POLICE LIEUTENANT TJ DE LEON arrested my HEART Chapter 38


📍TJ POV📍
After kong pumunta sa training center,umuwi ako saglit sa apartment namiss ko agad ang baby ko.
Naabutan ko siya na nakatulog pa rin kaya humiga ako na nakausob ang mukha ko sa dibdib niya.
“TJ ano ba?naiinitan ako,umalis ka nga!!” pagrereklamo niya.
“Naiinitan ka lang dahil naglapat katawan natin?hmmm,baka gusto mo—,..”
“Stop it,hindi ako makahinga TJ..”
Hindi pa rin ako tuminag patuloy pa ring nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.
“Hmm,kaya pala paborito ‘to ng pamangkin mo na humiga dito dahil ang bango pala..ang bango ng masungit kong baby..” pang-aasar ko sa kanya.
“Tigilan mo nga ako TJ,”
“Sa ngayon ako muna ang baby mo ha,wala pa kasi tayong baby..” paglalambing ko sa kanya
“Baka inspired ka lang siguro dahil nakita mo ang ex mo?”
“Oo inspired na inspired dahil nandito ka..cute mo talaga kapag nagseselos baby..”
“Sh*t up!”
“Sasama ka mamaya sa training center by,pero huwag kang gumala dun ha..”
“Ok.”
📍Rhian POV📍
Excited ako sa pagsama ko kay TJ sa training center kaya nagmadali agad akong nagbihis siyempre iyong sexy at comfortable na outfit,kahiya naman kung magmukha akong yaya ni TJ dun.
“By,diyan kami madalas na nagjogging at nagpapahangin...


oh..” turo niya nang inilibot niya ako sa ground ng training center pero hindi ko siya sinagot.Parang tour guide ko siya,ang dami niyang sinabi.
“Bakit parang takot ka by?”
“Ha?hindi ah,kinakabahan lang ako..huwag kang assuming diyan”
“You don’t need to worry,I’m here with you”
Nakahawak siya sa beywang ko at pumunta kami sa building,nandun din ang mga trainers na mga police.
“Kaya pala umuwi Sir,kinuha pala..”
“Hindi matiis Sir ha,”
“Iba talaga kapag mahal Sir.”
Marami pang mga kantiyaw ng mga kasamahan niya at hindi niya ako binitiwan.
“Bakit familiar sila sa akin,TJ?” naguguluhan kong tanong sa kanya,bigla siyang tumawa.
“Bakit ka tumawa?did I say funny?” I seriously asked.
“Naalala mo pa ba noong gabing una tayong nagkatagpo?kasama ko sila”
“Hindi ko matandaan,saan ba iyon?”
“Hindi mo talaga natandaan,mamaya ipaalala ko sa iyo..”nakangiti niyang sabi pero hindi ko talaga maalala,sa sobrang dami ng memories namin.
Iniwan niya muna ako saglit dun sa babae ding pulis dahil may combat lectures pa daw siya na gagawin.Bawal din naman ako na pumasok sa loob dahil civilian ako.Hindi naman ako nainip na maghintay dahil hindi naman boring ang kausap ko na isa sa mga kasamahan niyang Police.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top