Incompatible Part 28


Author: Ren Salazar
” Rhea….alam mo ba kung nasaan ang asawa ko? ” Tanong ni Schiyev sa kaibigan. Kanina pa kasi hindi niya nakikita matapos bilhan siya ng napkin.
“Hindi ko alam. Baka nandyan lang sa tabi tabi o baka bumalik sa dagat.” Sagot nito.
” Asan na kaya ang baklang iyon?” Sabay kamot sa ulo si Schiyev. ” Dito ka muna ah. Maya maya kasi uuwi na tayo. ”
“Sige. ”
Iniwan niya ang kaibigan at sinimulang hanapin si Bekket. Pinuntahan niya ang lugar kung saan ito pumunta kanina pero wala roon. Hinanap niya sa ibang lugar at doon,kitang kita niya si Bekket na kasama sa nag uumupukang kababaihan at kalalakihan.
” Aba….” Sambit niya nang makita ang asawa. ” At ang saya saya pa niya. Ang mareng na ito, halos hingalin ako sa kakahanap sa kanya. Lumalandi lang pala. ” May halong inis na turan niya.
Ang mga nag uumpukang iyon ay pawang magagandang babae at ang se sexy ng katawan. Payat ding gaya niya. Pero ang hindi nakaligtas sa kanyang paningin ay ang katabing lalaki ni Bekket. Pasimple simple pang humahawak ang huli sa likod nito na parang kinu comport.
” Humanda ka talaga sakin ,Bekket. Sa pagkakataong ito, kikilos nako. ” Banta niya na parang may kung anong malaking gagawing eksena.
Nilakad niya ang daan patungo kina Bekket. Para siyang isang modelong rumarampa sa gitna ng entablado at sinabayan pa niya ng pag slow mong paghubad ng kanyang malaking t shirt na suot. Subalit nanatiling suot ang kanyang short.
Sa ilalim ng t shirt at ng short na iyon ay ang 2pc bathing suit niya na kulay dilaw. Na pinatingkad pa ang kulay puti niyang balat.
” Bekket…..” Tawag niya sa huli habang naglalakad palapit rito.
Sabay sabay namang nagsitinginan ang mga kasama ni Bekket at iisa lang ang naging reaksyon ng mga ito.
” Wooow…….”
Simpleng kagandagan lang meron si Schiyev pero ang pagkasimple niyang iyon ay nagawang agawin ang pansin ng mga taong naroon. Na kahit na payat ay lutang na lutang pa rin ang magandang kurba ng kanyang katawan.
” Yoebo…..” Maang na sambit ni Bekket. Halos malaglag panga nito dahil sa nakitang ka seksihan rin ni Schiyev.
Pagkalapit ng pagkalapit ni Schiyev ay agad niyang hinawakan ang likod ng leeg ni Bekket at ang isang kamay naman ay sa tiyan nito. At pagkatapos,lakas loob na hinalikan ito sa harap mismo ng mga bago nitong kakilala.
Siniil niya ng halik ang bakla ng walang hiya hiya. Bukod sa lantarang paghayag niya ng kanyang tunay na damdamin rito,gusto niyang ipakita sa mga kasama nito na sa kanya lang si Bekket. Bakla man ito o tunay na lalaki.
” Huuuwooooow…..”
Hiyawan ang mga tao nang makita ang ginawa ni Schiyev kay Bekket.
Nang hingalin si Schiyev,naisipan niyang tumigil at lumayo ng bahagya kay Bekket. Pero,ito naman ang kumilos. Si Bekket naman ang yumakap sa beywang niya at dinala siya nito sa dibdib. Hinawakan ang kabilang pisngi at maingat na hinalikan.
” Ummpp.”
Medyo tumagal ang kanilang halikan. Pero nahinto rin ng marinig ang palakpakan ng mga tao. Nagkatinginan sa isat isa pagkatapos bumaling sa mga tao.
Huli na para makaramdam ng hiya si Schiyev. Hindi lang pala ang mga bagong kakilala ni Bekket ang naka agaw ng pansin niya kundi ang iba pang naroon na nasa tabi ng dagat.
