I’LL NEVER GO CHAPTER 25


Mula ng makita nila ang binata kahapon ay di pa din ito tumatawag sa kanya o magpakita man lang.
“Sya na nga itong may kasalanan sa akin sya pa itong me ganang mang deadma.” aniya sa sarili.
Natakot sya na baka bigla na namang di magpakita sa kanya ang nobyo kaya naisipan nyang dalawin ito sa opisina.
Pagkapasok sa kumpanya nina Markus ay nakita nyang bukas ang pinto ng opisina nito.Akma syang papasok ng makita nya andun na naman ang babae.
Tatalikod na sana sya ng marinig nya ang sinabi nito kay Markus.
Ipinipilit ng babae na panagutan sya ng binata.
Halos hindi sya makahinga sa narinig nya.Pero naglakas loob pa din syang pumasok sa loob.
“Totoo ba ang narinig ko? Totoo ba?”
Natigilan si Markus at halos di ito makapagsalita.
“Love magpapaliwanag ako.”
“Paliwanag para ano pa? Para bilugin mo na naman ang ulo ko? Tama na,ang sakit sakit na eh.”
Sabay alis at tumakbo na ito palabas ng gusali.
Habang nagda drive ay panay ang agos ng kanyang mga luha.
Sakto naman na tumawag ang Mama ng binata at gusto sya makausap.Kaya di na sya nag aksaya ng oras at nakipagkita dito.
“Tita may nasabi na ba sayo ni Mark tungkol sa babae na yun?”
“Hindi ko pa sya nakakausap iha,nakainom sya kagabi kaya di ko na natanong.”
Sinabi nya sa ginang kung ano ang narinig nya sa pag uusap na babae at ng nobyo.
“Naniniwala ka ba na magagawa ng anak ko yun iha?”
“Ayaw ko sanang maniwala pero bakit kinukulit nya si Markus Tita?”
“Magtiwala ka lang sa anak ko,alam kung di nya magagawa yan sayo.Mahal na mahal ka ng anak ko.”
“Opo Tita,kelangan nating malaman ang totoo.Wala akong tiwala sa babae na yun.”
“Sige iha,tutulungan kita papaimbistigahan ko ang babae na yun.”
“Salamat po Tita.”
“Salamat din iha,basta wag mong hihiwalayan...


ang anak ko.Ikaw ang mahal nya,kaya kung sino ang mahal ng anak ko ay mahal ko na din.”
Sumama na sya pauwi sa ginang para kausapin nila si Markus.Pero gabing gabi na ay wala pa rin ito.
Lahat ng kaibigan na napagtanungan ay di alam kung nasaan ang binata.Kaya nagpasya syang hayaan na muna ito na makapag isip.
Hindi umuwi si Markus sa bahay nila.Dun sya sa condo nya.
Alam nya na galit sa kanya ang nobya kaya wala na syang mukhang maihaharap dito.
Kailangan nya muna malaman ang totoo bago sya magpakita dito.
Kaso kapag ginawa nya iyon ay mauulit na naman ang nangyari dati.Hindi nya na hahayaan na mawala muli ang nobya sa kanya.
Bukas na bukas din ay pupuntahan nya ang dalaga.Sabay nilang haharapin kung ano man ang problema.Wala syang maalala na nakasama nya nga ang babae dahil minsan lang sila nagkita.
Halos wala syang tulog kaya haggard ang itsura nya.Buti na lang at weekend kaya wala syang pasok sa opisina.Pinuntahan nya sa bahay ang dalaga.Eksakto naman na paalis ito papuntang botique.Wala si Cassy kaya kailangan nyang pumasok.
Kahit galit sya sa nobyo ay awang awa sya sa itsura nito.Kaya kahit ayaw nya ay napilitan syang sumama dito para ihatid sya.
“Love patawarin mo ko,di ko alam kung totoo ba ang sinasabi ni Claire.”
“Bakit hihingi ka ng tawad kung wala ka namang kasalanan.”
“Kahit na,alam kung nagalit ka sa akin kahapon sa narinig mo,pero alam ko sa sarili ko na walang nangyari sa amin.”
“Kaya nga kailangan nating alamin kung ano ang motibo sayo ng babaing yun.”
“Salamat Love at di kana galit sa akin.”
“Kawawa kasi ang itsura mo,para kang pinagsakluban ng lupa.”
Nagawa nya pang biruin ang nobyo.Mahal nya ito kaya ayaw nyang magpadalos dalos ng desisyon.Hindi nya ito iiwan kahit ano pa ang mangyari.Dahil malaki ang tiwala nya sa nobyo.😉






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top