TOO MUCH LOVE Ten


by: Gail Montenegro
“Jade nakapaswerte mo kay ace” rinig nyang sambit ni kaye sakanya habang nagdidinner sila sa loob ng hotel kinagabihan
Tumango sya saka ngumiti sa kaibigan “yap totoo yan!” Saad nya habang tumatango at pagdakay napakagat labi’t hindi na napigilan ang pagtulo ng mga butil na luha mula sa kanyang pisngi “i love him dahil busog na busog ako sa pagmamahal nya ,pero kaye…? Paano kuba susuklian iyun? Paano ba ang dapat kong gawin? Tinatalo ako ng totoong ako parang hindi ko sya kayang panindigan.”
“Jade alam kong hirap kana pero isipin mo naman yung taong halos tigang na sayu ,ou sige ipaglaban mo kung sino ka talaga katulad ko pero ang tanong ,kaya mubang pakawalan si ace? Kaya mubang saktan si ace? Kaya muba syang iwan? ..jade magisip kang mabuti bago gumawa ng desisyon.. masyadong masaya si ace sa piling mo para saktan mu sya ng grabe ,nakikita kong hindi nya kakayanin, tignan mu syang mabuti at titigan sa mga mata at makikita mo ang mga sinasabi ko sayu dahil ako mismo nasasalamin ko sa mga mata nya” malungkot nitong hayag sakanya
Pinunas nya ang luha gamit ang likod ng kanyang kamay saka muling itinuon sa pagkain ang sarili.. nang matapos silang magdinner ay agad silang naligo
“makikisabay ako!” Pigil ni kaye sa pintuan ng banyo nang isasara na nya
“Sapak gusto mo ,akala muba hindi ko alam na pinagnanasahan moko!” B*liw nyang sita dito
Ngumisi si kaye saka malakas na itinulak ang pinto ng banyo at mabilis na pumasok “ligo na!!!” Sita nito bago binuhay ang shower at sabay nga silang nagtampisaw sa malamig na tubig.. pagkatapos maligo ay mabilisan syang nagbihis saka hinarap naman ang laptop habang si kaye ay nakahiga na sa malaking kama “jade mauna na ako” paalam ni kaye
“Sige may tatapusin lang ako saglit..” lingon nya dito ,nakita nya ang kaibigan na dumapa na totoong matutulog na nga ito ,muli nyang itinuon ang attention sa monitor saka pinag aralan ang bawat detalye tungkol sa new ice cream product para bukas ,humikab sya at tutunguhin na sana ang kama ng marinig nya ang kanyang phone ,agad nya iyung sinagot ng makita ang cs nila ng nobyo
“Hi nakaistorbo ba ako?” Bungad ni ace sakanya
“Hindi naman ,matutulog nalang naman sana ako pero mamaya nalang.” Sagot nya dito
“Kumain kanaba? Please alagaan mo ang sarili mo dahil bukas tutungo nanaman ako ng japan mamimiss nanaman kita baby ko.. sana pagbalik ko pumayag kana sa alok ko sayo kahapon..” sabi nito sakanya na ang tinutukoy ay ang tungkol sa kasal
“K-konting panahon pa ace…”
“Its ok with me babe ,maghihintay ako habang buhay ,hanggang gusto muna at ikaw mismo ang magsabing sige pakasal na tayu babe!!” Bulong ni ace sa linya ,ramdam nya ang lungkot nobyo hanggang sa magpaalam na ito dahil maaga ang flight ng mga ito bukas na sinangayunan naman nya ,muli itong nagsabi ng i love you sakanya na mabilis nyang tinugon this time ay wala ng mintis at hindi na sya nabulol pa
Habang palalim ang gabi ay Hindi nya makuhang matulog ,pabaling baling lamang si jade sa kama at pinagiisipan ang tungkol sa propose ni ace na magpakasal na sila ilang sandali lamang ay nabuo ang isang desisyon sa isip nya magpapakasal na sya ,sasang ayunan na nya ang gusto ni ace ,magpapakasal na sila at magpapamilya ,gagawin na nya ang matagal nang pangarap ng nobyo “pagkabalik na pagkabalik nito mismo mula sa...


