I’M HER DAUGHTER AND HE’S THE LAST HEIRS KABANATA IKA-WALO


“San ka galing? Bakit hindi kita nakita sa Campus? ” bungad ni Hayasein nang pumasok si Yana alas kwatro ng Hapon.
“Besh….”maarteng saad ng Kaibigan. “Iba kasi ang building mo sa building ko, baka nga dumating pa sa punto na maghiwalay pati ang unit natin. ” murokolyong anito, hindi nya maamin sa kaibigan ang tunay na nangyari palibhasa’y alam nyang walang kaalam-alam si Hayasein na Apo sya nang May ari ng Eskwelahan at kapatid ng Lalakeng kinaiinisan nito. “Isa pa Besh.. Hindi ako aatend kaya Wag ka na ding pumunta please.” nag mamakaawang saad ni Yana sa kaibigan ng hapon na iyon, nalalapit na ang oras para tumungo ang lahat ng mag aaral sa Stadium sa gaganaping Welcome party.
“Bigyan mo ako ng dahilan? “umaarya ang kuryosidad ni Hayasein kaya’t kahit ayaw nyang tumungo doon ay gumayak sya dahil nag babaka sakali sya na sabihin ni Yana ang dahilan kung bakit ayaw sya nitong padaluhin sa party na iyon, malaking katanungan para sa kanya kung paanong nakakuha ang kaibigan ng Id ng walang kahirap-hirap nung araw ng enrollment.
“Besh maboboring ka lang don! ” pangungumbinsi pa ni Yana pagka kita sa kaibigan na nakasuot na ng dress.
“kung hindi mo sasabihin ang dahilan ay aalis na ako. ” pananakot na aniya pa.
Nang wala syang natanggap na pagtutol ay naglakad na sya palabas ng Unit nila. Mabigat syang napabuntong hininga dahil mukhang napasubo sya sa desiyong ito.
May kataasan ang takong ng puting sandalyas nya ngunit hindi ito naging hadlang para masira ang postura nya, sumasabay sa bawat pitik ng bewang nya ang pag indayog ng mahaba at ikinulot nyang buhok.
Malayo pa lamang sya ay naririnig na nya ang napaka lakas na musika na nanggagaling sa lugar ng pagdadausan ng Party.
Sa sandaling minuto ay narating nya ang Entrada ng Lugar napahanga sya dahil sa pag kakaayos nang Stadium na halos mag mukha na talaga itong mamahaling Barr dahil sa pagkakadisenyo.
Sa pagitan ng pag hanga nya ay hindi nya inaasahan na tatapat sa kanya ang Spot light dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon ng lahat, lalo na ang taong naka upo sa Sofa kung saan halos nakatapat ang pwesto sa mismong bukana ng Daan.
EIGHT
Abala ako sa pag simsim sa baso ng alak na kasalukuyang hawak ko habang ang mata ko ay nag mamasid sa nakakairitang paligid.
kung hindi lang sana binanggit ng taong katabi ko na Unlimited ang alak, sana’y wala ako dito.
Nakaupo ako sa mahabang sofa kaharap ang mga nakatumbang bote ng alak habang si Raizen naman ay na’sa solong sofa at pinanood ang mga nag sasayaw na kababaihan.
Playing:TIME OF MY LIFE
“Eight? tignan mo kung gaano sila ka desperada na matikman ako”mayabang na anito kasabay ng pag iling habang nakangiti. Pervert!
Napaka galing ng pag ka-kaset up ng lugar, a-akalain mong totoong barr ito dahil sa iba’t ibang kulay ng spotlight na pumapalibot sa kabuuan ng paligid,isama mo pa ang mga kababaihang sumasabay sa indayog ng musika habang mapanuksong mga nakatingin sa’min.bitches!
“bakit kaya ang tagal nila?”muli na namang banat ni Raizen na mukhang nag hihintay sa pag dating ni Ivo.
