I’M THE MASTER OF THE CEO CHAPTER 4


(TROY POV)
Troy- Goodmorning Madam.
Loida- Goodmorning.
Allissa- Titaaa, hello.
Loida- oh my god Allissa, I missed you.
Allissa- same here tita.
Troy- have a seat.
+ sa totoo lang nagulat pako sa meeting nato, biglaan kasi na tumawag sakin si Madam Loida habang nasa byahe ako pa Cebu. All I know is that magpepermahan kami ni Allissa for contract at di ko inaasahan na ngayun.
Troy- sorry for inconvenience, alam kong mejo madami ang fans sa labas lagi, that’s very normal.
Allissa- it’s okay.
Loida- by the way. Nandito ako para suportahan ang Contract signing ni Allissa. Gusto ko pa sana na magkaron ng presscon for this, pero ayaw na nya muna.
Troy- ahh, naiintindihan ko po, plano ko na din po, pero hindi ko po inaasahan na ngayun sya dadating kaya, we barely prepare anything.
Allissa- there is no need for presscon tita. Actually si tita kasi ang nag propose sakin na pumirma ng kontrata sa inyo, kundi dahil kay tita baka wala ako dito.
+ what? Anong ibig sabihin naman nya sa agency ko?
Troy- ahhh, that’s great, thank you Madam.
+ nag ngitian silang dalawa.
Loida- sya nga pala, gusto ko sana na ang anak kong si Primo ang gawin mong partner nya as collaboration para sa next fashion show.
Troy- ahh, kaso si Primo is currently working on a movie, and after may mga nakasunod pa syang projects kaya I dont think, maisisingit natin.
Loida- ikaw pa ba? You’re the CEO, you can do anything about it.
+ hayyy. Ngumiti na lang ako.
Troy- I’ll try. After that meeting, tinawagan ko si Aya, kaylangan ko mag sorry sa nangyare kanina.
(PRIMO POV)
+ Alam nyo ba kung nasan ako ngayun?
– eto na po.
+ may kiti kiti ba sa pwet tong pharmacist nato? Mangawit sana bibig mo kaka ngiti.
Primo- ah, hehe salamat.
– walang anuman po. Pwede ba mag pa picture?
Primo- ahh sige.
+ nandito lang naman ako sa pharmacy, bumibili ng gamot sa diarrhea!! Ang ibig sabihin ko lang naman! Bakit ako ang gumagawa nito?!! Nabaliktad na ata ang mundo.
– byee po.
+ tamang ngiti na lang. Sinuot ko na uli ang sumbrelo at mask ko tsaka sumakay uli ng kotse, umiinit ang ulo ko!! Tsk. Kalma Primo, bumuntong hininga na lang ako at pinaandar ang kotse para bumalik sa Zentro at ibigay kay Aya ang gamot, Nagdadrive lang ako ng matiwasay ng magulat ako biglaang naitigil ang kotse, napindot ko ng matagal ang busina ng kotse, napatingala ako at nakitang nagtitinginan na ang tao sa labas kaya binitawan ko agad ang busina. Nakita ko ang pusang itim na dumaan sa ibabaw ng kotse ko. Napabuntong hininga ako, pina andar ko na uli ang kotse. pagbalik ko sa Zentro, sinalubong nako ni Aya na naghihimas ng tyan. Napailing na lang ako sa itsura nya.
Primo- o.
Aya- hm? Ano po yan?
Primo- di mo ba nakikitang gamot?
Aya- ang ibig sabihin ko po….
Primo- para dyan sa diarrhea mo.
+ tumingin sya na parang gulat na gulat.
Primo- wag kang magpapasalamat.
Aya- binili mo pa ba to sa drugstore?
Primo- pinulot ko lang.
Aya- thank you poooooo. AH!!!
+ Kinatusan ko sya sa ulo. Sabi ng wag magpapasalamat. Lalabas na sana kami ng masalubong namin si Troy.
Troy- Primo.
Primo- anong meron sa labas? Tsaka anong pakay ni Loida
Troy- ah, hinatid ko lang si Mommy mo at Allissa palabas, at ang dahilan, sa meeting na lang natin pag usapan.
+ tumagilid sya at tumingin kay Aya.
Troy- Miss Aya, can I talk to you?
Aya- uhmmm. O-okay po.
