I’M HER DAUGHTER AND HE’S THE LAST HEIRSKABANATA IKA-LABING DALAWA


📍HAYASEIN📍
Byernes ng umaga, Nang mag dilat ang mata ko kaagad akong napabalikwas nang bango tsaka mabilis na kinuha ang phone sa gilid nang drawer na katabi ng kama ko.
‘late na pala! ‘
nasabi ko sa sarili ko nang makita ang oras sa screen. Pibinaba ko muli ang phone tsaka tamad na naglakad patungo sa Bathroom, pinihit ko ang handle ng shower tsaka pumikit habang dinadama ang lamig na taglay ng tubig.
‘paano ko mahahanap ang sagot sa mga tanong ko kung palaging haharang ang dyablong iyon. ‘
‘sa tingin ko ay, nagugustuhan na kita.. ‘
‘sa tingin ko ay, nagugustuhan na kita.. ‘
‘sa tingin ko ay, nagugustuhan na kita.. ‘
Napataas ang kilay ang ko,’tinitrip nya ba’ko?’ sa sandaling minuto ay napahawak ako sa noo ko kasabay ng pag hagod pababa papunta sa buhok kong basa dahil ss tubig na dumadaloy sa shower.
Lukot ang mukha kong nakagat ang pang ibabang labi habang nakapikit.’ isa ma’y walang nasasagot sa mga katanungan ko.’
Bumalik lamang ako sa ulirat ng may kumatok sa pinto ng banyo.
“Besh!”tawag ni Yana kasabay ng dalawang sunod na pag katok.
‘huh? Bakit nag iba yata ang ihip ng hangin at narito sya ngayon? ‘
“siguro’y balak mo talagang mag pa-late, nahiya ka lang sa’kin.”bungad nya ng makalabas ako, napanguso na lamang ako tsaka sumabay sa kanyang maghintay ng school bus na dadaan. .”may activity yata kayo ngayon sa P.E kaya kakailanganin mong magdala nang pants.”
Pants!
Napatingin ako sa bag ko kung saan naroon ang pants na hiniram ko mula kay Eight.
“huuy!nakikinig kaba?”tanong ni yana kasabay ng bahagyang pag tapik ng isang kamay nya sa braso ko.
“ah-a-anong klaseng activity?”kaagad na tanong ko.
nag kibit balikat sya.”hindi ko alam e…kahapon ay hindi nakadalo ang karamihan sa inyo kaya ngayon ay iyon ang gagawin nyo maghapon. ”
“paano mong nalalaman ang mga bagay na iyan? ” tanong ko, ayaw kong malaman nya na may ideya ako kung nasan sya kaya pipilitin kung mag nukhang walang alam.
Ngumiti si Yana, “ganun naman ang magkaibigan diba ? Kailangang nababantayan.” natatawang aniya. “sa Activities nyo, wag kang mag alala panunuirin kita. ”
‘paano? E nasa East ka! ‘ gusto ko iyong itanong ngunit muli, na naman syang nagsalita.
” nakita ko si Ck sa school kahapon.”
Heto pa ang isa!
“nakita ka nya?”kabadong tanong ko.
“alam kong ayaw mo kaya nag tago ako…kinausap sya ni Dean matapos ay umalis din, nga pala baka mas dumalang pa ang pag i-stay ko sa unit natin kaya hinintay kita para hindi ka mag alala. ” nakangiting aniya.
“saan ka ma-mamalagi kung ganun?” nag aalalang saad ko ngunit tanging pag ngiti nya lang ang tumugon sa’kin dahil dumating na ang School bus na sasakyan nya.
Hindi ko na talaga alam kung ano ang uunahin ko, si Yana ba o ang pagkatao ko?
Dumaan ang panibagong dilaw na bus, kung saan nakabalandra sa katawan nito ang malaking lettering ng ‘WESTBRIDGE UNIVERSITY SCHOOL BUS’
naghintay ako hanggang makasakay ang iba pang naroon, matapos ay akmang tatapak ako sa hagdan papasok nang maunahan ako ng panibagong paa na nakasuot ng makintab na black shoes pang lalaki.
Unti-unti kong iniangat ang paningin ko ngunit mabilis itong nakaakyat kaya’t hindi nako nagkaroon ng pagkakataon na makita ang mukha nya.
Umakyat na’ko hanggang sa mapagtanto ko na wala na palang available na mauupuan maliban sa gitnang bahagi kung saan naroon..
Na naman?
Si Eight!
Sa halip na magpatuloy ako sa paglakad papasok ay tumalikod na lamang ako para bumaba.
“sit beside me. “napahinto ako sa paghakbang matapos marinig ang boses na iyon.nang humarap ako ay naroon na sya sa gawi malapit sa bintana, nakakahiya dahil nasa akin ang mga pares ng mata nang mga nakasakay dito.
Nakayuko akong naupo sa tabi ni Eight.
Bakit ba palagi na lang kaming nagtatagpo?
Nag ipon ako ng hangin sa pisngi para palobihin iyon, pakiramdam ko kasi ay hindi ako makahinga dahil sa kaba na narito sa dibdib ko.
