Author : Ren Salzar
Palabas na ng gate si Schiyev nang makita niya sa di kalayuan ang nag uumpukang grupo ni Kobe. At kasama nila si Zuriel. Tantya niya ay para itong pinagtatawanan nina Kobe.
” Naka ilang girlfriend ka na ba? Ha..Zuriel?”
Tumingin si Zuriel sa nagtatanong na si Kobe.
(” Girlfriend? Haay Kobe..ikaw lang ang gusto ko.” Sabi niya pero sa utak lang.)
” Wala. ” Totoo namang wala siya nun dahil nga sa bakla siya.
” Wala? Bakit naman? Malapit na nating lilisanin ang kolehiyo ,wala ka pa ring naging girlfriend kahit isa lang?” Pagak na tawa ni Kobe.
(“Ikaw lang kasi gusto ko.” Sa isip pa rin ni Zuriel.)
” Ayoko pa. ” Tipid na sagot na lamang niya.
” Ahaha..kobe ,baka naman bakla tong si Zuriel. Tingnan mo naman o. May itsura saka mahinhin kung makakilos. Hindi tulad natin na halatang lalaking lalaki.” Saad ng isa nilang kabarkada.
Pero si Zuriel,nanatiling tahimik lang. Matagal na niyang kabarkada sina Kobe. Pero bakla pa rin ang tingin nito sa kanya. At iyon ay totoo.
” Zuriel…bakla ka ba? Tama bang iniisip namin tungkol sayo?” Si Kobe. Inakbayan pa niya si Zuriel at siya namang lakas ng kabog ng dibdib nito.
” Hindi,Kobe. Wala pa talaga sa isip ko ang ganoon. Saka,madami namang babae diyan. Madali lang makakuha ng isa kung gugustuhin ko.” Seryoso namang anas ni Zuriel.
” Ows..talaga? Pero..hindi kasi ako kuntento sa sagot mo.”
Hindi pa rin kumbinsido si Kobe sa sagot ni Zuriel kaya naman inutusan niya itong halikan ang isang estudyanteng may hawak na libro.
” Kung talagang straight ka,halikan mo nga yung babaeng iyon?” Tinuro ni Kobe ang isang teenager na girl na paparating sa pwesto kung saan sila nag uumpukan kasama ang barkada.
Nilingon ni Zuriel ang babae. Nag aalangan man pero kailangan niyang gawin upang hindi siya pagdudahan ni Kobe.
(” Nakuu..kainis naman.” Bulong ni Zuriel sa kanyang isip.” Iki kiss ko talaga ang bruhang ito?” May kasama pang pandidiri na turan. ” Bahala na…” )
Bigla niya itong kinabig sa beywang saka pinalapit sa dibdib niya. Tinitigan nang mabuti.
(” Heto na…” Pagpapatuloy niya sa pagiisip.Saka pikit matang kinitlan ng halik ang babaeng nakadikit sa kanyang dibdib.)
Tssuupp!!!
Nang makabitiw sa halik,sandali silang nagkatitigan. Si Zuriel na may halong takot at hiya ang titig at ang babae na kahit nakatago ang mga mata sa salamin nito ay halata ang pagkagulat. Ang babaeng teenager na iyon ay si Schiyev. Mabuti na lang at hindi niya kasama si Rhea dahil kapag nagkataon,masisira ang pagkakaibigan nila dulot ng eksena ngayon.
Nakabawi si Schiyev mula sa pagkagulat at umayos sa pagkakatayo saka tinuhod ang ibabang bahagi ni Zuriel pagkatapos nya itong binigyan ng malutong na sampal.
Paaakkk!!!
” Ouchh” daing ni Zuriel sa kanyang isip.
(” Ang lakas nun girl ha..” nasa isip pa rin niya. Hindi siya pwedeng magpahalata.)
Booogg!!
(” Hmmmp!” Pinigil ni Zuriel ang daing na ” ang balls ko.” Impit na turan niya pero siya lang ang nakakarinig.)
Gusto niya ring patunayan na kaya niyang isa walang bahala ang sakit na natatamo ngayon mula sa dalagitang mabagsik ang naging turan dahil sa ginawa niya.
” Hahahahhah!!! Nagtawanan ang mga kabarkada nila. Lalo na si Kobe.
Pinukulan ng masamang ng tingin ni Schiyev ang mga ito. Saka tumalikod at tuluyang umalis.
” Isshh…ang lalaking iyon! Kapal ng mukhang halikan ako. ” Sabi nya habang hinahawakan ang kanyang labi.
Samantalang,tuloy tuloy pa rin na pinagtatawanan nina Kobe si Zuriel.
” Hahahah!”
” O ayan,Zu. Wala ka ngang girlfriend pero may nahalikan ka na. Hanga rin ako sayo no. Ang lakas ng loob mong sundin ang pinagagawa ko.”
(” Gusto kasi kita…” Bulong pa rin nito sa sarili.)
” Pinatunayan ko lang na..hindi ako bakla.” Yun na lang ang sinabi niya.
Inakbayn siya ni Kobe. Kinilig naman pwet ni Zuriel sa pag akbay sa kanya.
(” Shaakkkss…ang bango niya.” Kausap pa rin ni Zuriel ang sarili.” Mmm..” sabay amoy na hindi pinapahalata.)
” Alam ko. Nakita ko naman. Diba mga tol?”
” Tama…tama.” nagpatango tango pa ito.” Akala kasi namin bakla ka kaya pasensya na.”
” Wala iyon.”
” O,ano Kobe? Susunduin ba natin girlfriend mo?” Wika ng isang barkada nila.
Napatingin si Zuriel kay Kobe. Naka akbay pa rin ito sa kanya.
” May….may girlfriend ka na?” Nalungkot si Zuriel sa kanyang narinig.
” Oo. Sa guwapo kong ito,imposibleng wala no. Sumama ka samin. Pakilala kita sa girlfriend ko.”
” Haa?? Ahh..sige.” alinlangan niyang sagot.
Pinakilala ni Kobe ang girlfriend niya kay Zuriel. Ang huli naman,kahit na parang tinutusok ang kanyang puso,umaakto pa rin siya ng maayos.
Matapos masundo at mapakilala ni Kobe ang girlfriend nito,nagpasya nang umuwi si Zuriel.
At sa bahay…..
” Nay..mano po.”
” Kawaan ka ng Diyos ,anak.”
” Akyat lang po ako sa itaas. Magpapalit po.”
” Sige.. ”
Hindi nahalata ni Zuriel ang kalungkutan sa mukha ng ina. Ang tanging laman kasi ng isip ni Zuriel ay ang...