If My Heart Gives up


Author: Rosemei28
Genre: Between Life and Death, Tragic Love Story.
In this world..
I’m unique…
I’m extraordinary…
I held my chest when my heart suddenly beats so fast..
“Ugh, saglit, hindi ako ready, ano ba..”
Hinampas ko ng nakakuyom kong kamao ang dibdib ko at napapikit ng mariin. Napaluhod ako sa damuhan at tinukod ko ang isa kong kamay para hindi ako tuluyang masubsob sa damuhan.
Nasa gitna ako ng malawak na kapatagan dito sa probinsya at humahangin ng malakas kaya nililipad nito ang buhok ko.
“Aish!”
Naiinis na umupo ako habang hinahampas pa rin ang dibdib ko. Tumingin ako sa itaas. Dumidilim na kaya nagsisilabasan na ang mga bituin.
I let out a heavy sigh when my chest started to ache. Ang sikip ng dibdib ko.
“Ugh, bwiset naman oh..”
Bakit ba kasi inabutan pa ako dito? Ang daming damo, ang kati sa paa at binti.
“Miss?”
Napaangat agad ang tingin ko nang may biglang sumulpot sa harapan ko na isang lalaking nakasuot ng..
Kulay puti?
Pinagmasdan ko sya. Pati na ang suot nya.
Kumunot ang noo ko.
Anong trip nito? Uso na ba ang magsuot ng all white ngayon?
“Bakit? Anong kailangan mo?” Tanong ko.
Ngumiti sya.
Wierd.
“What? Aray..” hinampas ko ulit ng kamao ko ang dibdib ko dahil lalo atang sumikip ang pakiramdam ko.
“Are you okay?” Rinig kong sabi nung lalaking nasa harapan ko.
Tiningnan ko sya.
“Tanga ka ba?! Malamang hindi!” Singhal ko sa kanya.
He smiled at me widely.
What the hell?
“Do you want me to ease your pain?”
What?
Nagdikit na ata ang kilay ko dahil sa mga pinagsasabi nya.
“Paano yun? Magic ganon?” Sarkastikong sabi ko kahit na nahihirapan na ako sa sobrang sikip ng dibdib ko.
“Pwede.” Tumango-tango pa sya habang nakatingin sakin.
Siraulo ba ‘to?
Napailing na lang ako at sinimulan ulit na hampasin ang dibdib...


ko. Kadalasan nang nangyayari ‘to, kaya maya-maya siguro mawawala na yung sakit.
Sabi ko naman kasi kay Dad na ayaw kong umuwi ng probinsya eh, kaso mapilit. Maganda daw kasi dito, sariwa ang hangin at maganda para sa bakasyon.
I don’t want this! I don’t like vacation! Bakit kailangan ko pa nun? Kitang mawawala na rin naman ako sa mundo dahil may taning na ang buhay ko.
“Don’t say that.”
Tumingala ulit ako sa lalaking nasa harapan ko ulit. Kinunutan ko sya ng noo.
“Huh? Pinagsasabi mo?” Naiiritang tanong ko.
“Don’t say that you’ll die soon, siguradong masasaktan ang Dad mo pag nalaman nyang nag-iisip ka ng ganyan.”
Anong?!
Ano daw?
“Paanong?!”
I stared at him wierdly, he just smiled at me. Okay, medyo creepy na sya ah.
“Sino ka ba?! Bakit mo ‘ko kinakausap?! Tsaka anong trip mo?! Bakit ka nakasuot ng puro puti? Anong meron?!”
He chuckled, he’s trying not to laugh.
“Do you want to know?”
Sumimangot ako sa kanya.
“Malamang hindi, asa ka.” Inalis ko ang tingin sa kanya at tumingin sa malayo.
Anong akala nya, interesado ako? Tsk. Umismid ako at humalukipkip habang nakatingin sa kawalan.
Teka bakit..
Hinawakan ko ang dibdib ko.
Wala nang sakit. Teka paano?
What?!
“Goodluck Leiry, see you again.”
Tumingala ako at nagtaka ako lalo nang wala na akong makitang lalaking nakasuot ng puti. Lumingon ako sa paligid, halos maikot ko na sa buong paligid ang tingin ko pero wala akong makita ni kahit anino nung lalaki.
“Nanggagago ka ba?! Nasaan ka na huy!”
Teka….
Bakit nya alam pangalan ko?! Sinabi ko ba sa kanya?…
Pero walang sumagot, tanging hangin lang na malakas ang sumagot sakin kaya napunta lahat ng buhok ko sa mukha ko.
Ugh.
“Sino kaya yun?” Napakamot ako sa ulo ko at tumayo na ako tsaka pinagpagan ang sarili.
Wierd.

Thank you for reading!<3






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top