Primo- para san?
Troy- Nothing just about some details about your schedules.
Primo- edi dapat ako ang kausapin mo.
Aya- Sir. Ano, yang, mabilis lang naman siguro diba CEO, atsaka baka mahalaga din. Pwede na po kayo umuna pauwe, susunod na lang ako.
+bakit ba napapadalas ang pagka busy nito.
Primo- sumunod ka na lang sa office.
Aya- opo.
+ patingin tingin sya sakin habang sumusunod kay Troy. Ano naman paguusapan nila?
(AYA POV)
+ Sumunod na lang ako papuntang office, pagdating don umupo muna ako sa sofa, nanghihina ako, ikaw ba naman magka diarrhea bigla, parang naubos ang lakas ko.
Aya- may problema ba?
Troy- wala naman, gusto ko lang mag sorry sa nangyare kanina, inabala kita.
Aya- okay lang, mas mahalaga yung nakuha mo ang deal sa kontrata.
Troy- Pero syempre, pinagod kita.
Aya- sa totoo lang, masaya ako, ngayun yung araw na parang walang nasayang na oras sakin, actually kanina sa shooting may isang mama akong nakilala, silent supporter sya, tapos ikaw naman, pinagmadali ako haha. Sa loob ng ilang taon, ngayun lang uli ako naaligaga ng ganto, well maliban sa bangayan ni Primo at ng Mommy nya.
Troy- Hindi ka dapat masanay sa ganun. Sya nga pala, Pizza, padala ng Mommy ni Primo, kunin mo na tong isa
Aya- hala! No.
Troy- hm?
Aya- sayo na lang, I’m okay.
Troy- sure ka? Sige.
+ haha, ayoko na, nagpaalam nako sa kanya na aalis, lumabas nako at nagulat ako ng may humila pataas sa kwelyo ko sa likod. Kaya napalingon ako.
Aya- Sir!
Primo- tagal mo.
+ naglakad na kami habang hila hila parin nya ang kwelyo ko
Aya- bat inantay nyo pako
Primo- ayoko mag drive.
Aya- ganon?
+ bumili muna kami ng makakain bago ko sya ihatid sa Condo nya, Ayos maaga akong makakauwe. Pagdating ko, inihanda ko na muna sa plato lahat ng makakain nya bago ako magpaalam na uuwe.
Aya- nasa lamesa na po lahat ng pwede nyong kainin, magpapa alam na po ako for today.
+ patingin tingin lang sya sakin habang may nililikot sa table nya.
Aya- may problema po ba?
+ ngayun dumiretso na sya ng tingin sakin.
Aya- may kaylangan ka pa ba?
Primo- Hindi mo ba ako tatanungin kung san ako pumunta kagabi.
+ teka, oo nga noho, kung hindi pala si Carmen yun eh sino?
Aya- okay lang naman po kung ayaw nyong malaman ko
Primo- okay.
+ang bilis kausap
Aya- pero san nga ba kayo galing?
+ napangiti sya.
Primo- nag dinner kami ni Daddy.
+ ahhhh.
Aya- talaga? Umuwe na ang daddy mo?
Primo- No. Hindi si Enrico ang sinasabi ko.
Aya- you mean yung biological father?
+ tumango tango sya.
Aya- buti hindi nalaman ng mommy nyo.
Primo- ano naman ngayun.
+ umupo ako sa sofa.
Aya- eh kamusta po?
Primo- ayun, kumain kami ng marami tsaka nagkwentuhan.
+ halatang masaya sya.
Primo- tapos inihatid ko sya sa bahay nya. Alam mo, sobrang namiss ko sya.
Aya- mahal na mahal mo talaga daddy mo no?
Primo- totoo lang kasi sya. Hindi sya nagpaka peke para matanggap ni Loida, sa ngayun oo, hindi sya kilala bilang ama ko, pero para sakin, wala ng papalit sa kanya.
+ mejo natahimik ako dun sa peke.
Primo- ang totoo. Kaya gusto ko makuha yung ticket for two sa Hawaii, isasama...


ko sya.
Aya- ahhh, edi maganda, makakapag bonding kayo, tsaka malapit almost one week na lang.
Primo- yeah.
+ ngumiti sya sakin. Magkatabi na kami ngayun sa sofa habang nililikot nya yung mga regalo sa kanya ng Fans. May iniabot pa syang chocolate.
