Nang matapos ang pasukan ay nagpasya agad kami nina Tatay na umuwi ng Probinsya.Kasama namin si Tita Pia.
Pagdating sa bahay ay ako muna ang bumaba at nagpaiwan ang magkapatid sa sasakyan.Tuwang tuwa si Nanay ng makita ako.
“Naku! Anak ko ang ganda mo na.Salamat naman at umuwi ka miss na kita.”
“Ako din po Nay miss ko na kayo nina Kuya.Lalo na ang pamangkin ko.”
“Teka lang anak kanino ba yang sasakyan? Wag mo sabihing isinama mo dito ang nobyo mo?”
“Hindi po Nay kasama ko po si Tita Pia.”
“Ay kasama mo pala sya.Buti naman at ng makapagpasalamat ako ng personal.”
“Wag po sana kayong magagalit Nay,me gusto pong kumausap sayo.Teka lang po at papapasukin ko. ”
Tinawag nya ang Tatay nya at sinamahan nya ito sa loob ng bahay.
Nagulat ang Nanay nya at napahagulgol ito ng iyak.
“Patawarin mo ako Alicia.Sana bigyan mo ako ng pagkakataon na magkasama tayong muli.”
At kinuwento ni Tatay ang nangyari sa kanya kung bakit di nya kami nabalikan agad.
Pero di pa rin natinag ang kalooban ng Nanay ko.Hindi ko sya masisi dahil sa mapait nyang naranasan ng umalis ang Tatay.
Halos ilang araw din syang sinuyo ni Tatay bago napalambot ang kanyang puso.Salamat naman at naayos na din ang pamilya ko.
Akala ko kay Kuya ay mahihirapan din kami sa pagsuyo sa kanya pero kagaya ko ay mabilis din nyang napatawad si Tatay.
Mula pagkabata kasi ay walang nabanggit samin ang aming ina tungkol sa kanya.Wala din syang sinabing masama sa aming ama kaya walang dahilan para magtanim kami ng gal*t.
Masaya na ang pamilya ko kaya ng sabihin ni Tatay na sa Manila na kami manirahan ay pumayag agad sila.
Si Kuya na ang namahala ng isang negosyo ni Tatay.Kahit di sya nakapagtapos ng pag aaral ay me alam sya Hardware dahil matagal syang nagtrabaho sa construction.
Swerte ako sa pamilya ko pero sa usaping puso ay hindi.
Naalala ko na naman si Markus.
Kumusta na kaya sya? Bakit bigla na lang syang di nagpakita sa akin,hindi man lang kami nagkaroon ng closure.
At dahil nga sa...