Mahinahon lang na hinarap ni Xandie ang problema ni Markus.
Kailangan sya ng nobyo ngayon.
Ayaw nya magpadalos dalos ang pagdesisyon dahil hindi paglayo ang solusyon sa ano mang problema.
Dapat pagplanuhan nila kung ano ang dapat gawin.Nalaman nya na naghire na ng investigator ang parents ni Markus.
“Beb hindi talaga yun magagawa ni Mark.Alam ko nagsisinungali*g lang ang babae na yun.”
“Kagaya nga ng sabi ni Mark na isang beses nya lang yun nakita.”
“Oo nga,at yun ang nakita natin na magkasama sila sa bar.Papaano mangyayari yun eh ikaw ang inihatid nya di ba.”
“Yup,nung time na nalasing ako at dinala nya ko sa condo nya.”
“Exactly.Gagawa pa ng kwento picture lang ang ebidensya.Malamang edited yun.”
“Kaya nga dun pa lang huli na sya dahil mali mali sya.”
“Anong gagawin natin?
“Puntahan natin yung Claire na yun at paaminin.”
Pinuntahan nga nila kung saan nagtatrabaho ang babae.Magkakasama silang apat na magkakaibigang babae.
Di na nila mahintay ang imbestigasyon ng taong inutusan ng pamilya ni Markus.
Eksakto namang palabas na ang babae sa building kung saan ito nagtatrabaho.
Agad na kumilos si Sab.
“Hey,Claire right? Pwede ba kitang maimbitahan magdinner.”
“I dont know you girl so back off.”
“Wow taray ng babaita na to.”aniya ni Sab sa sarili.
“Friend ako ni Markus.Baka gusto mo sya makita.”
Pagkarinig sa pangalan ng lalaki ay biglang nagliwanag ang mukha ng babae.
“Talaga,sige gusto ko nga syang makausap.Pinagtataguan na ata ako nun.”
“Di naman,masyado lang syang busy sa work nya.”
Dinala nila ang babae sa condo ni Celine.Walang kaalam alam ang babae na nakasunod lang sina Xandie sa kabilang sasakyan.
Nang marating ang lugar ay nagtaka pa si Claire ang akala nya ay sa...