I’LL NEVER GO CHAPTER 24


Mula ng maging kaclose nya ang ginang ay lagi na silang nagbo bonding nito.
Sinasadya pa sya nito sa botique para ayain sya lumabas,kapag maluwag ang schedule nya ay nagpupunta sila ng mall para mamasyal.
Nagyaya ang ginang na kumain muna sila.Kaya napunta sila sa restaurant na malapit lang doon.
Pagpasok sa resto ay iginala nya ang paningin sa paligid.
Nagulat pa sya ng makita nya ang babae na kasama noon ni Markus sa bar.
Sinundan nya ito kaso napatda sya sa kanyang nakita na si Markus ang kasama nito.Hindi nya alam ang gagawin.Kaya niyaya na lang ang ginang na lumipat ng ibang kainan.
“Tita lipat na lang tayo sa ibang resto.”
“Bakit iha ayaw mo ba dito?
“Opo nakakain na ako dito.Try naman natin sa iba parang mas masarap ata dun sa kabila.”
Akmang tatalikod na ang ginang ng mahagip nya ng tingin ang anak.Hindi sya maaaring magkamali,kahit nakatalikod ang anak ay kilalang kilala nya ito.
Tiningnan nya muna ang mukha ni Xandie,bago tumango at umalis.
“Tara na iha,baka kameeting lang ng anak ko yun.”
Hindi sya umimik sa ginang sa halip ay nag aya na lang syang umuwi.
Nawalan na syang ganang kumain.
Diretso na sya ng bahay,dahil nawalan na rin sya ng ganang magtrabaho ng araw na yun.
Samantalang si Markus ay kausap pa rin ang kaklase nya nung high school.
Sinabihan sya nito na importante daw ang pag uusapan nila.
Kaya nakipag set sya ng lunch meeting dito.Ayaw nya sana kaso sinabi ng babae sa kanya na buntis ito at sya ang ama.
Hindi sya naniniwala na me nangyari sa kanila ng gabing kasama nya ito.
Ang alam nya ay si Xandie ang isinama nya ng gabing iyon pauwi ng condo.Kaya nagtaka sya...


na bina blackma*l sya ni Claire.
“Gusto mo ba ng proof sige bibigyan kita.”
At pinakita nga nito ang selpon na me picture nila na magkasama sa kwarto.
“Claire bakit mo ba ginagawa to?”
“Kasi nga buntis ako.”
“Me girlfriend na ako at mahal ko sya.Kaya tigilan mo ako sa kalokoh*n mo.”
“Kalokoh*n pala ha,sige ang girlfriend mo na lang ang kakausapin ko.”
“Wag kang gagawa ng kwento.Oras na mapatunayan ko na nagsisinungali*g ka ay humanda ka sa akin.”
“Hindi ako nagbibiro Mark,kailangan mo kong panagutan.Pag malaman ito ng parents ko ay lagot ako.”
“Problema mo yan.Hindi ako naniniwala sayo.”
“Mark maawa ka sa akin.Ikaw talaga ang ama ng pinagbubunt*s ko.”
Iniwan nya na si Claire at dumiretso sya sa bar.Kailangan nya ng alak sa ngayon.Mabuti na lang at hindi busy si Anton kaya dinamayan sya nito sa problema.
Naikwento nya sa kaibigan ang sinabi ni Claire at kagaya nya ay di rin ito naniwala at pinangako nito na tutulungan sya sa pagiimbistiga sa babae.
Hindi pwedeng malaman ni Xandie ito,ngayon pa na okay na sila.
Tinawagan nya ito pero di sinasagot ang tawag nya.
Nag alala sya kaya pupunta na lang sya sa bahay nito.
Pagdating doon ay wala ang dalaga.Andun daw sa tita nito.Kaya nagpasya syang umuwi na lang sa kanila.
Nadatnan nya ang ina na tila inaantay sya.
“Ma bakit di ka pa natutulog?”
“Inantay talaga kita anak dahil nakita ka namin na me kasamang babae,sino ba yun anak?”
“Namin? Sinong kasama mo Ma?”
“Si Xandie anak.Nagbonding kami kanina.Kaso nag aya sya kaagad pauwi ng makita kyo.Sino ba yun anak?”
Hindi nya na sinagot ang tanong ng ina.Natakot sya baka hiwalayan sya ng nobya oras na malaman nito ang binibintang sa kanya ni Claire.😔






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top