan. Baka pag andoon siya ay marerelax ang isip ni Susie.
“Regina, doon na muna kayo ni Susie sa private resort natin sa Palawan” suhestiyon ni Mr. Alfaro. Malungkot na nakatunghay si Mrs. Regina sa asawa. Awang awa na sila sa mga nangyayari kay Susie. Hindi na din nila alam ang gagawin para lang maibsan ang sakit na nararamdaman ng nag iisang anak.
Binuksan ni Mr Alfaro ang pinto ng kwarto ni Susie gamit ang duplicate key para makausap. Nanlaki ang mga mata niya ng pagkabukas ng pinto ay nakahandusay si Susie sa sahig at walang malay.
“Susie!!!” sigaw nito at dali daling nilapitan si Susie. Nang marinig ni Mrs Regina ang sigaw ng asawa ay dali dali siyang pumunta sa kuwarto ng anak.
“Anong nangyari sa anak natin Daddy?” umiiyak na tanong ni Mrs. Regina na tinitingnan ang mag Ama niya sa sahig. Hindi nito sinagot ang asawa. Pinipilit niyang gisingin ang anak, baka kako nakatulog lang ito sa sahig. Pero hindi man lang gumalaw si Susie kaya binuhat na niya ito at inilabas ng kuwarto. Iyak na ng iyak ang Mommy ni Susie na nakasunod sa asawang buhat buhat si Susie na hindi pa din nagkakamalay.
“Daddy! Ang anak natin” nag aalalang sabi ni Mrs. Regina.
“Regina kunin mo ang Susie ng kotse!” natatarantang utos nito sa asawa.
Tumakbo si Mrs. Regina papunta sa key holder para sa kotse. Nang nakuha ay ibinigay niya ito at dali dali ng inilagay ni Mr. Alfaro ang anak sa backseat pati na din si Mrs. Regina. Sumakay na sa driver seat si Mr. Alfaro at tiningnan ang mag ina niya na nasa likod niya. Nakayakap ang Mommy ni Susie sa kanya na umiiyak pa din. Sobrang pag aalala ang nararamdaman ng mag asawa para sa anak.
Nakarating na sila ng hospital at binigyan ng first aid si Susie. Uminom ito ng maraming sleeping pills. Hindi nila inaasahan na ganito ang mangyayari kay Susie. Ang wakasan ang sariling buhay.
Maganda ang buhay pero para kay Susie ay sobrang pangit na ng magiging buhay niya dahil wala na si Raven sa kanya. At wala ng silbi para sa kanya.
Naconfine si Susie sa hospital at natanggal na sa katawan nito ang maraming sleeping pills. Ayon sa doctor nito nagkaroon na ng depression at anxiety si Susie. At need ng agarang lunas dahil puwedeng lumala ang mental health nito. Baka maulit pa ang nagawa saktan ang sarili.
Pinagmamasdan ni Mrs Regina ang anak na natutulog sa hospital bed. Awang awa na siya para sa anak at umabot sa ganito ang kalagayan ni Susie. Hinaplos nito ang pisngi ni Susie at impit na umiyak.
Samantala nakapagpabook na si Mr Alfaro ng ticket pabalik ng anak sa Pilipinas kasama ang asawa. Doon na muna ang mag ina niya titigil sa private resort nila sa Palawan. Walang ibang makakilala sa kanila doon. Ayaw niya na lumala pa ang kondisyon ni Susie at mawala sa kanila ang nag iisang anak. Kung puwede lang niya ibalik yung mga panahon na sana hindi na lang niya sinang ayunan ang gusto ni Susie na pagpapakasal kay Raven.
“Mommy, I want to stay here in US. Ayoko ng umuwi ng Pilipinas” umiiyak na tanggi nito sa ina habang nakahiga sa hospital bed. Hindi niya kasi kayang magkrus ang landas nila ni Raven.
“Hija, this is for your own good. Ayaw namin ng Daddy mo na may mangyari...


sayong masama dahil sa depression mo. Atleast doon mababantayan kita” mahabang paliwanag ng Mommy Regina kay Susie.