Ang init!
Huminto ba yung oras
Ba’t antagal makarating!
Hindi ako nagbago ng posisyon mula ng maupo ako, samantalang si Eight ay prenteng nakaupo sa tabi ko habang nakapikit suot ang puting earphone sa tenga nya.
“stop starring”
Pagkabigkas nya noon ay bumukas ang kaninang nakapikit nyang mata. Tumayo sya tsaka naglakad pababa.
Sheyt nandito na pala kami.
Ganun ba’ko katagal na nakatitig sa kanya kaya hindi ko na nakitang nakababa na pala lahat!
‘Nag tatampo kaya sya dahil dinedma ko ang confession nya? ‘
‘pero hindi eh, wala sa bokabularyo ng dyablong iyon ang salitang TAMPO! ‘
nang makababa ako ay nag diretso ako sa paglalakad hanggang sa makarating ng Cafeteria para kumain ng Almusal.
Maingay ang halos lahat nang estudyante na naroon habang ang iba ay abala sa pagkain.
tumungo ako sa line up para mag order at dahil iilan lang ang nakapila doon ay mabilis kong nakuha ang coffee at sandwich na order ko.
Didiretso na sana ko sa bakanteng mesa sa dulo nang tawagin ang atensyon ko.
“hey cutie!”si Raizen lang ang tumatawag sa’kin noon kaya’t lumingon ako, kasama nya si Ivo ngunit napako ang paningin ko sa isa pang lalake na katabi nya at nakangisi sa’kin.
“come on haya!” tawag ulit ni Ivo.humakbang ang paa ko palapit sa kanila na pinag mulan nang mas malakas na ingay nang mga estudyanyeng nandoon at tinitignan ako.
“may…. k-kailangan kayo?”bakit kinakabahan ako!
“maupo ka muna.”anyaya ni Ivo.
“tsk!masyadong strict ang boyfriend nyan..diba.”hindi ko sya nilingon pero nakita ko mula sa gilid nang mata ko ang pag ngisi nya.”kung sa bagay, mahirap nang pakawalan ang perfect ideal na tulad mo.”hindi ko alam kung paano ako sasagot kahit kung ano-ano ang pinag sasasabi ni Eight
‘Tatawa ba’ko?’
‘Ano ba’ng gagawin ko?’
“oh~may boyfriend ka na?”gulat na tanong ni raizen.
“sana ikaw ang maging partner ko mamaya para naman mas makilala kita haya.”sa kanila ay si Ivo lang...


ang matino kong nakakausap.
“ahhhy!…wag ka ngang assuming ivo!”angal ni Raizen.”naka salalay parin yun sa number na makukuha mo.”saad pa nito.
“nagagalit na si Seken.”kuha ng atensyon ng isa pang lalake na sobrang puti mula sa labas.”puros bulakbol daw ang ginagawa nyo..samantalang sya ay hindi manlang daw masilayan ang cafeteria.”natatawang anito.
oo nga..mula ng mag simula ang klase ay iyon ang hindi ko nakikita, natatandaan kong binanggit sya ni Raizen sa welcone party, siguro ay higit na matino sya kaysa sa mga ito.
“tara na..masamang mag tampo iyon.”ani raizen.
“mag tatampo pa sya e’ excuse na nga sya sa ibang subject!”natatawang ani ivo.”pero tayo na.”Sa kabila ng mga ka wirduhan nila ay nakakatuwa pala silang kasama.
“paano cutie,aalis na kami.”ani raizen na tinanguan ko naman.nag wave si ivo bago tumalikod tsaka naglakad palayo pero nagulat ako nang huminto sa pag hakbang si Eight na na’sa kahuli hulihan nila tsaka itinagilid ang mukha paharap sa akin.”tandaan mo ang numero ko.”saad nya habang mayabang na naka ngisi tsaka tuluyang nag lakad palayo.
‘tandaan mo ang numero ko’
‘tandaan mo ang numero ko’
‘,tandaan mo ang numeroko’
“Nababaliw na yata ako.”nasabi ko sa sarili ko matapos mag paulit ulit sa tainga ko ang boses nya habang nakaupo .
“hayasein?”tawag pansin sa’kin ng pamilyar na boses. Si Kenzo.
nakangiti syang nag lakad palapit sa’kin bitbit ang tray kung saan naro’n ang pag kain nya.
“pwedeng maki upo?”paunang wika nya, hindi pa’ko nakakasagot ay naupo na sya.”kamusta ang pakiramdam mo?…sabi ng mga chismosang estudyante ay may nangyare sa’yo?”bakas ang pag aalala sa kanya pero mas napansin ko ang ka cute’an na pinapakita nya habang nakanguso.’
Ngayon nya lang nalaman na nag disminorhea ko samantalang nung isang araw pa iyon… San kaya sya nang galing? Madalang ko din syang makita nitong mga nakaraang araw.
“okay na’ko”paunang saad ko na hindi inalais ang paningin sa kanya.”mag ka edad lang tayo pero pakiramdam ko ay napaka baby mo hahahaha.”dagdag ko na nag pa ngiti sa kanya.
