I’LL NEVER GO CHAPTER 23


Walang kaalam alam ang binata na nagpunta na sya sa bahay ng mga ito.At nakapag usap na din sila ng ina nito.
Isang araw ay dinalaw sya sa kanilang botique ng ginang.
Madami din itong napiling damit,na ikinatuwa naman nila ni Cassy.
Pagkapamili ay nagpaalam na ang ginang at inimbitahan syang magdinner sa bahay.
“Sa wakas ay magkasundo na kayo ng mother in law mo to be.”
“Kaw talaga,mabait naman sya eh.”
“Alam na ba ito ni Markus?”
“Di ko pa nasasabi.Magugulat na lang iyon dahil pupunta ako sa kanila mamaya.”
Nagpaalam ang binata na hindi sya masusundo nito pag uwi dahil me dinaluhan itong confference,kaya gagabihin na itong makakauwi.Alas sais pa lang kasi ay nagsasara na sila ng botique.
Pabor naman sa kanya para masurprise nya ang binata.
Pag kauwi ni Xandie ay nagredi na sya.May time pa syang maligo ulit at makapag ayos dahil 8pm daw sila magdi dinner.
Pagkapaalam sa magulang ay mabilis na syang umalis .
Pagkadating sa bahay nina Markus ay ready na ang lahat.Andun din ang Tita ng binata na nagpalaki dito.
“Ay ikaw pala si Xandie,aba’y kaganda mo palang bata.”
“Salamat po Tita.”
“Andyan na po ba sya?”
“Oo iha,andun sa room nya magpapalit lang daw ng damit.Puntahan mo kaya para makapagdinner na tayo.Maya maya lang ay andito na rin ang Papa nya.”
“Wag na po,antayin ko na lang po sya dito.”
“Pero mas masusurprise yun kapag pinuntahan mo.Tara hatid kita sa taas.”
“Tagalan mo dun ha,makakapag antay pa naman ang dinner natin.Tutal inaantay ko pa ang Papa nya.”
Pinamulahan naman sya ng mukha dahil dun sa sinabi ng mama ng binata na pwede syang magtagal...


sa room nito.
Pagkadating sa taas ay kumatok sila pero walang sumasagot kaya pumasok na lang sila sa loob.Walang tao dun,pero naririnig nila ang lagaslas ng shower sa bathroom.
Malamang naligo muna ito.Sinabihan kasi ito na me dinner sila.Pagkalabas ng binata ay nagkagulatan pa sila dahil nakatowel lang ito.
“Wow love,what a surprise? Bakit ka andito? I mean dito pa talaga sa room ko.”
“Sabi ng Tita mo tawagin daw kita para mag dinner.”
“Yun lang ba? Baka may balak ka na pikut*n ako.Payag ako dyan.”
“Puro kalokoh*n.Magbihis ka na nga.”
“Mamaya na,alam ko naman na ngagandahan ka pa sa view.”
“Sige antayin na lang kita sa baba.”
“Wag na antayin mo na lang ako dito.Mabilis lang ako magbihis.”
Sabay talikod nito nito at pumunta na sa dressing room.Malaki ang room ng binata.Napakamasculine ng design dahil sa kulay gray ang pintura.
Infairness ha,napaka organize ng room nito.Di maipagkakaila na masinop din ito.Wala kasi syang makitang kalat.
“Tara na love.”
Nagulat pa sya ng tawagin sya nito,kanina pa pala ito nasa tabi nya.
Magkahawak kamay silang pababa sa hagdanan.Nakita nila ang ngiti sa mga labi ng dalawang ginang.
“Ang sarap nyong pagmasdan na dalawa.Bagay na bagay talaga kayo.” wika ng Mama nya.
“Thank you Ma.”
Sabay baling sa kanya ng nobyo.
“Kaw ha okay na pala kayo ni Mama di ka man lang nagsasabi sa akin.”
“Ayaw mo nun nasurprise ka?”
“Well nasurprise talaga ako.Thank you love napakasaya ko ngayon.”
Ngiti lang ang iginanting sagot sa kanya ng dalaga.Pagkadating ng ama ay diretso na agad ito sa mesa.Natapos ang dinner nila ng masaya silang lahat.Sa wakas ay okay na ang magulang at nobya.☺






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top