A Second chances


July 2021 nakilala ko siya through online, nagsimula ang lahat sa isang tanung na “kumusta?” , ako’y may pinagdadaanan sa araw na iyun, karma nga naman dahil sa pagiging bitter ko sa pag-ibig at takot na maiwan ay ako ang nang-iiwan, seryuso ako sa seryuso pero once na sinaktan ako eh iniiwan ko kaagad, alam mo ‘yung hint na alam mo na ang mangyayare, ganun!
2 years ago nasaktan ako ng sobra dahil sa ex ko, nagbreak Kami dahil lang sa oras at paglalaro, I didn’t realize na mababaw lang reason ko para iwan siya but then wala, ang taas Kasi ng pride ko, ayuko sa lahat ang ako ‘yung naghahabol Kaya hinayaan ko siya, then ngayon I saw him with his new girlfriend, masaya ako para sa kanila, I even congratulate him at sinambit ang katagang “Nawa’y magtagal kayo” – Ito ha baka isipin niyo may hinanakit pa ako or nanghihinayang, haha wala ah!
so then Ito na nga back to present time, itago nalang natin siya sa pangalang “Miles” yes gwapo siya wala namang panget diba? bago ko siya replyan inistalk ko muna siya, siguro naman karamihan sainyo gawain rin Ito, stalk muna bago reply hahaha – grabi sis may girlfriend siya, so ayun umatras ako, nangako Kasi ako sa sarili ko na kahit kailan ‘di ko magagawang manira ng relasyon, inignore ko siya– shalla ako pa may ganang mang-ignore diba? haha wala eh nagmamaganda!
After a week bigla ulit siyang nagparamdam – naks! ganda mo talaga self! so ayun nagreply naman agad ako hindi ko alam Kung anong mahika ang ginamit niya at ang mga kamay ko’y mabilis na tinype ang “hello”, nagsimula na Kaming mag-usap kinomfort niya ako Kasi nagfefeeling broken ako pero broken talaga ako eh! pinagpalit Kasi ako sa ex, karma na talaga ‘to haysst so ayun sabi niya “deserve ko ang lalaking mamahalin ako ng totoo” kinilig naman ako dun, at nagsimula na ngang sambitin niya ang mga mabubulaklak na salitang nais marinig ng mga kababaihan, nagsimula na rin siyang magkwento, nag video call Kami mula 9pm hanggang 5am ng umaga, grabing pagpupuyat ‘to ha! wala eh! he made me smile, he made me beautiful, at sa mga oras iyun naramdaman Kong mahalaga pala ako! at lagi Kong isiping may isang taong magpapahalaga saakin Kung gaano ko kadeserve ang mahalin ng totoo, iba talaga ang tadhana, hindi mo nalang mamamalayang ang taong para sa’yo ay darating sa mga panahong hindi mo inaasahan.
Naging mabilis ang lahat fast forward kumbaga! after nun! nanligaw siya, pinaramdam niyang Kaya niyang maghintay kahit gaano pa ‘yan katagal, pero…
may nalaman ako, may sakit siya cystic hygroma isang sakit mula noong bata pa siya, sakit na tanging gamot ay operasyon subalit kapos sa pera nalaman ko rin na bumukod na pala siya dahil mapait ang naranasan niya sa step father niya, at oo inaamin ko humanga ako sa kanya, sa katapangan, sa kasipagan sa lahat, Kasi Kung ako ang nakaranas nun baka ngayon patay na ako? matapos ang dalawang araw hindi siya nagparamdam, ‘yun pala sinugod na siya sa hospital, ‘yung Kaba ko abot hanggang singit, ‘di ko alam gagawin ko, hanggang napatanong ako sa sarili ko kakayanin ko bang magmahal ng isang taong alam Kong mawawala rin saakin? ikaw ba Kaya mo ba? Kasi ako Hindi ko alam Kung anong nararamdaman ko para sa kaniya, it’s just happened, August 24,2021 sinagot ko siya, makalipas ang ilang araw sinurpresa niya ako pumunta siya ng Sorsogon city nasa Matnog Sorsogon Kasi siya that time, Kaya nagkita Kami, nag-ayos ako para presentable naman ako kapag nakita niya, subalit Hindi ko inaasahang ang gabing iyun ang isang magiging malaking dagok sa buhay ko at relasyon namin, ipinakilala ko siya sa pamilya ko ngunit tutol sila dahil si Miles ay isang Missionary, Born Again Christian, malayo pa at isa pa Hindi Siya pormal na umakyat ng ligaw saakin, subalit wala Ito na nangyare na.
alam kong sa oras na iyun hindi na ako sigurado Kung itutuloy ko pa ang pakikipagrelasyon sa Kaniya, nagdalawang isip ako Kasi Hindi ko kinaya lahat Ng nangyare, Ito ang unang beses na may ipinakilala ako Kaya siguro ganito ang nararamdaman ko.
Dumaan ang mga araw mas pahirap ng pahirap ang sitwasyon subalit mas pinili pa rin naming lumaban at ipaglaban ang pag-ibig na meron Kami.
Akala ko itong pagsubok Lang ang darating subalit hindi, nagsimula Kong makilala Kung sino siya, marami siyang kausap na babae sa Facebook account niya, at minsan ay Ka video call niya pa, una ay binabalewala ko pa subalit kalaunan ay nagiging dahilan na ng madalas naming pag-aaway, subalit nagkakaayos pa rin, mas pinipili Kasi naming ayusin kaysa tapusin, mas pinipili naming intindihin kaysa makipagbangayan sa mga bagay na alam naming...


hindi makakabuti saamin.

