ANG KAYAMANAN SA ILALIM NG DAGAT


“Masyado kang nagpabihag sa pag-ibig Tadeo!” galit na utas sa akin ni ama, napayuko nalamang ako sa kahihiyan at sa sakit na nararamdaman.
“Tignan mo ang nangyari ngayon, wala ng natira sa atin, pati ang ipon namin ay nagawa mong manakaw dahil sa lintek na babae na ʼyan!” marahan kong pinahiran ang luha sa aking mga mata, ni kahit magsalita ay hindi ko magawa dahil sa pagkabigo sa aking sarili.
Totoo naman ang sinabi ni ama, masyado akong nagpabihag sa dayo na babae, ni hindi ko napansin na pineperahan lamang ako, masyado kong binigay sa kaniya ang lahat na meron ako, dahil sa pagmamahal.
“P-patawad po ama,” umiiyak na ani ko, nakakabakla mang tignan, pero oo, umiiyak ako, ke lalaki kong tao pero umiiyak ako sa harapan ng aking ama.
“LUMAYAS KA!” napaawang ang bibig ko at napatingin sa kaniya, hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi.
“Pero ama-”
“LUMAYAS KA!” lumuluhang kinuha ko ang aking mga gamit. Tahimik na lumabas sa aming mansyon. Kami ang pinakamayaman sa aming bayan, pero heto ako at pinapalayas ng aking sariling magulang.
Nakatanaw ako sa dagat, payapang humahampas sa aking mukha ang hangin.
“Gago ka Tadeo, ke lalaki mong tao pero daig mo pa ang babae kung magdrama, babae lang ʼyun.” pagkakausap ko sa aking sarili. Nababaklaan na rin ako sa kinikilos ko, iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao.
Hindi ko namalayan, dahan-dahan akong lumusong sa dagat, wala na akong paki. Gusto ko nalang...


mamatay.
Napapikit ako nang hindi na maabot ng paa ko ang lupa sa ilalim ng dagat. Hinayaan kong malagutan ako ng hininga.
Ngunit makalipas ang ilang minutong pagpikit, nakakapagtakang tila normal lamang ang aking paghinga, ngunit ramdam naman ng aking katawan na nasa ilalim ako ng dagat.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, at ganun nalang ang panlalaki nito nang makita ko ang isang sirena na may kasamang dalawang isda na pinapalibutan ng kuryente.
Inosente itong nakatangin sa akin, maya mayaʼy ngumiti ito sa akin.
“Ang gwapo mo, ikaw palang ang tanging nakapasok sa kayamanan ng dagat, espesyal ka ginoo.” napatulala ako sa kaniya, ang lambing ng kaniyang boses, at sobrang linaw nito, tila nasa lupa ako, ngunit alam kong nasa ilalim ako ng dagat.
“Kayamanan?” nagtatakang tanong ko. Ngumiti lamang ito at dahan-dahang lumapit sa akin. Nanigas ako sa kinalalagyan ko nang hawakan niya ang aking pisnge at marahang hinalikan ang aking labi.
Ramdam ko ang init na hatid nito lalo naʼt malamig ang dagat.
“Ikaw na ang hari.” may pinalidad sa kanyang boses. Naguguluhan akong napatingin sa kaniya.
“Ako?” nagtatakang tanong ko. Marahan siyang tumango.
“Makakapaghiganti na tayo.” sabay naming ani. Hindi ko batid anong nangyayari sa akin, ngunit hindi ko na kontrol ang aking mga galaw, napatingin ako sa sirenang nasa unahan ko.
Siya yung babaeng nilinlang ako.
“Sasakyan ko ang balak mo, pero tinitiyak kong nasa akin ang huling halakhak…” mahinang bulong ko.
TO BE CONTINUED…
_______________________






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top