“Dont worry susunod doon ang Daddy mo. Isipin mo na lang na magbabakasyon tayong lahat di ba ito ang gusto mo nuon pa, iyong magbakasyon tayo ng magkakasama” dugtong na paliwanag ni Mrs. Regina para lang mapapayag si Susie.
“Okay, Mom” kibit balikat nitong sagot sa ina.
“Mommy I want to sleep” nag aalalang sabi nito sa ina pagkatapos ay umiiyak. Nanlaki naman ang mata ni Mrs Regina sa kinilos ng anak. Umaatake na naman siguro ang anxiety ng anak.
“Sige anak sleep ka muna. Gigisingin ka nalang namin ng Daddy mo kapag uuwi na tayo sa bahay” sagot ni Mrs. Regina sa anak.
Discharge ni Susie ngayon sa hospital, umalis muna sandali ang asawa nito para isettle ang bayarin sa hospital. Nagpasya din ang mag asawa na kumuha ng private Nurse para kay Susie. Para masiiguradong may magbabantay at makakasama ang anak 24 hours. Kailangan iyon ni Susie para sa kanyang kaligtasan.
Nagkaroon si Susie ng insomia, headache, at panic attact pag umaatake ang anxiety at depression. Kailangan niyang kumalma kaya laging may nakabantay sa kanya 24hrs. Hindi nila maatim na umiiyak lagi si Susie at nag iisip ng nag iisip ng kung ano ano.
Awang awa na talaga sila sa kondisyon ni Susie. Lalo na kung kailangan na siyang saksakan ng pampakalma dahil sa hindi pagtulog ni Susie ng halos buong dalawang araw. Nag iiyak at sobrang nag iisip na nakakawala sa kanyang katinuan.
“Mommy!” sigaw ni Susie sa kanyang ina habang umiiyak. Dali dali namang tumakbo si Mrs Regina sa kuwarto ng anak. Niyakap nito si Susie at binalingan ng tingin ang private nurse ni Susie na si Minda.
“Hija, what happen?” tanong nito kay Susie kita ang pag aalala sa mga mata. Nakatingin lang si Susie sa ina. Si Minda na ang sumagot sa tanong ni Mrs. Regina.
“Ma’am naglalambing po si Ma’am Susie sa inyo. Gusto niya pong katabi kayo sa pagtulog dahil hindi na naman po siya makatulog” singit na sagot ni Minda.
“Mommy, I can’t sleep. Puwede mo ba akong samahan matulog?” may lungkot sa mga mata na sabi ni Susie. Hindi maiwasan ni Mrs. Regina na mahabag sa kalagayan ni Susie. Ang nag iisang anak nila ay nagdurusa.
“Sige halika na, Anak. Matulog na tayo” yaya nito kay Susie at sumampa na sa higaan ni Susie para mahiga. Tumabi naman si Susie sa Mommy niya at niyakap nito ang ina. Umiiyak si Mrs. Regina dahil sa nakikita sa anak.
Ayaw niyang panghinaan ng loob dahil ngayon sila kailangan ni Susie. Lumabas na muna si Minda para doon sa maids quarter matulog. Kasama naman ni Susie ang ina kaya safe si Susie ngayong gabi.
🔴 Kaunting kaalaman:
Depression is a common health condition problem that involves a low mood and a loss of interested in activities.
Anxiety is your body’s natural response to stress. Its a feeling of fear or apprehention about what’s to come – ❤️
Nawawalan na ng gana si Susie na makipag inter act sa ibang tao. Mas gusto nitong ikinukulong ang sarili sa isang kuwarto at doon siya nakakaramdam ng kapatanagan ng loob.
Ang sobrang kalungkutan at sakit na nararamdaman ni Susie ang nagkakapag isip sa kanya ng negatibo para makagawa ng magkakapagpasakit sa kanyang katawan.
————————————————–
Authors note:
If you experience anxiety and depression please reach out to people who you trus and who you loved most. Huwag ipag walang bahala ang mental health condition mo. Puwede itong lumala sa isang kisap mata at makagawa ka ng mga bagay na hindi kanais nais.
Happy reading💓💓💓






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top