“eh di BABY mo na’ko?”nakangiting aniya nang salubungin ang paningin ko.sinadya nya yatang idiin ang gitna ng sinabi nya na ikinahinto ko sa pag higop nang kape dahilan ng pagkaka samid nang mabigla sa init niyon.
“cough!cough!”ubo ko.mabilis na bumalandra sa mukha nya ang pag kataranta at mabilis akong dinaluhan kasabay ng pag haplos nya sa likod ko.
“hey,are you alright”aniya habang patuloy sa ginagawa.tumingala ako para makahinga nang maayos.”ano ba ang nangyare sa’yo?”wika pa nya.
‘pumasok yung kape sa ILONG KO!
“w-wala…ang mabuti pa ay tumungo na tayo sa locker para maka pag palit ng Uniform.”anyaya ko tsaka ko Dinampot ang bag at tumayo.
~
mabilis akong nag palit ng t-shirt kapareha ang pants na dapat ay ibabalik ko kay Eight.
“okay na ba yung labi ko?”
“maganda na ba’ko?”
“pahiram ng salamin!”
“kyaaaaah!..oh! my! god! nandoon ang mga heartrobs!”
Haisst!ang ingay!
Minabuti ko nang lumabas sa locker.
“KENZO?..anong ginagawa mo pa dito?”tanong ko ng madaanan sya sa bench na katabi ng lugar.naka cross legs sya habang naka halukipkip ang mga braso.
“waiting for you.”maikling sagot nya tsaka tumayo.”totoo ba na…may boyfriend ka na?”tanong nya ng makatapak na kami sa makapal na damo ng field.
“san mo naman na laman?”tawa kunwaring saad ko bago sya lingunin.” bwisit talaga ang dyablong iyon pati si kenzo ay nagtatanong na tuloy! “tsaka bakit mo naitanong?”sagot ko sa alanganing tono habang patuloy sa pag lakad.
“kailan pa naging sagot ang tanong?” bigkas nya habang nakanguso.naroon na naman ang ka cute’an nya, hindi ko tuloy naalis ang paningin sa kanya.
“ah.”daing ko tsaka lumingon sa bumangga sa’kin.
Si Eight!
kasalukuyan syang nakatingin kay Kenzo pero mabilis din na bumaling sa’kin kaya’t mabilis kong pinadapo ang paningin ko kung saan saan para ilayo ang atensyon sa kanya.
Kailangan ko nang i pa’ check-up ang mata ko!
Kahit pilit kong ibaling sa iba ang atensyon ko ay kusa iyong bumabalik sa walang emosyong mata ng Dyablong ito.
Dahil kay Eight ay hindi ko manlang napansin na narito na pala ko sa grupo ko. “ah…marahil hindi mo pa’ko kilala,ako si primotivo i’m in the 6th position as a school council.”si Kenzo ang kausap.
“ako naman si Raizen pang pito sa pwesto.”nakangising anito.
“i know you both…..very-very much.”nakangising sagot din ni Kenzo na parang nang aasar.
“GRAY… go now.”kalmadong utos ni Eight ngunit nag babadya ang tensyon sa pagitan ng tatlo .mabuti na lamang at sumunod kaagad si Kenzo.
“where did you get your pants.” nakataas ang kilay ni Thalia ng mag tanong.
“required ba’ng sabihin?”seryoso ako at hindi ko pakay ang inisin sya.
“woah~bakit may initial?”nakangiting ani Raizen habang nakatingin sa gilid ng pants na suot ko.nilingon ko iyon at kaagad na kinagat ko ang aking labi ng makita ang initial.
E.I.T
Siguro ay sinadya ng Dyablongiyon na ito ang ibigay para lalong magalit ang Fiancè nya.
binaling ko kay Eight ang mata ko ngunit nakangisi sya habang nakataas ang kilay.
‘BWISIT KA TALAGA! ‘
*CLAP! CLAP! CLAP!
“good morning Guys, so we’re here to make another activities.”nakangiting saad ni Miss Claire.”para ma’kapag start na tayo ay bumunot na kayo nang number sa kahon.”
Mabilis naman na sumunod ang lahat nang estudyante.”wag nyong subukan na buksan ang papel na nakuha nyo.”kaagad na anunsyo nito.
“natatakot ako.”anang kaklase kong babae na na’sa kabilang grupo kasama ang kaibigan nya.
“bakit naman?”tanong nito.
“ang sabi kasi ay hahatiin sa tatlo ang isang group..paano kung lalake ang makapareha ko”paliwanag nya dahilan nang pag katigil ko.
Paano nga kaya kung si Eight ang makapareha ko?
haisst!kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko!
Naglabasan ang ilang sophomore na syang may dala sa mga fold at sinisimulan nang mag tali sa mga kasama namin hanggang sa matalian na pati ang mata ko.
‘wala akong makita, kinakabahan ako!.’
Nakagat ko ang labi ko nang may humawak sa kamay ko para isalikop sa sariling palad ang mga daliri nya.
DROP YOUR COMMENT PLEASE SALAMAT SA SUPORTA 😍😍






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top