Author: Ren Salazar
Mula sa di kalayuan ay natatanaw na niya ang kaibigan niyang si Rhea. Kahit medyo malayo pa ay natatanaw niya ang tila kay tamis na ngiti habang may tinitingnan sa cellphone na nasa kamay nito.
” Naku si Rheang..aga aga,kinikilig na ang puwet. Pihadong si Zuriel na naman yan.” Bulong niya sa sarili nang papalapit sa kaibigan.
Ni hindi man lang naramdaman nito ang paglapit niya.
” Uy!! ”
” Ayy! Ba’t nangugulat ka?” Muntik pang mahulog sa kamay nito ang telepono. Sabay lingon sa nagsalita.” Aning! Nandito ka na pala!”
” Kararating ko lang. Mga…dalawang oras lang naman.”
” Hmmp…kararating pero dalawang oras na.”
” Hehe..biro lang. Kararating ko lang talaga. O,tara na. ” At nagsimula nang maglakad.
Mabuti na lang at maayos ang kalsada sa bayan nila kaya mabilis silang nakakalakad.
” Rheang…..”
” Hmm?” Sagot nito na ang mga mata at nakapako sa telepono.
” Hindi ka ba nagsasawang tingnan yang mukha ni Zuriel? Tingnan mo oh..naka wall paper mo pa.”
” Aning…..ang guwapo niya kasi. Yung bawat araw na nakikita ko siya,parang ang swerte swerte ko.” Kinikilig nitong sabi. Parang may kung anong bulate sa katawan dahil sa nagtatalon talon ito.
” Paano kaya yon?”
” Naku!!!! Magkagusto ka kaya sa isang lalaki at nang malaman mo kung totoo. Eh,malas yata ang araw mo ngayon. Tingnan mo. Basa yang ibabang bahagi ng palda mo. May baha ba sa inyo?”
” Isshh…wala no. Si Aling Lilian kasi natapunan ako ng binanlawan niyang tubig kanina.Kaya pinahiram niya ko ng tuwalya para mapunasan ko.” Saka niya naisip ang halik ng kanyang ina. Yun ang swerte niyang maituturing pero hindi yata kinaya ang dala nitong swerte laban sa malas na natamo niya ngayon.” At saka,tama na sa kin ang halik ni nanay na pampaswerte ko pero hindi naman gumagana.” Sinabayan pa niya ng maliit na tawa. Nakihagikhik naman ang kaibigan niya.
Nagpatuloy lang sa pagkukuwentuhan ang dalawa hanggang sa makarating sa gate ng kanilang school at tuluyan na ring pumasok diretso sa room nila.
” Tamang tama,maaga pa kaya mag rereview muna ako. May exam yata tayo mamaya.”
” Pwede bang sumabay sayo?”
” Uh ah! Hindi pwede Rhea. Hindi ako sanay na mag aral na may kasama. Sorry. At saka alam ko namang hindi ka mag aaral dahil mas gusto mo pang tignan yang Zuriel sa telepono mo. ”
” Hmmp. Mag aaral din ako no.”
” Kelan? Bukas? Pag tapos na ang exam?Rheang mag aral ka nga. Baka nakakalimutan mong matalino yang crush mo. Baka mapahiya ka lang.”Realtalk yun galing kay Schiyev.
” Heto na nga,mag aaral na. ”
” Simulan mo na habang may oras ka pa.”
Nasa corridor silang dalawa nang mapadaan si Zuriel. Ang kolehiyong crush ni Rhea. Nag sasaulo si Schiyev non na nakatanaw sa iba iba ng building kung saan ang room nila nang mahagilap ng kanyang mata ang lalaki.
Namilog ang kanyang mga mata. Aaminin niyang may itsura nga ito kahit na parang mahinhin kung kumilos. Simple lang ang lalaki. Matangkad at payat. Katamtaman lang ang kulay ng balat.
Siniko niya si Rhea na kasalukuyang nagbabasa.
” Rheang….Rheang tingnan mo. ”
” Alin? Saan? ”
” Ayun oh!” Ngumuso pa si Schiyev sa naglalakad na si Zuriel.
” Wuhaaaa!!!! Ang swerte ko..ayan na ang naglalakad kong swerte!” Tili nito.” Siguradong papasa nako ngayon sa exam natin mamaya,Aning!”
” Hmmm…” Tugon ni Schiyev na suot ang nag aalangang ngiti. Saka bumaling na sa librong hawak para ipagpatuloy ang pag aaral.
” Haaayyy…..” Itinukod pa ni Rhea ang dalawang kamay sa pisngi. ” Zuriel….”
Samantalang si Schiyev ay patuloy lang sa pag aaral. Inayos pa niya ang kanyang salamin sa kanyang mga mata.
Oras ng exam. Dahil sa nakapag review si Schiyev,naging madali lang...