‘ bakit kaya hindi makayanan ng bunganga mo na hindi mag salita? ‘
Saad ko sa isip ko, hindi ko naman trabaho na sagutin ang tanong nya kaya nanatili akong tahimik.
Napangisi ako nang palihim matapos mapag tanto ang suot ni Raizen.para syang may business meeting na pupuntahan dahil sa pormal suit atire nya.
Nakuha ang atensyon ko nang mag pasukan ang mga hindi inaasahang panauhin na hindi bababa sa walo.
“galing sila sa East?”ani Raizen na nakatingin din sa mga bagong dating.hindi pa’ko nakakasagot ng mabilis nang napalitan ang kanta.
Playing: NGITI
By: Ronnie Liang
Nangunot ang noo ko at nakakaramdam ng kaunting pag ka inis matapos iyong narinig.
Walang tanga ang mahuhumaling, just because of smile.
Nawala ang pag iisip ko nang pumasok ang isang babae na madaling nakapukaw ng atensyon ko suot ang puti nitong mini dress na nag lantad sa maputi at makinis nyang binti kahit na’sa madilim na parte sya ng venue.
tumapat sa kanya ang lahat spotlight dahilan ng pag silay ng kabuuan na mukha nya na nag paalala sa’kin sa mga nangyari nung nakaraan.
naiba lamang ang damit ngunit alam kong sya parin yung TA-TANGA TANGA sa daan na kamuntikan nang sagasaan.
Malaya kong napagmasdan ang magaganda at mapuputing binti nito, tumaas ang tingin na iyon hanggang sa hita nya patungo sa balakang nyang kumukorte ng husto dahil sa suot nitong Bestida dahilan upang mapalunok ako nang ilang ulit.
Kaya’t minabuti kong lampasan ang katawan nito. “ngayon ko lamang napansin, kung gaano kaganda ang pakialamerang ito. ”
‘ sa ilang ulit naming pag kikita ay mukhang ngayon ko lamang sya natitigan ng Husto.’
‘Stupid Goddess.’
Palihim akong napangisi dahil sa panibagong palayaw na pumasok sa isip ko pero nawala ang ngising iyon at napalitan ng bahagyang pag kagulat matapos mag tama ang Mata naming dalawa.
Dahilan para mapataas ang kilay ko kasabay ng pag lunok. ‘ramdam na ramdam ko ang mabilis na kaba sa dibdib ko. ‘
‘Bwiset! Ayaw ko ng pakiramdam na ito! ‘
‘sana pala ay hindi ko sya niligtas noon.’
“Cutie? “tawag pansin ni Raizen sa babae Nag lakad pa sya palapit dito. “Naks, akala ko ay ibang tao ka.. Ibang-iba kasi ang itsura mo ngayon kaysa nang sipain mo si Eight. ”
‘Siraulo, may pagka brutal din ang Stupidang iyan.. Biruin mong sinuntok ako kanina? ‘
Napangiwi iyong babae, mukhang ngayon nya lang napagtanto na si Raizen pala ang kumakausap sa kanya.
“hahahaha”umugong ang malakas na tawa ni Raizen ” mag papakilala ako ulit ng maayos sayo, maangas na aniya. ” Ako si Rain Aizen Monte Verde, ika pito sa Pwesto at ang pinaka gwapong Ranggo. ” inialok nito ang palad nya kay hayasein para sa Shake hands.
Napangiti ako nang makita kong tumaas ang kilay ng babae, mukhang hindi sa kanya tumatalab ang mga Moves ni Raizen.
Tinapik nito ang kamay ni Raizen palayo sa Harap nya. “Pasensya kana, hindi kasi ako mahilig makipag kamay lalo na sa mga preskong gaya mo. ” maangas na saad nito tsaka nag lakad palayo.