japan” ani ng kanyang isipan bago tuluyang ginupo ng antok.
Pagsapit ng umaga ay maagang ginising ni kaye si jade as usual dahil mukhang ginabi na ng tulog ang kaibigan “tol gising na ,akala kuba mas maaga kapa sa maaga gigising..” yugyog ni kaye sa kaibigan pero parang mantika ito matulog kaya umisip sya ng paraan para magising ito naisip nyang kumuha ng malamig na tubig mula sa reff na nasa sala saka idinikit sa pisngi ni jade.
“Oh my gosh!!!!” Malakas na tili ni jade ,halos manigas ang pangan nya dahil sa kung anong sobrang lamig na bagay na dumikit sa pisngi nya “kaye!!” Galit nyang bungad pagmulat ng mata at makita ang hawak nitong bottled “sh*ty ka talaga..” hampas nya dito saka ito sinipa palayu
Tumatawang tumayu si kaye “himbing mo kasi matulog eh anong oras na kaya..” angil nito sakanya na inginuso pa ang malaking wall clock
Nang makita na alas nuebe pasado na mabilis syang tumayu at agad na tinungo ang banyo ,muntik pa syang napada dahil sa pagmamadali
“Hey…hawak mo oras mo magdahan dahan kanga ,kapag ikaw nabangasan talaga dyan hindi kita tutulungan..” tatawa tawang sigaw ni kaye
Sa halip na sagutin ang kaibigan ay binilisan na lamang nya ang pagligo at kaagad ring lumabas at nagbihis bago inayus ang mga kailangang dahil sa isang malaking shoulder bag “dimu manlang ako ginising!” Sisi nya kay kaye
“Eh ano ba sa tingin mo ung ginawa ko hindi ba iyun paggising sayu…pasalamat kat nakaisip pako ng paraan magising lang yang parang mantika mong diwa..” iling g kanyang kaibigan na tinawanan din nya ,napansin nyang nakabihis nadin ito ng panglakad ,nilapitan nya ito saka kinaladkad na paalis.
Pagdating sa planta ng ice cream ay agad silang inihatid sa isang private office na madalas nya ring lagian twing binibisita nya ang planta at ang mga branches dito sa tarlac ,satisfied sya sa bilyong kinikita nya dito pa lamang dahil talaga namang tinatangkilik ang masasarap na mga products nila ,sinisiguro nyang malinis,masarap at garantisado ang lasa na hahanap hanapin talaga ng masa ang mga producto nila na masagana naman dilang sa tarlac kundi sa buong pilipinas na
“Mam hayaan nyu pong ipakilala namin kayu sa lahat ng stuff sa plantang ito..” pakiusap ng advisory na nangangasiwa sa buong planta
“No need miss aguire ,since alam naman na nila ang pagmumukha ko hindi na kaylangan ,magrorolling lang kami para makita kung paano ang mga tauhan dito ok” tatango tango nyang wika na sinang ayunan naman ni kaye ,sinamahan naman sila nito at ipinaliwanag ang mga bagay bagay dahil matagal narin ng huli syang magawi dito hanggang sa kusang tumigil ang mga paa nya dahil sa babaing nahagip ng mata nya ,ilang beses syang napalunok habang nakatitig sa maganda nitong mukha at balingkinitan nitong pangangatawan para itong isang model sa tindig nito ,bigla ang paglukso ng kanyang puso sa hindi malamang dahilan ,kumabog iyun ng kumabog at tuluyang nagwala lalo na ng pamalingon sakanya ang naturang babae ni hindi manlang ito ngumiti sakanya na naghatid sa dibdib nya ng matinding inis
“Mam may problema puba!” Agaw pansin ng kasama nilang nangangasiwa
“Wag mu syang intindihin nagiinspection lang yan..” rinig nyang sabi ni kaye kaya napalingon sya dito at nakitang nakatitig na pala ito sa tinitignan nya “wag mong sabihing tinamaan ka!” Ngisi ni kaye sakanya na nginisihan din nya
“Sana nga hindi!!” Tiim nyang saad habang nakatitig parin sa babaing umagaw ng buong attention nya.






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. nwmoshehdkksegdjqakoddhgdnrdjxkxjdbbenwkeiegrbfcjdkskisdhgdgyrdgdsfsrytdhfugutgdfvbckhUTudyydtfsdsfyutiouiyihffssx fbbcdbdhsgretytjhhxbgdhryryyiuotitsfsxgkhkyotuyetsfzvfhjgyiurgesfzvgjiyeywraesafsjkhpyoe

  2. hi po hi po hello helli mahalkita

Leave a Reply


top