Katelyn POV
“Saan pala Yung HM company na Yun Panot- Este Derick?”Tanong ko muntikan ko pang masabi Ang Panot na bakla. Hhihi.
“Hmm in Philippines”Deriderisyong sabi nito. Ng mag sink in sa utak ko ang sinabi niya at tila napako ako sa kinatatayuan ko.
P-philippines….
Parang umurong Ang dila ko gusto ko mang mag salita pero tila na blanko Ang utak ko.
Kung sa pilipinas Ibig sabihin may chance na makita ko Siya at Yun Ang kinakatakot ko ayaw ko na ulit siyang makita kung maaari dahil sa tuwing nakikita ko Ang Siya bumabalik Ang sakit. Madalas ko kasing nababasa at nakikita Ang mga picture at mga article tungkol sakanya.
“What Derick alam mo naman ang sitwasyon ni Kate diba?!”Inis na Tanong dito ni Jessa kaya nabalik ako sa reyalidad.
“Yeah alam ko pero Hindi natin to pwedeng palagpasin at kayong tatlo Ang raising Model at may pinaka mataas na rate”Sabi pa ni Panot kaya napatingin ako kay Jessa at Nikka Ng suminghal sila.
Silang dalawa alam kasi Nila Ang nakaraan at sitwasyon ko sila Ang best friend slash Sila rin Ang tumatayong ate ko. Simula Ng malaman Nila iyon Galit na Galit sila kay Hayden kaya ngayon ang mga Gaga Takot mag mag mahal kasi daw Ang tingin na Nila sa mga lalaki walang kwenta at walang puso. Haha malaki talaga Ang epekto Ng aking nakaraan ngayon dito sa kasalukuyan hays.
“So Ms. Katelyn what is your decision?”Tanong ni Panot saakin kaya napatingin ulit ako sa dalawa at bumuntong hininga. Wala akong choice.
Dahan dahan akong tumango kaya napapalakpak Ang baklang panot. Habang Ang dalawa kong kaibigan at panay Ang satsat saakin ng kung ano ano.
Sana tama itong disesyon ko at sana hindi kami pag tagpuin Ng landas. Dahil Hindi ko talaga alam Ang gagawin ko.
“Ok good, get ready because ya all Flight is tomorrow morning.”Sabi nito Ano nag papatawa ba itong baklang ito.
“Napaka biglaan naman niyan Derick Panun Ang mga anak ko?!”Tanong ko dito na may halong inis.
“Well don’t worry tatlo Ang ticket para sayo Bale 5 ticket Ang rest Na Pina book ko, alam ko kasi na hindi ka talaga papayag kong Hindi mo makakasama Ang mga anak mo”deriktang Ani ni Baklang panot at Saka sumandal at pinakatitigan nanaman Ang kanayang kuku.tsk Ang bakla talaga.
“Ok Wala na akong magagawa, pero sa susunod pag may nag offer ulit at kami Ang napili mo kunsultahin mo muna kami ‘panot na to”Sabi ko pero bulong lang Ang huli. Tinaasan naman niya ako ng kilay ay umoo.
—–
“Kaye Bakit ka pumayag?”Inis na Tanong saakin ni Jessa andito na kami ngayon sa Dressing room naming tatlo.
“Wala akong choice at alam mo naman ang ugali Ng baklang panot na iyon lahat ng gusto nakukuha”Sabi ko at nag buntong hininga.
“Pero meron nam-”
“O M G!!”biglang sigaw ni Nikka kaya napatingin kami dito ni Jessa.
“Ano ba Yan Nikka Ang ingay mo sakalin kaya kita!”Inis na Sabi dito ni Jessa.
“Ehhh kasi hinanap ko Ang may ari ng HM company”Parang naipit na Ani Nikka.
“Sino nga paputol kang babaeta ka”inip na Ani ni Jessa talagang itong dalawang ito parang asot pusa.
“Si Henry Montejo Yung Isa sa youngest billionaire slash my Crush hihi”Parang kiti kiting Ani ni Nikka.
Wait Henry Montejo pamilyar na pangalan parang narinig ko na ito. Arrrgggh bat ba Ang gulo.
Napapikit nalang ako ng mariin Ng tumunog Ang Cellphone ko. Kaya napamulat ako si Jessa at Nikka patuloy na pinag uusapan Yung may ari ng HM company na gumugulo din sa isip ko.
Kinuha ko Ang Cp ko at nakita ko Ang pangalan ni Haylee ano nanaman Ang ginawa Ng dalawang ito.
“Hello Haylee?”Pag sagot ko sa tawag pero ilang minuto pa ay walang nag sasalita.
“Haylee?”tawag ko ulit.
“Mommy...
I love itโค