Written by : 𝗔𝗰𝗲 𝗩𝗲𝗮𝗸𝗮𝗿𝗶𝗼
Antagal naman ni Ethan. Kanina pa’ko nagaantay. “Ano? Nasa’n kana?”. Naiinis na tanong ko kay Ethan, pano kase 1:Pm ko s’ya pinapunta anong oras na? 2:30. “Oona malapit na, pababa na’ko” Sagot n’ya at pinatay na ang call
“Order muna tayo babe” bungad niya sa’kin at umupo sa tabi ko. “Wag na hindi na rin ako mag tatagal” sabi ko habang nakatingin sa kanya. “ano ‘yon babe?” Si Ethan. “Break na tayo” dertso kong sabi sa kan’ya. “ah!! Oo babe gusto ko fried chicken ” sabi niya. Huh? Ano daw?. “Ang sabi ko break na tayo, anong pinagsasabi mo?” Nagtataka kong tanong. “ah oo ‘dipako kumain bago umalis” sagot niya. “Tangina seryoso ako ethan, break na tayo” nagpipigil ng galit kong sabi sa kanya. “i love you too”, aba nag i love you pa ah!. “Gago kaba? Seryoso ako dito nakikipag break tapos ganan ka? Siraulo kaba?” Mahinahon kong sabi sa kan’ya. “Mama mo break ano kajan? Hirap hirap mong ligawan nung grade 11 pinapakanta mo pa’ko sa stage okaya sa birthday-an sa’nyo” sabi ko. “Eh tangina sana nga ganon kanalang palagi eh! Wala eh, puro ka ML okaya naman BARKADA, pano ako? Tatawagan mo lang ako pag madaling araw” sigaw ko sakanya at dahil do’n nakuha ko ang atensyon ng mga nakain
Nagulat nalang ako sa sumunod na ngyare. Tumayo si Ethan...