Author: Ren Salazar
Ilang araw nang hindi nakakasama ni Bekket si Schiyev. Ilang araw na ring kulang ang pagtulog niya. Naaalimpungatan bigla sa gitna ng gabi.
” Ang babaeng iyon. Palagi ba niya ako iniisip kaya ako napupuyat ngayon? ” Tanong niya sa sarili.
Tumikhim siya ng tubig sa sinalin niya kanina sa baso. Nanatili ng ilang minuto sa kusina saka umkyat sa itaas patungong silid niya.
” Sana..makatulog nako. Kailangan kong masanay uli sa pag iisa. Darating rin ang araw na mawawala siya. ” Tuloy tuloy hanggang kwarto niya.
Kinaumagahan,takang taka ang kanyang lolo nang makita siyang parang zombie na naglalakad. Mabigat ang pakiramdam at mata’y tila uhaw sa tulog.
” What happen to you? Arent you have a good sleep last night?”
” Huwag nyo na po akong pansinin ,lolo. Im ok.” Wika niya rito. Umupo at nagsimulang mag almusal.
” Pinapapabayaan mo na yata ang sarili mo,Apo. Dahil ba wala sa tabi mo ang yung asawa?”
Tiningnan niya ang matanda.
” Is it obvious ,Lo? ”
” Yes…”
” My god ,Lolo. Why cant i be at ease na wala siya. Ganito ba talaga?”
” Ofcourse. You’re in love with her. Normal lang na ganyan ka ngayon.”
Natigilan siya. Inlove na nga ba siya kay Schiyev?
” Ang mabuti pa, hayaan mo muna kay Dome ang trabaho mo sa opisina. Just give him additional salary to do all your obligations right now. May tiwala naman ako sa batang iyon. Puntahan mo yung asawa mo sa lugar nila.”
” Po?!”
” Why not. After all..ganoon naman talaga ang dapat mong gawin. Puro ka na lang trabaho simula nang dumating kayo galing honeymoon. You are not giving her more time para magkasolo kayo. And please,apo. Trabahuin mo na ang pagkakaroon ng baby. Matanda nako at kailangan ko ng makakita ng apo sa tuhod na galing sayo.”
Inisip niya ang sinabi ng kanyang lolo. Ano kaya kung puntahan niya si Schiyev?Sosorpresahin niya ito. Pero hindi para bigyan ng apo sa tuhod ang kanyang lolo. Dahil pag nagkataon.., tapos na rin ang masasayang araw niya. Sinabi niya kasi noon kay Schiyev na iwan na siya nito kapag humihingi na ng apo sa tuhod ang lolo niya.
” Ok ,Lo. Pupuntahan ko siya. And thank you. ”
” Thats good. Tapusin mo na yang almusal mo. Ipa full tank mo yong kotse at rumangkada ka na patungo sa kanya. ”
” Yes,Lo.”
Samantala…….
” Nay,kain na po tayo.” Ginising niya ang kanyang ina sa kwarto nito.
” Mm..maaga ka yatang nagising? At nagluto ka pa.”
” Opo. Tara na sa baba,mag aalmusal na tayo.”
Bumangon ang kanyang ina at tuloy,sabay na silang nag almusal.
” Mabuti naman at naayos na po itong bahay. ”
” Abay syempre. Yung perang pinadala mo ,agad kong ginamit para rito. ”
” Kapag maka ipon po muli ako,yung kwarto naman ninyo ang ipapagawa ko. At salamat nga pala kasi nilagyan mo ng sariling banyo ang kwarto ko.”
Sinadya ni Schiyev na gawan ng sariling banyo ang kwarto niya. Umaasa kasi siya na balang araw,madadala niya si Bekket dito. At kung sakali man,hindi na nito kailangang bumaba para gumamit ng banyo. Kung minsan kasi naka nighties lang ito sa pagtulog. Kaya mas mabuting may sariling banyo ang kwarto niya para malaya si Bekket na magpalit ng pantulog na komportable siya.
” Ako na po maglalaba maya maya nay. Na miss ko pong maglaba.”
” Ha? Bakit? Hindi ka ba naglalaba ng mga damit mo doon sa inuupahan mong bahay?”
