Ikaw lang ang nasa puso ko
.
Chapter 5
.
Sakay nila ang motorsiklo ni Ariel..
.
Ariel : kapit ka sakin baka mahulog ka.
.
Nahihiya man si Mary Ann ay kumapit siya sa balikat ni Ariel, at hanggang sa nakarating na sila sa may mga mababato, natakot si Mary Ann dahil medyo pagewang- gewang ang motor na sinasakyan nila dahil sa mga bato.
.
Ariel : kumapit kang mabuti sakin.
.
Kaya naman napayakap na sa bewang ni Ariel si Mary Ann, natutuwa naman ang puso ni Ariel dahil nga sa ginawa ni Mary Ann na pagyakap sa kanya, nakaramdam ng kilig ang binata, at hanggang sa nakarating na nga sila sa may ilog, sa kanilang paboritong tambayan..laking pasalamat naman ni Mary Ann dahil nakarating na sila, at agad na bumaba si Mary Ann sa Motor, nagulat pa si Mary Ann ng makita niyang maraming dalang pagkain si Ariel na nakalagay na sa loob ng kubo, inuna na kasing idinala ni Ariel doon at saka niya pinuntahan si Mary Ann.
.
Mary Ann : grabe ang dami mo namang dinalang pagkain, eh dadalawa lang naman tayo.nagdala pa naman ako ng paborito natin, akala ko lunch lang dadalhin mo, pati pala meryenda nagdala ka na!
Ariel : okay lang yan, at saka ano ba yang dala mo?
Mary Ann : turon.
Ariel : wow ang sarap naman yan! Kainin na natin yan ngayon!
.
Nagluto si Mary Ann ng turon, dahil alam niya na paborito iyon ni Ariel, kumuha si Ariel ng isang turon, mabilis lang niyang maubos ang isang piraso, kaya kumuha pa siya ng isa hanggang sa naubos na naman niya, si Mary Ann naman ay nasisiyahan siyang makita si Ariel na gustong gusto yong ginawa niyang turon.
.
Ariel : kasarap ng turon, mabuti na lang at naisipan mong gumawa ng nito, nabusog tuloy ako.
Mary Ann : ayan nabusog ka na, kadami mo pang kakainin.
Ariel : eh madaming pinadala si mama, siya yong nagluto ng ulam at saka nag-bake siya ng cake, sinabi ko kasi na mamamasyal tayo dito, kaya ayan pinagluto naman tayo.
Mary Ann : kabait naman ni Doña Elena, wala pa din siyang pinagbago.
Ariel : oo naman, syempre mababait ang mga magulang ko, at mas lalo naman ako..(nakangiting sabi)
Mary Ann : totoo ba?(nakangiti niyang sabi)
Ariel : oo naman! Alam mo na-mis kita!
.
Hindi naman nakakibo si Mary Ann, ngiti lang ang tugon niya sa sinabi ni Ariel.
.
Ariel : Alam mo masaya ako ngayon dahil kasama uli kita dito sa paborito kong lugar na ito, kapag nalulungkot ako sa Amerika iniisip ko lang na nandito ako sa ilog na ito, na nakikipaglaro sayo.
.
Naligayahan ang puso ni Mary Ann sa mga sinabi ni Ariel, sa isip ni Mary Ann, na kung alam lang sana ni Ariel na kung gaano din siya nalungkot ng nagkahiwalay sila.
.
Ariel : alam mo na may pagkakataon na talagang gustong gusto ko ng umuwi dito noon, kaso hindi pwede dahil, may banta sa buhay namin ng pamilya ko.
Mary Ann : H-ha banta?
Ariel : oo..nanganib ang buhay namin ng pamilya ko.dahil sa pagkamatay ng lolo ko.
.
At ikinuwento ni Ariel ang lahat kay Mary Ann, naawa naman si Mary Ann kay Ariel na kaya pala napilitang umalis ng bansa ay dahil sa nagkaroon ng banta sa kanilang buhay.
.
Mary Ann : mabuti at nalutas naman na yong problema ninyo sa lolo mo.
Ariel : oo, talagang nagpursige akong makuha ang hustisya para sa pagkamatay ng lolo ko, at ngayon nga ay nandito na uli ako,ay wala ng dahilan para malungkot pa ako. Lalo na kasama na kita.
.