‘hmmm… She’s impressive’
“good evening student” anang Emcee sa stage kasabay ng pag hinto nang background music kaya madali nyang nakuha ang atensyon nang lahat.”nandito tayong lahat upang ipag diwang ang mainit na pag tanggap sa mga bagong estudyante ng West bridge University pati na ang pag dating nang mga Rank student..lets give them a small of applause!”masiglang anunsyo nya kasabay ng malakas na palakpakan ng mga walang kwentang estudyante.
“kanina pa nag simula?”ani ivo na kararating lang sa harap namin hawak ang wine glass.”hindi daw a-atend si Seken mas Gugustuhin nya nalang daw na matulog kaysa mag aksaya ng oras dito.”mahabang litanya nya.
“napaka bitter naman no’n!”angal ni Raizen.”Palibhasa ay tumatanda na sya ” anito pa
kung hindi ko lamang kakilala ang lalakeng maingay na ito, malamang na matagal na syang wala dahil sa lintik na bunganga nya!
Muling tumugtog ang na udlot na kanta.
napalingon ako sa pang apat na mesa mula sa’min kung saan naka upo ang babae na kasalukuyang nakikipag kwentuhan sa isa pang babaeng kasama nya na hindi ko makita.
Nang itinapat nya ang baso sa labi nya na handang uminom ng juice na nasa basong hawak nya.
~Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit~
Nang alisin nya ang baso sa labi nya ay tumigil sya sa pag galaw inipit nya ang parehong labi dahilan ng pag litaw ng kaunting dimple sa pisngi nya.
‘ano bang ginagawa ko?’
Nang magsalubong ang mata namin ay halos mabitawan ko ang basong hawak dahil sa pagkabigla ngunit pilit ko iyong tinago kasabay ng pag baling ko sa ibang lugar tsaka ko paulit-ulit na nilunok ang bara sa’king lalamunan.im crazy!sa pangalawang pag kakataon ay nag sisi ako nang dahil na naman sa babaeng yun.
~Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabik~
Nakakainis ang kanta!
Sa iyong...


ngiti ako’y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko’y tumitigil~
~Para lang sayo~
~Ang awit ng aking puso
Sana’y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin~
Hindi ko na tinangka pang ibalik ang paningin ko sa kanya sa halip ay nilibang ko ang sarili sa pag tungga nang alak sa bote nang hindi ako masiyahan sa basong hawak ko.
“hey sweetie”agaw pansin ng tatlong babaeng ngayo’y nasa harap namin na nati-tiyak kong kasama ng mga dumating kanina.akala ba nika ay kaaya-aya sila sa paningin.sa pag kakatanda ko ay isa sa kanila ang humabol sa babaeng pakialamera.bakit nila hinabol?
diretsong naupo ang dalawa sa pag kabilang gilid ni Raizen samantala ang isa naman ay naupo sa tabi ko at sinadyang idikit ang dibdib palapit sa braso ko.
Suot ang damit na tila loose tread ang leeg dahilan ng pagtambad nang dibdib nya.ang ladlaran naman ay parang telang tinawaran kaya lumalantad ang pusod nilang may mga hikaw at paldang aakalain mong face towel dahil sa sobrang iksi.
‘slut bitches!’
Nasisiguro kong hindi tatanggi si Raizen dahil iyan ang hanap nya, kaysa madamay ako sa kamanyakan nya ay tumayo na lamang ako at akmang mag lalakad.
“eight? C’mon?”malandi ang paraan ng pag kakasabi nang babaeng kanina’y katabi ko.
alam kong kahit sino ay hindi tatanggi sa kanya kung gano’on sya sa paraan palang ng pag sasalita….BUT NOT ME.
Dahan dahan ang naging pag lingon ko kasabay ng mapang insultong ngiti na ipinakita ko.”sino ka para tawagin ang pangalan ko?”nag babantang saad ko na ikinalaki nang mata nya. hindi na nya nakuhang mag salita nang dukutin ko sa bulsa ang maliit na kutsilyo tsaka iyon ipinakita sa kanya.”wag mo’kong subukin babae!”tsaka ako tuluyang naglakad. malamang na nag tataka sya kung paano ko nakuha ang kutsilyo mula sa tagiliran nya gayong hindi naman ako kumikilos.