Biglang natigilan si Schiyev. Dapat kasi hinay hinay lang siya at huwag ipapahalata na iba na ang buhay niya ngayon kumpara dati.
” Ah..naglalaba naman po. Ang ibig ko pong sabihin..na miss ko pong maglaba ng mga damit po ninyo.” Mabuti na lang at nakaisip siya ng maayos na dahilan.
” O,siye..sige. konti lang naman ang mga marurumi kong damit. ”
Bilang nandito si Schiyev sa kanila kasama ang kanyang nanay,siya na ang gumawa ng lahat ng gawain sa bahay. Matanda na rin kasi ang nanay niya kaya mas mabuting siya na ang gagawa. Naghugas muna ng mga pinggan at sinimulang hakutin lahat ng maruruming damit nila. Hindi pa nakontento,pinalitan pa niya ang mga kurtina at isinama sa mga labahin.
” Hindi yata tumatawag si Bekki,ah. Kumusta na kaya siya doon?” Bigla niyang naisip si Bekket. Hindi kasi ito tumatawag sa kanya simula ng makauwi siya.” Ako na nga lang tatawag sa kanya mamaya pagkatapos kong maglaba. Baka busy ang baklang iyon.” Inilapag niya ang kanyang telepono sa ibabaw ng kama.
Bumaba siya ng kwarto na dala ang isang basket na punong puno ng mga damit na kanyang lalabhan.
” Nay,maglalaba na po ako sa ibaba.”
” Sige. Mag iingat ka.”
” Nanay naman,sa ibaba lang naman po ako maglalaba.”
” Eh,ano naman ngayon? Kailangan mo pa ring mag ingat.”
” Opo nay.” Alam niyang binibiro na naman siya ng kanyang nanay.
At pagkatapos……..
Kuskus piga si Schiyev sa kanyang ginagawa. Talagang hinahanap niya ang ganitong gawain na ngayon ay hindi na niya nagagawa sa mansyon. Ang mga kasambahay kasi ang gumagawa non para sa kanya.
” Hhmm….lalalala…” Pa kanta kanta pa siya.
Hindi niya alam na ilang ulit ng tumutunog ang kanyang telepono sa kanyang kwarto. Malakas pa naman ang tunog nito kaya narinig ng kanyang ina.
Pumasok ang kanyang ina sa kwarto at tinunton ang teleponong kanina pa nag iingay.
Sa kabilang dako…..
” Bakit hindi siya sumasagot?” Tanong niya sa sarili. Kanina pa niya tinatawagan si Schiyev pero laging operator ang nakakasagot.
Nasa lugar na ni Schiyev si Bekket. Ang lugar kung saan rin siya nagkamuwang at lumaki bago sumama sa kanyang appa. Nadaanan pa niya ang bahay nilang noon na sirang sira na ngayon. Nasa maynila na kasi ang kanyang ina at doon namumuhay ng ginhawa. Matagal na rin niyang hindi nadadalaw ito. Pero sige pa rin ang bigay niya ng pera.
Kabisado niya ang lugar pero hindi ang kina Schiyev. Hindi kasi siya palalabas noon. Para siyang dalaga na mas gugustuhing manatili lang sa loob ng bahay. Pero..teka..dalaga nga naman siya talaga. Hindi nga lang tuwirang dalaga.
Diretso lang siya ng diretso hanggang sa makatagpo siya ng isang matandang lalaki.
” Manong..pwede bang magtanong?”
” Ano yon?”
” Saan ho ba yung bahay ni..”bigla siyang natigilan.
(” Ano nga ba ang pangalan ng babaeng iyon dito?”)
” Kaninong bahay ba,iho?”
( ” Si manong…iho tawag sakin. Babae naman akwo ah..” reklamo niya pero yun naman talaga ang totoo. Lalaki kasi siya.
” Ah…kay Aning ho!” Sa wakas ay naalala niya. Narinig niya kasing ito ang tawag ni Rhea sa kanyang yoebo.
” Ah..si Aning ba kamo na ilang araw nang nandito ?”
” Oho. Siya nga po. ”
” Dumiretso ka pa. Pagdating sa dulo na may bali ang sanga. Doon na.”
” Ha?! Nagulat si Bekket sa tinurong daan ng matanda.” Eh,manong..pagdating sa dulo na...