Incompatible Part 11


Author: Ren Salazar
Mabuti na lang at nagustuhan ng lolo ni Bekket si Schiyev kahit na lingid sa kaalalaman nito na hindi totoo ang lahat ng kanyang alam.
” Saan ba yung bahay na inuupahan mo?”
Nasa likod ni Bekket ngayon si Schiyev sakay ng motorsiklo nito. Ihahatid siya ng kalahating lalaki at kalahating babae sa bahay na inuupahan.
” Malapit na. ” Sigaw niya para marinig ni Bekket.” Lumiko ka sa unahan saka dirediretso hanggang langit. ”
” Ano?!” Nabigla si Bekket sa sinabi nito.
” Basta! Malalaman mo kung nandon na tayo.”
Lumiko si Bekket. Dumiretso naman sa sunod na daanan. Ilang minuto pa at narating na nila ang inuupahan ni Schiyev.
” Dito na.” Sabi ng dalaga.
Bumaba ang dalaga. Dala na niya ang backpack at ang kanyang maliit na maleta. Gabi na siya naihatid ni Bekket dahil sa may mga bagay silang pag uusapan.
” O! Asan na yong langit na sinasabi mo?”
( ” Huu…ang lakas ng loob ng naman ng babaeng ito dalhin agad ako sa langit.” Bulong niya.)
” Hayun o! ”
Tinuro ni Schiyev ang mataas na hagdanan papunta sa kanyang bahay. Kung iisipin nga para itong papuntang langit dahil sa taas.
” Diyan ka nakatira?!” Sabay turo nito.
” Oo! Parang langit diba? Ang taas?”
” Wala bang elevator?”
” Meron!”
” Eh,bakit maghahagdan ka pa?”
” Hay Naku! Ayokong lumabas muli ang kinain ko kanina. Ang sakit kaya sa tiyan.”
Naalala nga pala ni Bekket. Takot ito sa elevator.
” Sasama ka ba sakin sa bahay?” Tanong ni Schiyev sa kanya.
” Ah. Hindi na. Safe ka na naman kaya aalis nako.”
” Sige. Ikaw ang bahala. ” Akmang tatalikod na pero nagsalita uli t si Bekket.
” Sandali lang. ”
” O? May sasabihin ka pa?”
” Susunduin kita bukas. Isasama kita sa bahay. Narinig mo naman ang sinabi ng lolo ko diba?”
” Oo!” Tango ng dalaga. ” Pero ang bilis naman. May pasok ako sa school bukas ng umaga.”
” Susunduin kita ng alas 6.”
” Ha?! Ang aga naman. 9 pa yung pasok ko.”
” Maaga akong pumapasok sa opisina kaya maaga kitang susunduin. Kasama ang paghatid sundo sayo sa sinabi kong ako na ang bahala sa pag aaral mo.”
“Mm..” tango ulit ni Schiyev at nakatitig kay Bekket.
” At saka..baka sabihin mo ang sama ko. ”
” Bakit naman?” Nagkasalubong pa mga kilay ni Schiyev.
” Simula kanina sa opisina ko,lagi mo kong tinititigan. ”
” Syempre..kinakausap mo ko. Alangan naman titingin ako sa iba.eh gayong nasa harapan kita at nag iisa.”
” Ha?! ” Mukha yatang nalito si Bekket sa sinabing iyon ni Schiyev.
” Bakit mo naman sinabing iisipin ko na masama ka?”
” Karamihan kasi sa nagpapanggap ay nahuhulog ang loob sa isat isa. Well,hindi kita masisisi kung mangyari sayo yon. Pag ganoon nga,hindi kita pipigilan na ma inlab sakin. Pero pinapaalalahanan na kita ngayon pa lang. Hindi ako ma iinlab sayo. Hindi tayo talo. Hmmm?”
” Sasabihin ko rin sayo,Mr. Choi. Kung saka sakaling maiinlab ako sayo sa panahon ng pagpapanggap natin dahil sa lolo mo, hinding hindi ko pipigilan ang sarili ko. Tanungin mo ko kung bakit?”
(Natigil saglit si Bekket.” Ang prangka naman ng babaeng ito. ” )
” Bakit?”
” Sino ba namang hindi maiinlab sa isang gaya mo na gwapo at mayaman? Tapos…tingnan mo, ang astig mong tingnan. Lalo na yung abs mo oh!” Sabay hawak sa tiyan ni Bekket. Pero agad ring umiwas.
” Oy! Yung kamay mo,ilagay mo sa tamang lalagyan ha!” Saway niya.
( ” Grabe two. Nanamantala agad yung kamay. Hindi pa kami kasal niyan ah.” )
” Hmmp! Magiging mag asawa rin naman tayo kaya ngayon pa lang masanay ka na. ”
” Umakyat ka...


na nga lang. Alis nako.”
