By: Ken Anderson
[Read Carefully]
*********************
I’m always thinking of this dream, a very weird dream…
Every night while sleeping, I always ended up dreaming about this beautiful elegant silver mermaid.
Her eyes that is fully white in color, her Silver Scales on her tale, her pink lips that looks like a breakable pink silver glass, and her hand, it’s so Beautifful.
“Hey? You’re spacing out hon.”
“I’m sorry hon may iniisip lang,”
“I said, I’m going out… nasa ref yung dinner mo, painitin mo nalang ha?” Tumango nalang ako sa sinabi niya… ‘yung bahay namin ay nasa gilid lang ng dagat… sobrang tahimik rito at kami lang ng asawa ko ang nakatira rito wala pa kaming anak, at ang mga bahay dito’y sobrang layo sa isa’t isa.
“Bye hon,” she said then planted a kiss on my cheek.
“Bye, Uwi agad hon huwag magpagabi.” Bilin ko pa.
“Yes hon!” Then she went out. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga dahil iniisip ko parin kung bakit ko napapanaginipan ang sirenang ‘yon.
Pumunta nalang ako sa kwarto at natulog nalang muna hindi pa naman ako gutom, Alas sais palang naman ng Gabi…
——
Na alimpungatan ako dahil sa gutom na nararamdaman ko, alas diyes na pala ng gabi tsk, where’s that girl!
Pinainit ko ‘yung pagkaing sinabi ng asawa ko saka ako nagsimulang kumain.
Pagkatapos kong kumain ay pumunta muna ako sa labas para magpahangin at para narin hintayin ang asawa ko.
Naglakad-lakad ako sa pampang ng dagat nang may mahagip ang paningin ko.
It was my dream… The Silver Mermaid… kinusot ko pa ang mata ko para alamin kung namamalikmata lang ba ako o hindi, pero totoo talaga…
Nagtago ako sa isang puno ng niyog malapit sa sirenang lumalangoy— sapat para makita ko ang kagandahan niya.
“Sh*t!” Mura ko dahil sa pagkamangha, dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan mas tumitingkad ang kulay pilak na sirena, She’s such a beautiful creature, kapag lumalangoy siya mula sa ilalim ng tubig ay nagkakaroon ng liwanag, parang pinapalibutan nito ang magandang sirena.
I can’t do anything but to stare on her elegant...