Ngunit hindi ko inaasahang darating ang araw na kinakatakutan ko noon pa man, nahuli ko Siyang may iba, nahuli ko silang nag papalitan ng matatamis na salita, nag video call pa’t mag Ka call mula umaga hanggang gabi, samantalang ako ito, inaantay ng mensahe mula sa Kaniya, Kung Hindi ko pa binuksan ay Hindi ko malalamang unti-unti na pala siyang naaagaw ng iba, unti-unti ko na ring nararamdamang nagbabago na siya, Kaya’t inunahan ko na Siya, nakipagbreak ako, alam Kong Hindi ko Kaya pero kinaya ko pa rin, una’y Hindi Siya pumayag pero ipinakita ko at sinabi ko ang mga natuklasan ko, dinedeny niya pa at ‘yun ang masakit, ‘yung alam ko na ang totoo tapos nagsisinungaling pa siya, nagkausap Kami ng babae at inamin niyang Mahal niya ang boyfriend ko, ang sakit lang na hindi ko maintindihan Kung saan ako nagkulang, Hindi ko alam Kung anong meron sa Kaniya na wala ako.

Nagkaipitan na at humantong sa pilian, pinali namin Siya Kung ako ba o ‘yung babae niya, pinilit Kong maging komportable at iparamdam sa kanilang maayos ang lahat, alam mo ba ‘yung pakiramdam na umaasa Kang ikaw ang pipiliin niya Kasi ikaw ‘yung girlfriend niya, pero masakit pala talaga ang umasa, Kung kailan unti-unti na Kaming natatanggap ng pamilya ko ay tyaka pa Ito mangyayare, Hindi ko alam, napupuno nang galit at sakit ang aking puso pakiramdam ko sasabog ako sa mga oras na iyun, dumating ang 2:00am Ng umaga at nakapagdesisyon na siya. unti-unting tumulo ang aking mga luha ng sambitin niya ang pangalang “Ems” Hindi ako ‘yun dahil ako si Alexis Ann at Hindi si Ems, ang sakit marinig mula sa taong mahal mo na Hindi ikaw ang pinili niya, dahil sa napagod na siyang intindihin ka.
napagod na siyang mahalin ka, napagod na siyang ipaglaban Ka at ‘yun ang masakit, dahil nung napagod ako Hindi ko siya iniwan, Hindi ko Siya pinalitan, oo may pagkukulang ako, may pagkukulang din siya, ang pinagkaiba lang ‘yung pagkukulang niya hindi ko hinanap sa iba.
Alam niyo ba ‘yung lines ni Liza Soberano sa my ex’s and whys, ibinanggit ko ‘yun sa Kaniya, at ang masakit Hindi no ang Sagot niya, ipinamukha niya saakin lahat ng pagkukulang ko at dun ko narealize na kailangan kong baguhin ang ugaling meron ako Kasi napaka toxic ko Pala talaga.
Humingi siya nang tawad at hinayaan ko na Siya dun sa babae niya habang ako Ito nagtatanung pa rin Sabi sa napanood ko a way to move on is to feel the pain. and go through it. I just want to love and be loved pero bakit palagi nalang akong sinasaktan, yes napaka possessive ko Kasi natatakot ako na baka maiwan ulit. pero what happen sa pagiging possessive ko dun pa ako iniwan mismo. sobrang sakit. alam ko may kasalanan ako pero do I deserve to be treated like this? .
Sa dami ng nagbalak manligaw saakin, namimili ako tapos yung napipili ko maling Tao pa. Bakit? do I really deserve this?
Oo may pagkukulang ako. pero Kaya ko namang punan Yun. basta ipakita Lang saakin na no matter what happen Di niya ako iiwan at Di Siya maghahanap. but then nagkamali ako. Di ko nga Pala hawak ang utak Ng isang Tao. Di ko hawak ang emosyon niya maybe at my worst hahanap Siya Ng mas better.
Sana Di nalang ako ginulo. nanahimik ako eh tapos ganito pa, ang sakit sakit. kailangan pa bang masira ang buhay ko.
A day after he left umiiyak pa rin ako pero bigla siyang bumalik kinausap ang kaibigan ko na tulungan siya para mabalik ako sa Kaniya, pero hindi ko alam Kung ano ba dapat Kong maramdaman dahil nananaig pa rin ang galit pero Mahal ko siya, hinayaan ko siyang magpaliwanag hinayaan niya rin akong magsalita, at naging maliwanag ang lahat, binigyan ko siya ng pangalawang pagkakataon kagaya ng hinihingi niya, alam Kong magbabago siya, at patutunayan niya ‘yun, ganun talaga siguro kapag nagmamahal Ka kahit gaano pa kasakit ang ginawa niya mas pipiliin mo pa rin siyang patawarin at mahalin kahit na ang kapalit nito’y masasaktan Ka muli, pero wala susugal Ka talaga ng susugal.

Totoo pala na kapag nagmahal ka lahat Kakayanin mong tiisin at mas pipiliin mong manatili kahit dumating ang mga oras na Hindi mo na maintindihan, pero mananatili Ka parin, at kahit na bigyan kapa ng isang bilyong dahilan para iwan siya, maghahanap Ka pa rin ng isang rason para manatili’t patuloy na piliin siya, Kasi Hindi ang tadhana ang gagawa ng kapalaran niyo kundi kayo mismo.

Kung nais niyong maging parte sa hinaharap ng bawat isa dapat ay piliin mong piliin siya.

Ako nga pala si Alexis Ann Zarsuela a.k.a Dalia isang manunulat at Ito ang kwento ko.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top