Nakapamulsa akong naglakad palabas ng Venue pero humarang si Thalia sa Dinaraanan ko.
“Let’s Talk.. “anito
“Mag salita ka na. ” walang emosyong saad ko
“Not here! Sa tingin mo magkakaintindihan tayo dito?” galit na saad ni Thalia tsaka naunang mag lakad palabas.
” umuwi ka galing sa U.S at inuna mo pang makipagkita sa kaybigan mo kaysa i-inform ako! ”
“Eh ano naman? “malamig na sagot ko.
*Pak!
“baka nakakalimutan mong Fiancè mo ko! ”
“Tsk! kapag kaharap lang ang pamilya mo, pero kapag tayong dalawa basura ka lang sa paningin ko. ”
“Hahaha… Nalaman kong may iniligtas kang babae.. sabihin mo, kapag ba nahanap ko sya paano mo sya gustong mamatay? ”
” pinapasundan mo ko?” ‘akala ko ay tauhan ni Lolo yun? “Kung ganun, Sige….Kung papatayin mo sya siguraduhin mong hindi malalaman ni Calvin, kasi kung ako naman ang tatanungin tingin mo may pakialam ako?” kalmadong saad ko ngunit hindi ko hinayaan na mawala ang pagkasarkastiko. “Hindi mo ko kayang takutin dahil kahit ngayon mismo kaya kong isa-isahin ang mga guard na kasama mo. ” nakangising dagdag ko.
“Sige, tignan natin.. “nakangisi sya pero alam kong inis na inis na sya “Hayaan mong mamatay ang babae na yun nang dahil sayo! “lalo akong napangiti nang padarag syang naglakad pabalik ng stadium.
Namulsa ako. “Hoy Stupid! Lumabas ka dyan! ” utos ko. ‘napaka chismosa. ‘
“a-ano.. Dadaan lang sana ko. ” utal na saad nya.
“Dadaan ka tapos mas pinili mong makinig sa usapan namin ganun ba? ” humakbang ako palapit “sabihin mo nga.. “humakbang ako ulit dahilan para umatras siya. “hindi kaba talaga.. ” muli akong humakbang kaya’t muling umatras ang babae hanggang sumayad na ang likod nya sa gilid ng hagdan at wala na syang maaatrasan. ” natatakot sakin? ” inilapit ko ang mukha ko palapit sa mukha nito kaya’t bahagya syang napayuko. ‘bakit ba natutuwa ako kapag ginaganito ko sya? ‘
Nagpakawala ako ng buntong hininga tsaka gumawa ng distansya. “Sabi ko kapag muling nag salubong ang landas natin ay tutuluyan kita, pano ko kaya gagawin yun kung may ibang nagtatangka sayo kapag handa na kong patayin ka! ” saad ko tsaka tumalikod paalis. “nakakaboring nang bumalik, tara baka gusto mong uminom ng soda.”
🎀THIRD PERSON🎀
Halos mapaupo si Hayasein at kukurap-kurap dahil sa mga nasaksihan nya, pati si Thalia ay mukhang haharang na din sa Daraanan nya.
“Hey… Long time no see? ” nabalik si Hayasein sa Ulirat nang mapalingon sya sa pamilyar na boses na iyon.
“Still remember? “anito pa, napatayo si Hayasein matapos nyang maalala ang isa sa mga babaeng nag nakaw sa badge id ni Ivo.
Sumugod ang babae palapit kay Hayasein, kaya’t napa atras sya. Isang malakas na suntok ang palapit sa kanya at matapang na sinalag iyon ni Hayasein gamit ang palad nya, marahil napigil ni Hayasein ang suntok na iyon ngunit naroon pa ang isang kamao ng kalaban na ngayo’y palapit na sa pisngi nya kaya yumuko sya at dinakot ang braso ng kalaban na tsaka buong pwersa nyang iniuntog ang noo nya sa noo nito.
