The Choosen ONE Chapter Dyes


“Sir!!!!Sir!!!!!”tawag ni Wahida habang hinahabol ang isang binatang kalalabas lamang kanina ng pharmacy.Papasok na sana ito ng kotse ng marinig nya na may tumatawag sa kanya.
Nakita nya ang isang batang babae na tumakbo patungo sa direksyon nya,sa tingin nya nasa kinse anyos na ang edad nito.Marumi ang damit at gusgusin na ang mukha ng bata.
Siguro mamalimos lamang Ito pero ganun pa man ay hinihintay nya itong makalapit.
Nang biglang tumunog ang phone nya.
“Yeah I’ll be there na”sagot nito sa Kausap habang ang mga paningin nya ay sa batang paparating.”Oo nabili ko na ang gamot ng pang allergy.Ano ka ba naman kasi Thriod?Bakit di mo inaalam agad ang pwede at di pwedeng kainin ng bagong girlfriend mo.Pasalamat ka dyan talaga ang sadya ko sa KingPaws Island.”sermon nito sa kausap at bahagya pang natawa.Nasa harapan nya na ang bata.At mukhang hinihintay na lamang syang matapos sa pakikipag usap.
“Oo na hindi mo na sya girlfriend,o sya i will hang up na...


this call.”pagkasabe nito ay binaba na ang phone.Tsaka pinagmasdan nya ang bata.
“Nahulog nyo po ang wallet nyo.”saad nito sabay abot ng black wallet na may tatak na lion.
Kinapa nya ang sariling bulsa oo nga’t wala ang wallet nya.
“Heto po oh”.abot ni Wahida dito.
“Naku napakabait mo namang bata.Ano pala ang pangalan mo?tanong nya rito.Dahil sobra syang naimpress sa ginawa nito.Dahil kung iba lang ang nakapulot nito,malamang nasilaw na sa malaking halaga nito sa loob.
“Wahida po ang pangalan ko.”sagot ng Bata habang ang paningin ay nasa pharmacy.
“Sinong tinitingnan mo doon sa pharmacy?tanong nya rito dahil ang likot likot talaga ng paningin nito.
Umiling iling Ito.
“Wahida dahil napaka honest mong Bata,heto tanggapin mo ang perang Ito “sabay abot ng dalawang libo kay Wahida.
Agad na nangislap ang mata nito sa perang nakita.Kung tutuusin sobrang laki na ito para sa gamot ng kuya nya.Makakabili pa sya ng pagkain baka pati damit nilang magkuya.
“Salamat po sir”. Sambit nito






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. bait naman

Leave a Reply


top