I’LL NEVER GO CHAPTER 10


🍃Someone’s POV🍃
Magmula ng kinuha ako ng mga magulang ko at pinaghiwalay kami ng babaeng mahal ko ay di na ako nakabalik pa sa kanila.
Kumusta na kaya sila,siguro malalaki na ang anak ko lalo ng ang bunso kong babae.
Kakapanganak lang ng asawa ko ng naiwan ko sila.Siguro ang ganda nya,wala akong ideya kung sino kamukha nya.
Yung panganay ko lang ang nasilayan ko ng matagal.Tatlong taon na sya noon.Pero baka di nya na rin ako kilala sa ngayon.
Napilitan akong sumama sa magulang ko dahil guguluhin daw nila ang pamilya ng babaeng mahal ko.
Mahirap lang ang buhay nila sa probinsya kaya ayaw kung pati sila ay madamay sa kalupit*n ng ama ko.
Hindi ako napilit ng magulang ko na ipakasal sa babaeng gusto nila para sa akin.
Basta daw ang importante ay mailayo nila ako sa asawa ko.Hindi kami kasal pero para sa akin ay mag asawa kami.
Buti na lang at hinayaan nila ako,itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa trabaho.
Balang araw ay makikita ko din ang mag iina ko.
Dalawa lang kaming magkapatid ni Sophia matagal din kaming nagkawalay dahil nga sa magulang namin.Sa States na kasi sya pinag aral.
Ngayon ay gusto kong isurpresa ang kapatid ko kaya di ko ipinaalam sa kanya na uuwi ako ng Manila.
Dito na kasi ako nakatira sa Davao.Mula ng pumanaw ang aming ina,nagpasya akong iwanan muli ang aming tahanan dahil ayaw kong makasama ang ama ko.Sya ang dahilan kung bakit di ko kasama ang asawa ko ngayon.
Nang makarating ako sa bahay ng kapatid ko ay nagulat pa sya ng makita ako.
“Kuya Zandro bakit di mo sinabi sa akin na uuwi ka pala dito sa Manila?”
“Oh di hindi na surprise yun bunso kung sasabihin ko sayo.”
“Kumusta ka na Kuya? Bakit kasi di ka pa nag aasawa?”
“May asawa na ako bunso,at kaya ako umuwi dito para hanapin ko sila.”
“Di mo talaga sila makalimutan Kuya.Sana nga mahanap mo na sila.”
“Oo di na ako papayag...


na makialam na naman si Papa’ sa buhay ko.”
“Sige Kuya tutulungan kitang mahanap mo sila.Gusto ko din makilala ang mga pamangkin ko.”
“Salamat bunso.”
“Sige Kuya magpahinga ka muna dun sa guestroom,tatawagin na lang kita kapag kakain na.”
Asan na kayo Alicia,sana matanggap mo pa rin ako.Kapag nakita ko na kayo ay hindi ako papayag na hindi tayo maging buong pamilya.
Busy si Sophia sa kusina na maghanda ng mga paborito ng Kuya nya.Masayang masaya sya na makasama ulit ito.
Kahit may mga katulong sya ay gusto nya na sya mismo ang magluto ng mga pagkain.
Dumating na si Xandie sa bahay ng hapong iyon,kukuha sana sya ng maiinom ng makita nya ang Tita nya busy sa pagluluto.
“May maitutulong po ba ako Tita?”
“Iha andyan ka na pala,sige hugasan mo na lang itong mga gulay na pangsahog.”
“Bakit ikaw po ang nagluluto ngayon at asan sila Manang?”
“May inutos ako sa kanila sa grocery,para sa iba ko pang lulutuin.”
“Bakit po napakadami ng niluluto mo,anong okasyon?”
“Wala iha,dumating kasi ang Kuya ko.Matagal kaming hindi nagkita kaya excited ako na ipaghanda sya ng paborito nya.”
“Ang sweet mo talaga Tita.Namiss ko din tuloy ang Kuya ko.Kahit mapangas*r yun ay mahal ko yun.”
“Yaan mo na sa bakasyon ay pupunta tyo ng probinsya,para madalaw mo din ang Nanay mo.”
“Talaga Tita,thank you po talaga.Balak ko din sana yun kaso baka di nya na ko pabalikin dito.”
“Bakit daw? Di ba sinabi mo naman sa kanya na magtatapos ka na next year.”
“Nang malaman nya kasi na me boyfriend na ako ay ayaw nya.Lalo na at mayaman daw ito.”
“Sus,hayaan mo na ako ang magpapaliwanag sa kanya.”
Natigil ang pag uusap nila ng me dumating na lalaki,di pa naman ito halatang maedad dahil sa makisig na pangangatawan nito.
Di makapagsalita si Xandie dahil ng matitigan nya ang lalaki ay kamukha ito ng Kuya Alex nya.
Ganoon din ang lalaki,di makapaniwala na nakikita nya ang mukha ng asawang si Alicia sa dalaga. 😀






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top