Aya- wag na po, sayo yan ih.
Primo- sige na, di ko din naman makakain yan.
+ tinanggap ko na lang.
Primo- salamat ha.
Aya- hm?
Primo- nung una, ayoko talaga ng may PA, pero since dumating ka, naging mas magaan lahat.
Aya- ahh hehe.
Primo- bakit ka nga ba sakin nag apply.
+ nagkatinginan kaming dalawa. Nag apply ako bilang pasasalamat sa tulong mo dati.
Aya- dahil kaylangan ko ng trabaho.
Primo- atsaka, bakit hindi ka man lang nag kekwento ng tungkol sa sarili mo? Wala akong natatandaan na kahit ano sayo. Kahit bahay mo hindi ko alam.
Aya- kaylangan nyo pa po bang alamin yun?
Primo- oo naman.
Aya- uhm, secrete na lang po hahahha, atsaka hindi naman mahalaga.
Primo- sus, okay na ba tyan mo?
Aya- ahh, Yes Sir. Hehe
Primo- busy ka ba mamaya?
Aya- kapag may inutos po kayo.
Primo- I mean wala ka bang ibang gagawin?
Aya- wala naman po.
Primo- pwede bang dito ka matulog?
Aya- PO?!!!!!!
+ Tumingin sya sakin ng seryoso. Umay, napa atras ako sa pagkakaupo.
Aya- Sir. Wag po.
+ kumunot ang noo nya.
Primo- ha?
Aya- alam ko pong lagi tayong magkasama, pero hindi po tama ito.
Primo- anong sinasabi mo?
Aya- yung ano po.
Primo- ano?
Aya- ba-bakit nyo po naisip yung patulgin ako dito?!!
Primo- natatakot ako okay!!
+ huh? Lalakeng tao, natatakot? Saan?
Aya- natatakot po saan?
Primo- kanina kasi habang nag da drive ako, may itim na pusang tumalon sa kotse ko kaya biglaan akong napatigil, buti nga wala akong kasunod eh.
Aya- pusa?
Primo- sabi kasi ng matatanda, malas atsaka delikado daw yung ganun, its either may masamang manyayare sakin o kaya sa malalapit sakin.
Aya- naniniwala kayo dun?
Primo- wala namang mawawala eh.
Aya- ayyysss, Sir naman nagjojoke ba kayo? Natatakot pa ba sa ganun ang mga lalake ngayun?
+ tiningnan na naman nyako ng diretso. Anong ibig sabihin nya.
Aya- Seryoso na Sir.
+ tumango sya.
Aya- dito nyo ko patutulugin?!!!!!!!
Primo- edi wag pero pag may nangyareng masama sakin, konsensya mo.
Aya- ano naman pong mangyayare sa inyo dito?
Primo- ikaw rin. Bahala ka.
+ bat ba parang kinokonsensya nyako?
Primo- atsaka asa ka no, tingin mo may gagawin ako sayo?
Aya- hindi ha.
Primo- ahh siguro yun yung iniisip mo kanina ih.
Aya- hindi nga po
+ napainom akong tubig na nasa harap na lamesa.
Primo- bat na tetense ka?
Aya- sinasabi mo dyan.
+ bigla nyang hinigit ang braso ko kaya napalapit ako sa kanya ng bahagya. Malagkit ang mga tingin nya sakin. Hesus maryosep ano ba ito.
Aya- b-bakit?
+ habang hinihila nyako, palapit din sya ng palapit. Shii*** bat nabilis ang heartbeat ko? Gaga, umayos ka!!! Hanggang sa sobrang lapit nya na, napapikit na lang ako ng maramdaman ko na ang hininga nya, Dapat natayo nako ih, huy paa, galaw galaw!!
Aya- AYY!!!
+nagulat kami pareho ng may bigla na lang nabasag, napatingin kami sa baso na basag sa sahig, nasanggi pala ng isang kamay nya, napatyo sya ng mabilis at tumingin sa baso na parang nagtataka.
Aya- Sir?
+ pero tulala lang sya.
Aya- may problema po ba?
+ tumayo ako.
Aya- ako na po bahala, lilinisin ko na lang.
+ akmang pupulutin ko na sana ang malalaking bubog ng bigla nyang pigilan ang kamay ko.