Hindi nanaman maikubli ang mga ngiti sa labi ni Mary Ann ng marinig nanaman niya ang sinabi ni Ariel.
.
Ariel : sandali lang ha, magpapabaga lang ako ng uling at mag-iihaw tayo ng barbeque.
Mary Ann : baka naman tumaba tayo niyan, napakadami mong pagkain na dinala, dapat sinama mo si Alexander.
Ariel : hindi siya pwedeng sumama kasi may lakad sila ni Carmela.
Mary Ann : H-ha. C-carmela?
Ariel : oo si Carmela yong bestfriend mo.
Mary Ann : ganun ba!!
.
Sa isip ni Mary Ann ay mukhang nagkaka-igihan si carmela at Alexander.at hindi nagtagal ay natapos nang magpa-baga ng uling si Ariel.
.
Ariel : paki-kuha mo yong iihawin natin, nasa may cooler.
Mary Ann : ang dami naman nito?
Ariel : konti lang yan, mauubos natin ito kasi matakaw naman ako eh..(nakatawa niyang sabi)
.
At magkatulong silang dalawa na nagiihaw, habang nag-iihaw ay nagkukwentuhan sila ng mga kung ano anong bagay lang na nangyari sa kani-kanilang buhay, at hanggang sa nakapag-ihaw na sila, ipinasok nila sa may kubo ang mga inihaw nila.
.
Ariel : mag-lunch na ba tayo?
Mary Ann : mamaya na lang kaya, parang busog pa ako eh.
Ariel ; sabi ni Mama kailangan daw maubos natin itong mga pagkain..
Mary Ann : ganun!! Hindi ba parang bibitayin na tayo niyan!!(nakatawa niyang sabi)
Ariel : mamaya na tayo kumain, laro muna tayo ng scrabble..(at inilabas sa bag ang scrabble na pinaglalaruan nila noong bata sila)
Mary Ann : buo pa pala yan!
Ariel : oo naman, isininop ko ng husto ito.bago ako umalis kaya hindi naiwaglit,alam nila na laruan ko ito noon, kaya mga pinagsisinop nila.
.
seryoso ang paglalaro nila dahil pataasan ng score, yong matatalo daw ay papahiran ng icing ng cake.at habang naglalaro sila ay, kinakain na nila ang ang mga inihaw na barbeque at hotdog, at hanggang sa malapit na silang matapos maglaro, malapit na din nilang maubos ang mga inihaw nila at ayun na nga natapos na ang laro nila, at natalo si Ariel.
.
Ariel : ay natalo ako, mahirap talagang kalabanin ang isang Magna Cum Laude.
Mary Ann : hindi naman, tyamba ko lang yun, eh di paano ready ka ng mapahidan ng icing?(nakatawa niyang sabi)
Ariel ; sige na nga, pero konti lang ha. Kasi baka mawalan na ng icing ang cake natin eh.
Mary Ann : sige.
.
Kumuha ng icing si Mart ann at akmang ipapahid sa mukha ni Ariel.
.
Ariel : oh madami na yan, sabi ko konti lang.
Mary Ann : hindi yan madami!
.
puno ang palad ni Mary Ann ng icing, at animoy polbo ang icing na ipinahid sa mukha ni Ariel, tuwang tuwa naman si Mary Ann sa ginagawa niya kay Ariel dahil si Ariel ay sigaw ng sigaw habang pinapahidan ng icing.
.
Mary Ann : ayan, ang ganda!!
.
Halos hindi na makita ang mukha ni Ariel mata lang niya ang nakalitaw at ang butas ng ilong niya,puro may icing na ito, tawa ng tawa si Mary Ann sa ginawa niya kay Ariel, at hanggang sa nahinto ang pagtawa niya ng kabigin siya ni Ariel at yakapin, at idinikit niya ang mukha niya sa mukha ni Mary Ann, ipinahid niya ang kanyang mukha sa mukha ni Mary Ann, hindi naman makapalag si Mary Ann dahil sa mahigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Ariel, hindi malaman ni Mary Ann ang gagawin dahil ramdam niya ang mga labi ni Ariel na dumadampi sa mukha niya. At ng nakabawi sa pagkabigla si Mary Ann ay kunwari ay balewala lang sa kanya yong ginawa ni Ariel hindi siya nagpahalata na nataranta siya, hinawakan niya sa tagiliran ang binata at kiniliti niya ito, at nabitawan nga siya ni Ariel..nahampas niya sa braso si Ariel.