” Ang galing ah…” Tukso ni Bekket sa kanya na labis naman kinapula ng pisngi niya.
Tumingin siya kay Bekket at nagtago sa dibdib nito.
” Itago mo ko. ” Bulong niya rito habang nakasubsob sa dibdib ni Bekket.
” Hhahahah…” Tinawanan lang siya nito.” Halika na nga. Uwi na tayo.” Inakbayan niya si Schiyev na nakasubsob pa rin sa kanyang dibdib.
Habang nasa daang pauwi,walang ka imik imik si Schiyev. Magkatabi nga sila sa kotse ni Bekket pero hindi siya halos makatingin rito.
” Eeehh..ano ba yong ginawa ko?” Tanong niya sa kanyang sarili. Sinulyapan niya si Bekket ng palihim pero nahuli siya nito at nginitian. Agad namang niyang binawi ang tingin at nilipat sa labas ng kotse.
” Aning…” Maya mayay tawag ni Rhea sa kanya.
” O?” Baling niya rito.
” Pwede bang samahan mo ko sa darating na linggo?”
” Saan? Anong meron?”
“Ililipat na kasi yung isang katrabaho ko ng ibang branch sa maynila kaya magkakaroon ng konting salo salo. Pwede mo ba akong samahan? Gabi na kasi matatapos at mag isa lang akong uuwi. Pero pwede mong isama si Bekket kung gusto mo. Mabait naman yong katrabaho ko. Naikwento nga kita sa kanya ng minsang nagkausap tayo sa telepono.”
” Ha?” Tumingin siya kay Bekket. ” Papayagan mo ba ako?”
” Mm.” Sabay tango nito.” Pero hindi ako sasama. Ihahatid ko lang kayo at susunduin pagkatapos. ”
” Sige. ” Tumango lang si Schiyev.
At umusad na ang oras……….


/> Maayos nilang naihatid si Rhea at maayos silang nakarating ng bahay. Madilim na nang nakauwi sila. Nagmano sa nanay at tuloy tuloy sa kanilang kwarto.
Si Schiyev ang unang nagbanlaw ng katawan sa banyo kahit na hindi siya nakapagligo. Nang makatapos,sumunod si Bekket. Pagkatapos,lumabas itong naka sando at naka pajama.
” O? Matutulog ka na ba agad? Hindi ka pa naghahapunan.”
” Napagod yata ako,yoebo. Hindi lang katawan ko ang pagod. Pati hininga ko kinapos dahil sa halik mo kanina. ” Diretsong wika nito.
Tumalikod si Schiyev sa kanya.
” Naku..pag uusapan ba namin ito? ” Bulong niya.
( ” Aning …akala ko ba desidido ka ng sabihin sa kanya pero bakit ngayon,umuurong na dila mo.”)
Nagulat na lang siya nang bigla siyang yakapin sa likod ni Bekket.
” Sche….totoo ba iyong ginawa mo kaninang paghalik sakin?” Seryoso nitong tanong.
” Am…” Tila alanganing sumagot si Schiyev.
Kumalas si Bekket sa pagkakayakap sa kanya at iniharap siya nito sa huli.
” Totoo ba?”
” Kung sasabihin ko ba ang totoo,maniniwala ka kaya?”
Titig na titig sila sa isat isa.
” Well…tingnan natin.”
” Anong tingnan natin? ” Taka ni Schiyev.
” Depende kapag nakita kong totoo yang reaksyon sa mukha mo. So,ano na? Totoo ba iyon..dahil kung kasama lang sa palabas natin yon…”
” Oo.” Amin ni Schiyev.” Totoo iyon. Hindi ko kasi kayang makitang may kasama kang ibang babae o lalaki. Tinutusok puso ko .”
” At bakit?”
” Bekket…hindi pa ba malinaw sayo? ”
” Na…..”
” Na..na..gusto kita. Hindi. Mali pala. Mahal na kita.” Lakas loob nitong pag amin ni Schiyev sa kanyang nararamdaman.
” Baka naman sabihin mo na namang biro lang…”
” Hindi. Hindi ako nagsisinungaling sayo. Mahal kita. ”
” Sabi ko na nga ba at mangyayari ito.”
