I HAVE TWO BBF


I HAVE TWO BBF
I was in kinder that time and that was the first time I saw them. Nag-aaway sila, mukhang may pinag-aagawan na gamit. Nagsisigawan na rin sila kaya nagdecide ako na pumagitna para umawat. Doon nagsimula ang pagkakaibigan naming tatlo.
“Okay class get a one whole sheet of paper, magpapaquiz ako.”
Kinuha ko sa bag ang papel ko at natigilan na lang ako dahil nakalahad na kaagad ang kamay nila sa pagmumukha ko. Nagkatinginan pa silang dalawa bago muling tumingin sa akin.
“Pahinging papel!” sabay pa nilang sambit.
Ang kakapal ng mga mukha, sila pa itong humaklit at kumuha ng halos kalahati sa papel ko. Nakalampas lang naman kami ng elementary na ako ang supplier nila ng papel.
Habang tumatagal ay lalo kaming nagiging malapit sa isa’t-isa. Parang magkakapatid na ang turingan namin, sila ang mga kuya kong pasaway at ako ang prinsesa nila. Dahil din sa palagi kaming magkakasama ay hindi maiwasang pagusapan ako ng ibang tao, kesyo malandi raw ako at dikit ng dikit kay Leo at Craig.
Pero hindi nila pinalampas ‘yon, kaya’t heto kami ngayong tatlo sa guidance at tumatanggap ng sermon.
“Bakit n’yo kasi pinatulan? bakla ba kayo? mga babae ‘yon gaga,” pabulong na aniko dahil baka marinig kami ni dean.
“Tsk, pake namin kung babae sila? ikaw na ‘yong inaapi nila ‘no, alangan namang makinig lang kami Reese?” inirapan pa ako ni Leo.
“I agree, we can’t just stand there seeing you looking kawawa. We won’t let you cry again, Reese. Love you!” nag-finger heart pa si Craig at bahagyang ngumuso. Napangiti na lang ako, ang swerte ko sa kanila.
“Kami lang ang pwedeng mag-paiyak sa’yo HAHA,”
Kaya nilang sabayan ang hilig ko, alam nila kung paano ako papasayahin sa tuwing nalulungkot ako. Lagi silang nar’yan kapag pakiramdam ko walang-wala na ako. Sila itong kinapitan ko, pinagkatiwalaan at source of energy kapag pagod na ako. Tinuruan nila ako na maging malakas kagaya nila, tinuruan nila akong maging matapang at matatag.
Doon ko naisip na sobrang sarap magkaroon ng kaibigan na katulad nila. Akala ko noon babae lang ang nakakaintindi sa nararamdaman ko, na babae lang ang pwedeng maging kaibigan ko. Mali pala ako sa akalang porque lalaki sila hindi nila...


kayang intindihin ang nararamdaman ko—dahil babae ako.
Nahanap ko sila no’ng iniwan ako ng lahat, nakita ko sila no’ng pinagkaisahan ako ng nga taong pinagkatiwalaan ko ng sobra. At nagpapasalamat ako dahil kung walang nanira, wala akong natagpuan na mga tunay na kaibigan. Na kahit magkaiba sa kasarian alam nila kung paano ako iingatan.
We graduated together.
Nakaupo kaming tatlo ngayon sa bubong ng bahay ni Craig, nasa loob ang mga parents namin dahil inanyayahan n’ya kami na dito na lang magcelebrate since mag-isa lang s’ya dito. Dahil sa amin naging close na rin ang aming mga magulang.
“Cheers for the success!” aniya ni Craig at itinaas ang bote ng alak na hawak n’ya sa leeg.
“Kampai!”
“Cheers!” masaya kong ibinangga ang bote ng alak ko sa hawak nila. Kaagad kong tinungga ang alak pero kaagad nilang inagaw ang bote.
“Hoy Reese, huwag kang magpakalasing!”
“Bakit? nasa legal age naman na ako ah, kayo nga hindi ko pinigilan na uminom tapos ako—aba naman,”sarkastiko akong tumawa.
“May sasabihin kasi kami,” sambit ni Leo at sumulyap pa muna kay Craig.
“What is it?” umayos ako ng upo at naghandang makinig.
“Reese, sinagot na nila kami! she said yes!” masayang turan ni Craig.
“Woah? really? Congrats sa inyo, so saan ang reception?” binatokan ako ni Leo, mukhang seryoso s’ya kaya napahilot ako sa aking batok.
“Baka magpunta ka sa Korea at maghanap ng koryano ha?” singhal nito kaya’t nangunot ang noo ko.
“Bakit naman—”
“You said that you’ll distance yourself from us once na magkagirl friend na kami,” ngumuso si Craig.
Dahil doon ay naalala ko ang promise ko sa kanila years ago.
“Sus, huwag na kayong magdrama d’yan. Didistansiya lang naman ako pero magkakaibigan pa rin tayo! basta tandaan n’yo ‘yong mga payo ko ah—”
“Kaming mga babae laging tama,” sabay pa nilang sambit na pilit ginagaya ang boses ko.
“Correct! maghanda na kayong manuyo mga talandi!”
I distanced myself from them as a respect. I know my limits as a girl best friend, kapag hanggang do’n lang, do’n lang. The memories and lessons that I earned from them was buried here—in my heart. Having my two bbf is the best treasure I ever had in my life.
END





1
Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. hgJGoiOlKPYV

  2. Christalynmae

    ang ganda po ng story niyo

Leave a Reply


top