“Ah… Ahray.. “daing ni Hayasein pero hindi nya pinakawalan ang babae hanggang sa bumagsak ito dahil sa lakas ng pag kakauntog ay nakatulog ito.
“Akala mo tapos na? ” may sumulpot na naman na panibagong boses.
“Avanshien?” tawag ni Hayasein sa pangalan nito.
“Isa ako sa BLack Phantom at nandito ko para tapusin ka. ” nang gigil na anito at Mula sa likod ng babae ay kinuha nito ang dalawang patalim. “Humanda ka para mag bayad. ” nakangising saad ng babae.
Bawat paghakbang nya sa baitang ng hagdan ay syang pag atras din ni Hayasein paakyat.
“sabihin mo,ginagawa nyo ba to dahil sa Id? bakit ganun na lang ang pag nanais nyong makuha ang badge na iyon! ” matapang na tanong ni Hayasein.
“sige, hahayaan kong ipaliwanag ang lahat sayo dahil ma-mamatay kana man na. ” anang babae habang iniikot ikot nito ang patalim sa kamay nya. “gusto naming alisin ang lahat ng Ranggo dahil sawa na kaming makulong….ang mga Ranggo ay hindi pantay, malaya silang nakaka pasok sa East bidge samantalang kami ay bawal tumapak sa West bridge! ” nang gigilid ang luhang saad nito. “Iyon. ” itinuro nito ang ang buong west bridge. ” akala mo iyan lang ang unibersidad? Nakikita mo ba yun? ” muli nitong tinuro ang magubat na parte ng School. “kapag nakalampas ka sa lugar na iyon makikita mo ang East Bridge kung saan kami nakakulong, kaya kinakailangang patayin ang lahat ng ranggo pati na ang mga haharang dito para makalaya kami.”
“Kung ganun ireport natin sa gobyerno! ” suhestyon ni Hayasein pero umalingawngaw ang napaka lakas na pag tawa ng babae na halos mag mukha na itong baliw. ” oh kaya kakausapin ko si Eight! ”
“Halimaw ang isang yon kaya impossible, at ang gobyernong sinasabi mo ay nasa ilalim ng pamumuno ng mga – – -” hindi nito natapos ang sasabihin nya nang may malakas na sumipa sa Tagiliran nito dahilan para tumilapon sya sa kabilang gilid ng hagdan.
“Itikom mo ang bibig mo! ”
‘malamig din ang boses ng taong kararating lang ngunit paniguradong hindi sya si Eight dahil babae ang boses nya ‘ saad ni Hayasein sa isip nya.
Hindi makita ni hayasein ang mukha nito dahil nakatalip ang buong katawan nya at mata lamang ang nakikita na parang ninja.
Lumuhod sa harap ni hayasein ang taong naka balot.
“Lady Sien, umalis na po kayo. “saad pa nito
lumingon si hayasein sa dalawa nang marating nya ang unang baitang ng hagdan, nakita nitong sumugodang babaeng kalaban hawak ang patalim at bung pwersa nitong pinuntirya ang baywang nang nakaitim ngunit nakaiwas sya pero naabot parin ang damit na suot nito dahilan para mawakwak ito at bumungad ang tattoo nitong ‘M-4’
“huh! “laking gulat nang babae nang makita ang tattoo na iyon. “Ikaw ang ika-apat na Ranggo? ” nabalot ng takot ang buong katawan ng babae.
“Kung balak mo kaming tapusin dapat matalo mo ko…. Lady sien, umalis na po kayo. ” anito pa. Tumango si Hayasein at muling naglakad.
Pero napatigil sya nang harangin sya nang apat na kalalakihan.
#PENGE COMMENT PLEASE






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top