” Sandali! Wala bang kiss?” Kunway biro ni Schiyev.
Nanlaki ang mga mata ni Bekket. Ganoon na ba si Schiyev ngayon? Ibang iba na sa schiyev na nakilala niya noon? Nagkamali yata siya sa inisip rito.
( ” Abah…hinahamon ako ng girlalu na to. Hmp! Malas mo lang. Boy bet ko nwo!” Sabay taas ng isang kilay )
” Alis nako.” Hindi niya ito pinansin.
Sumakay na sa motorsiklo at agad na pinaharurot ito. Pinausukan pa si Schiyev.
” Uhoo! Uhoo! ” Sabay hawi sa usok na nalalanghap niya.” Ang bastos niya ah.”
Umakyat na agad si Schiyev. Napagod siya araw na ito. Ang daming nangyari. Sa isang iglap,magbabago buhay niya.
Pagkapasok ng bahay na inuupahan, agad na humilata sa kanyang kamang gawa sa kahoy. Nakatingin sa kisame.
” Pagkatapos ng kasal namin…huh! Magbabago na buhay ko. Namin ni nanay. Gagalingan ko para may bonus na kasama. Kaya ko to!” Pinapalakas niya ang kanyang loob para matatag na harapin ang susunod pang magaganap.
Nakatulog agad ang dalaga. Napasarap at himbing himbing at tuloy hanggang umaga. Nanaginip ng maganda na walang iba kundi si Bekket mismo ang bida.
” Mmm……” bumangon sabay ” ahhhaahh!!” Nilalaro pa niya ang kanyang bibig habang humihikab.
Umalis siya sa kama. Diretso sa munti niyang kusina. Gulong gulo pa ang kanyang buhok. Pa kamot kamot pa ng kanyang kili kili sabay inamoy at napangiwi.
Ang hindi niya alam,may nagmamasid sa kanyang ginagawa.
” Hmm…ang baho ko na.” Hindi kasi siya naglinis ng katawan kagabi kaya ganon na lang ang amoy niya.
( ” Eww….ganito ba siya tuwing umaga?” Puna ni Bekket na tahimik na nagmamasid.)
Pumasok siya ng banyo at naligo. Pa kanta kanta pa siya. At nang matapos, nagtapis ng tuwalya at lumabas ng banyo.
Natigil siya ng makaharap sa mesa. Kinusot kusot pa niya ang kanyang mga mata.
“O?! ” Sambit niya. Para kasing nakikita niya si Bekket ngayon.
” Hi” kumaway pa ito sa kanya.
” O! ” Sambit niya ulit saka pinagsasampal ng mahina ang magkabilang pisngi.
Baka kasi hanggang ngayon ay nananaginip pa rin siya. Dahil ito sa kakaisip sa kung anong mangyayari sa susunod pang mga araw na kasama ang taong ito.
” Haayshht.”
Hindi na lamang niya ito pinansin. Baka kasi namamalikmata lang siya dahil sa iniisip niya ito kagabi.
Tuloy tuloy na lamang siya sa kanyang kwarto ngunit bigla namang natigilan.
” Teka…” Humarap siya sa mesa. Bigla tuloy gusto niyang kumpirmahin kung totoo ang nakikita.
” Good morning!” Bati ni Bekket sa kanya na nakangiti.
” WAaahhh!!!!” Sigaw niya nang matauhan.” Bakit ka nandito?!paano…paano ka nakapasok?!”
” Bakit ako nandito? Sinusundo kita. Paano ako nakapasok? Well,money can do anything.” Maagap na sagot ni Bekket.
” Binayaran mo ang may ari ng bahay nato?!”
” Ah uh!”
Nawala yata sa isip ni Schiyev na nakatuwalya lang siya kaya bigla siyang sumigaw ulit nang ma alala. Pumasok sa kanyang silid at doon walang tigil sa pagsigaw.
” Ahh!!!!” Ahh!!!”
Nainis naman si Bekket sa ingay niya.
( Hmmp! Kala mo naman,may nawala sa kanya. Eh,mas maganda pa katawan ko nwo.” )
” Sche…schi…CHe! ” Nahihirapan pa rin siyang banggitin ang pangalan ng dalaga. “Dalian mo ng magbihis diyan. Ihahatid pa kita sa school mo bago ako pumasok ng office ko.” Sabi niya habang nakasandal na sa pinto ng kwarto ng dalaga.
( ” Ang arti arti neto” )
Bumalik muli sa mesa at matiyagang naghintay sa dalagang magiging asawa niya ilang araw na lang simula ngayon.
Samantala sa silid ni Schiyev…
” Mokong iyon,ah!” Inis niya.” Hayyts….Aning. Ano bang sinisigaw sigaw mo eh nakitaan ka na niya kahapon. ” Pinagalitan pa niya ang kanyang sarili. Kumuha na ng damit saka nagpalit.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top