Primo- Aya.
+ tumingin ako sa kanya.
Primo- kinakabahan ako.
+ nagtataka lang akong tumingin sa kanya. Tumayo na lang din ako at hinawakan sya sa kamay.
Aya- wag ka ngang mag isip ng ganan, nasanggi mo yung baso, siguro mas maganda magpahinga ka na po muna ako na bahala dito.
+ tumingin sya sakin uli
Aya- hindi ako aalis.
+ huminga sya ng malalim tapos ay tumango na lamang. Maliligo na lang daw muna sya, ako naman inayos na ang nabasag na baso. Pagkataps ay tinawagan si Troy na wag na kong hintayin at hindi ako makakauwe, wala din naman sya magagawa. Alas sais imedya nag hahanap ako sa ref nya ng maluluto, nandun naman sya sa table nya, kanina pa may tinatawagan, maya maya narinig ko na syang may kausap. Ano ba kasing nangyayare sa kanya? Mga ilang minuto pa ay lumabas sya habang nagsusuot ng jacket, dala nyarin ang isa pang jacket at iniabot sakin.
Primo- sumama ka.
Aya- san po tayo pupunta?
Primo- tinawagan ko si Daddy, sabi ko sabay na kami mag dinner, isasama na kita, hindi mo pa naman sya nakikita diba?
Aya- ahh, sige po, aayusin ko lang po itong nilabas ko sa ref.
Pagkatapos nun ay sinuot ko na ang jacket at lumabas kami, binigyan ko muna sya ng mask at delikado na. pumunta kami malapit sa isang restaurant. Tumigil muna kami sa labas.
Aya- dito ba kayo kumain?
Primo- oo.
Aya- ahh.
+ nakita kong nag tetext sya, siguro yung daddy nya. Mga 15 mins na kaming nandon pero wala padin daddy nya. Mejo palingon lingon narin sya kung saan
Aya- Sir, baka na traffic lang, rush hour din po kasi.
+ tumango sya sakin. Maya maya, nag try na syang tawagan ito. Pero di pa rin ma contact.
Aya- wala parin po?
+ mejo hindi na sya mapakali, maya maya nag ring ang phone nya.
Primo- si daddy.
+ nakangiti syang pinakita ito sakin. Mabuti naman.
Primo- hello dad, asan ka na?
[ pasensya ka na anak natagalan ako pagsakay eh, kabababa ko lang taxi anak. Paparyan nako. ]
Primo- opo, sasalubungin na kita dad ha.
+ ibinaba na nya ang phone at hinila nako. Excited na excited sya, totoo nga yung kinwento nya kanina na masaya sya nung huling bonding nila ng daddy nya. Napangiti na lang din ako. Tumigil kami sa stoplight at crosswalk, sbi nya ayun na daw sa kabilangkalsada yung daddy. Inaninag kong mabuti mejo famillar kasi. Nag antay lang ng green, bago naglakad ang daddy na sa crosswalk palapit. Tumingin sakin si Primo ng nakangiti hanggang sa…..
” ahhh!! Dyusko!!!! ”
“YUNG MATANDAA”
+ isang malakas na lagabog ang narinig namin, sabay kaming napatingin sa harap.
Ang lakas ng kaba ko. Napahawak ako kay Primo.
Primo- Daddy.
+ mabilis na tumakbo si Primo sa crosswalk, sumunod agad ako, nakita na lang namin ang daddy na nakalupasay sa daan.
Primo- DAD?!!!!! DADDY!!!!!
+ hinawakan sya ni Primo.
Primo- AYA! TUMAWAG KA NG AMBULANSYA!!!
+ nanginginig ang kamay kong, hinanap ang cellphone ko, tumalikod ako at dinial ng dinial ang emergency.
[ Hello, this is Emergency. ]
Aya- Magpadala kayo ngayun ng Ambulansya pls!! Bilisan nyo! Sa highway road tapat ng Jus Solis Hotel!!!
+ pagkababa ko ng phone, nahagip ng mata ko ang isang salamin na nabasag, famillar ang salamin nayun. Napaisip ako at mabilis na lumapit kay Primo, pagtingin ko sa yakap yakap nya…
Aya- Manong Luis???
Itutuloy…….






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top