.
Mary Ann : kadaya mo naman eh, pati ako pinahidan mo.
Ariel : okay lang yan, para parehas tayo.
Mary Ann : anong parehas mas madami yong nasa mukha ko, sa mukha mo wala na. kumuha pa si Mary Ann ng icing at ipinahid pa sa mukha ni Ariel..at ganun din naman si Ariel kumuha din siya, at papahidan sila, nagtatakbo naman si Mary Ann sa may ilog at tumalbog siya.
.
Mary Ann : tama na maglalagkit tayo niyan eh, maligo na lang tayo.
Ariel : sige mabuti pa nga.
.
tinanggal ni Ariel ang pang-itaas niya at lumitaw ang matipunong katawan nito, natulala si Mary Ann sa nakikita niyang kakisigan ni Ariel, at isinunod ni Ariel ang pang ibaba, napalunok si Mary Ann, at nataranta.
.
.
Mary Ann : Huy bakit ka maghuhubo?(sigaw niya)
Ariel : uy hindi ah, may doble akong short.
Mary Ann : ah okay!
.
At lumusong na si Ariel sa tubig.
.
Ariel : doon tayo sa medyo malalim karera tayo.
Mary Ann : hindi na ako magaling lumangoy, madalang na kasi akong mag-swimming..parang natatakot na ako sa malalim.
Ariel : andito naman ako, hindi kita pababayaan.
.
Pumayag naman si Mary Ann, nagpunta sila sa malalim, hindi nga siya pinabayaan ni Ariel, bagkus nasanay na din siya sa malalim hindi na siya natatakot, panatag siya dahil naroon lang si Ariel sa tabi niya, lumalangoy langoy na din siya at hindi siya hinihiwalayan ni Ariel, at nang mapagod siyang maglangoy ay sumampa siya sa may malaking bato. At naiwan si Ariel sa tubig na lumalangoy at hanggang sa umahon din sa malaking bato si Ariel, pero nag-dive din itong muli, pinagmamasdan lang ni Mary Ann ang pag dive ni Arile at hanggang sa nag-alala si Mary Ann dahil katagal naman sa pagkakasisid si Ariel, natakot si Mary Ann dahil hindi pa lumilitaw sa pagkakasisid ang binata!
.
Mary Ann : Ariel!!!!
.
Natakot si Mary Ann dahil katagal naman lumitaw ni Ariel, kaya sa takot niya, lakas loob siyang nagdive sa tubig at baka kung napano na si Ariel..at pagdive niya ay hindi na din naman siya naka-ahon dahil pinupulikat ang paa niya, at dahil binalot na ng takot ang pagkatao niya ay nawalan siya ng lakas, at kasabay ng pagsakit ng mga binti niya, naramdaman nalang ni Mary ann na may humawak sa katawan niya, at nararamdaman niyang nai-aangat na siya sa tubig, at ng maiahon na siya sa tubig ay nagmulat siya ng mga mata, at nakita niya si Ariel, sa sobrang takot niya ay napayakap siya kay Ariel at umiiyak na siya., gumanti naman ng yakap si Ariel kay Mary Ann.
.
Ariel : sshh…wag ka ng umiyak, okay na ligtas kana!!
.
Pero patuloy pa din sa pag-iyak si Mary Ann, dahil natakot siya para sa sarili niya, akala niya katapusan na niya iyon.akala niya na may masamang nangyari kay Ariel at katagal naman na hindi lumitaw ang binata..nanatili lang siyang nakayakap kay Ariel at ganun din si Ariel sa kanya. Hinihimas ang likod niya upang aluin ito sa pag-iyak, at ng medyo nahimasmasan, ay kumalas na si Mary Ann sa pagkakayakap kay Ariel.
.
Mary Ann : ano ba kasing nangyari sayo?
Ariel : Ha!! Wala naman nangyari sakin ah, ikaw ano ba kasi yong ginawa mo at nalunod ka?
Mary Ann : paano naman kasi natakot ako, kasi naman nong Nag-dive ka hindi ka na lumitaw, akala ko kung ano na ang nagyari sayo..natakot ako!!
Ariel : natakot ka para sakin??