” Bakit? Bawal ba? Hindi ba pwede dahil sabi mo noon,hindi tayo talo?”
” Ahhahaha…” Tumawa lang si Bekket. ” Alam mo bang sinasabi mo? Sche…bakla ako. At alam mo yun.” Halos ibulong na ni Bekket ang salitang bakla.
” Oo! Alam ko. Pero lalaki ka pa rin. At…at ..mahal kita. Ngayon,kung hindi ok sayo tong nararamdaman ko,ayos lang. Ganoon talaga. Masasaktan talaga kapag nagmamahal.” Sabi niya kahit pigil ang kanyang iyak. ” Hindi kita pipilitin na gustuhin rin ako. Ok lang kahit kaibigan lang ang tingin mo sakin. ”
” Hindi kaibigan ang tingin ko sayo. Asawa kita. ” Pagtatama ni Bekket sa kanya.
” Asawa mo nga ako. Pero..pero matatapos naman to pagkatapos ng dalawang buwan.”
” Hindi. Hindi kita..papayagan.Kahit pilitin mo pang bayaran ang naibigay ko sayo…hindi ko tatanggapin. ” Tuwirang saad ni Bekket. ” Makinig ka. Hindi ko inaasahan na..na makaramdam ng ganito. Yung kinakabahan kapag ikaw ang kausap ko. Pero nasisiyahan kapag kasama ko. Bakla ako..oo. lalaki ang gusto ko. Pero biglang nagbago. Biglang nalito ang puso ko nang…nang maramdaman kong nahuhulog na rin pala ako sayo.” Sa wakas pinakawalan na rin niya ang tunay niyang damdamin.
Namilog ang mga mata ni Schiyev nang marinig ang pag amin ni Bekket. The feeling si Mutual rin naman pala.
” Yoebo…” Hinawakan ni Bekket ang kamay niya. ” Tulungan mo ko. Tulungan mo ko na maging isang tunay na lalaki para sayo. Gusto kong sumugal. Gusto kong talikuran ang pagkabakla ko para sayo.”
” Bekket….”
” Hindi,Schiyev. ” Sa wakas ay nasambit rin ng tama ni Bekket ang pangalan niya. “Ang totoo niyan.. Ako..ako si …”
” Si Zuriel…” Pagpatuloy ni Schiyev.
” Paano….” Nagtaka naman si Bekket kung bakit nasabi ni Schiyev yon.
” Hula ko lang naman. Si Rhea kasi ang unang nakapansin na magkamukha kayo ni Zuriel. Walang sinumang higit na nakakakilala kay Zuriel kundi ang taong may crush sa kanya noon. At kaibigan ko yun. Madalas ka niyang tinitingnan sa kanyang telepono kaya siguradong makikilala ka niya. ”
” Hin…di ka ba galit?”
” Nong una..oo. pero bakit nga ba ako magagalit gayong hindi naman malinaw ang nangyari sating dalawa noon.”
” Halika nga. Payakap ulit.”
Buong pagmamahal siyang niyakap ni Bekket.
” Salamat. Napakabait mo,Yoebo.”
” Mabait ka naman kaya mabait rin ako.”
Tiningnan ni Bekket si Schiyev.
” So, pwede na siguro nating lagyan ng laman yang tiyan mo?” Biro nito.
” Tumigil ka. Kakasimula pa lang natin bilang tunay na magka ibigan.”
” Eh,ano naman ngayon. Tsaka…sabi ko naman sayo na tulungan mo ko para maging isang ganap na tunay na lalaki,diba?baka pwedeng simulan na natin sa pagkakaroon ng…alam mo na. “Hirit pa nito.
” Zu…”
” O. Hindi na yata bekki tawag mo sakin.”
” Oo. Kasi sisimulan natin sa pangalan mo ang pagiging isang tunay na lalaki. At hindi sa paglalagay ng laman sa tiyan ko.” Paliwanag nito.
Mabuti naman at naka intindi agad si Bekket kaya pagkatapos ng parteng ito,balik sa Zuriel na ang pangalan niya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top