BINANATAN KO SI SIR


Warning: ANG KWENTONG ITO AY MAY HALONG KALANDIAN NA DAPAT TULARAN. (BIRO ONLY)
Nagtuturo sa gitna ang pogi kung prof sa MAPEH. Tutok na tutok naman yung mga kaklase ko. Habang kagat-kagat ang ballpen ko nakatingin lang sa gwapo niyang mukha.
“Miss Montero, kanina mo pa kagat-kagat yang ballpen mo. Di ka ba nakikinig?” pagtawag niya sakin.
“Nakikinig naman po ako, ah.” nakatingin lang sakin yung mga kaklase ko. Nakaramdam naman ako ng kaunting hiya.
Tss.
“Kung nakikinig ka Ms. Montero, ipatong mo ‘yang ballpen mo sa ibabaw ng mesa mo”. Utos niya.
“Pano yan sir, gusto ko ako ang papatong sayo.”saad ko at kinindatan siya.
Naghiyawan naman ang mga kaklase ko sa sinabi ko.
Si sir naman seryuso lang na nakatingin sakin.
“Sir may tanong pa ako.”tinaasan niya lang ako ng kilay.
This is it, pancit. Kaya mo ‘to self.
“Sir, bat pa kailangan ng heater kung kaya ko naman pa-initin ang malamig mong gabi”.nakatingin lang ako sa mga mata niya habang sinasabi ko yun.
“Yun naman pala sir,eh”
“Lupit mo naman bumanat Elisse”
“Kikiligin kana ba, sir?”
Saad ng mga kaklase ko.
“Ito pa, sir.” saad ko na nagpatahimik sa mga kaklase ko.
“Magagalit ba yung kanin kung ikaw naman ang gusto kung kainin.” Dagdag ko pa...


na mas lalong nagpalakas ng hiyawan ng mga kaklase ko.
Pero seryuso pa rin si Sir. Di ba siya kinikilig?
Bahala siya di ko siya titigilan.
“Ang ganda naman ng mata mo,sir. Ang sarap patirikin. Ang ganda din ng boses mo, ang sarap siguro sa pakiramdam kung ako ang dahilan ng pag-ungol mo.” Umiling iling lang si Sir sa sinabi ko.
“KAYA MO YAN ELISSE! PUSH MO LANG TEH!”
“BANAT SAGAD”
“BANAT KA DIN SIR”
Sigaw ng mga kaklase ko. Pero si Sir nananatiling tahimik lang.
“Last na to. SAWA NA ‘KO SA MGA P.E. EXERCISE NA TINUTURO MO PWEDE BANG IBANG EXERCISE NAMAN, YUNG NASA LOOB SANA NG KWARTO”.lalong naghiyawan yung mga kaklase ko.
Natahimik lang sila ng biglang nagsalita si Sir.
“Ms. Montero, iligpit mo na ang mga gamit mo. Tanggal kana sa paaralang ito.” Saad niya na ikinatahimik ng lahat.
“Simula ngayon, di mo na pag-aaralan ang mga lesson natin. Dahil pag-aaralan mo na kung pano mag-alaga ng isang dosenang magiging anak natin.”saad niya at dahan dahang lumapit sakin.
“Handa kana bang mag-alaga ng isang dosenang anak, huh. MRS. ELLISE MONTERO VALDEZ.” Saad niya na mas lalong nagpalakas ng hiyawan ng mga kaklase ko.
Oh. Ano, di ka krinasback.
Written by: Acre Tiwi Siva






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top