Mary Ann ; oo naman ano!! Kaya nga nag-dive din ako para tingnan ka sana kung ano na nangyayari sayo, nagkataon namang pinulikat yong binti ko..(umiiyak niyang sabi)
.
Niyakap muli ni Ariel si Mary Ann dahil naligayahan ang puso ni Ariel ng maramdaman niya ang pag-aalala ng dalaga sa kanya.
.
Ariel : im sorry, kung tinakot kita, hindi ko alam na mag-aalala ka ng sobra sakin, tuloy ikaw na yong muntik na mapahamak, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayaring masama sayo.(hinigpitan niya ang yakap niya sa dalaga)
.
At hanggang sa nagpasya na lang ang dalawa na bumalik ng kubo, at dahil sa sobrang takot ni Mary Ann ay hindi pa naalis ang panginginig ng katawan niya, kaya laking gulat ni Mary Ann ng buhatin siya ni Ariel, bumilis nanaman ang tibok ng puso ni Mary Ann, lalo na at nakadikit si Mary Ann sa hubad na katawan ni Ariel, bukod tanging short lang na maikli ang suot ng binata, malaking tao si Ariel at may magagandang pangangatawan, kaya hindi naman siya nahirapan man lang sa pagbubuhat kay Mary Ann haggang sa makarating sa kubo..at nang makarating na nga sila sa may kubo ay maingat na ibinaba ni Ariel si Mary Ann.
.
Mary Ann : salamat Ariel!
Ariel : wala yun, sige lalabas muna ako magbihis ka na at ng makakain na tayo, ala una na pala ng hapon.
.
dali daling nagbihis si Mary Ann, at nang makapag-bihis ay ibinukas na niya ang pinto.
.
Ariel ; nakabihis ka na?
Mary Ann : oo.
.
At pumasok si Ariel sa loob..inayos na ni Ariel ang mga pagkain.
.
Ariel : kumain na tayo. Idaan na lang natin sa kain yong takot natin kanina, at huwag mo nang iisipin yong mga nangyari sayo kanina, ang isipin mo ay ligtas ka at walang nangyaring masama sa iyo.
.
ipinaglagay ni Ariel ng pagkain sa plato ni Mary Ann.
.
Mary Ann : uy kadami mo namang nilagay na pagkain sa plato ko, baka hindi ko mauubos yan.
Ariel : ayos lang yan. Sigurado akong mauubos mo yan, kasi kapag natikman mo ang luto ni mama ay uulit-ulitin mong titikman..dahil masarap magluto si Mama.
.
At nag-umpisa na silang kumain, totoo nga ang sinabi ni Ariel na masarap magluto ang mama ni Ariel, at ng maubos ni Mary Ann ang pagkain sa plato niya na inilagay ni Ariel ay umulit pa siya, maganang maganang kumain si Mary Ann. at ganun din si Ariel, nalimutan na ni Mary Ann ang masamang panyayari sa paliligo nila sa ilog, dahil habang kumakain sila ay hindi sila nauubusan ng kwento..at hanggang sa natapos na silang kumain..
.
Mary Ann : kasalanan mo to Ariel, nabusog ako ng sobra dami mo kasing inilagay sa plato ko.sumakit tuloy yong tiyan ko sa busog.
Ariel : hindi ako ang may kasalanan niyan ah, si Mama, sinarapan niya kasi ang luto niya.
Mary Ann : sige ako na ang magliligpit nitong pinagkainan natin.
Ariel : tulungan na kita, para mabilis.
.
pinagtulungan nga nilang iligpit ang kanilang pinagkainan, nang mailigpit na at naiayos ay lumabas muna sila sa kubo.
.
Mary Ann : nabusog talaga ako ng sobra..
Ariel : ako din nabusog..mamaya meron pa tayong cake na kakain..
Mary Ann : hala, wala na tayong ginawa kundi kumain!!
Ariel : ayos lang yan.
.
Maginhawa na ang pakiramdam ni Mary Ann,.
.
Ariel : naku, kapag nalaman nila Mang Andres at Aling Marissa ang nangyari sayo, baka hindi ka na nila payagang bumalik dito.
Mary Ann : hindi ko naman sasabihin dahil ayokong mag-alala sila, at sana huwag mo din sabihin sa kanila.
Ariel : hindi ko sasabihin dahil baka kapag pinagpaalam kita uli ay baka hindi ka na nila payagan.
Mary Ann : pupunta ba tayo uli...